Chapter 15: Sister

4.3K 177 3
                                    

Nat POV

Natutuwa akong panoorin si Elise at ang kanyang kapatid na nagkukulitan at nagtatawanan sa kabila ng kanilang pinagdadaanan. Makikita mo din kung gaano kabuting kapatid at anak si Elise sa kung paano niya asikasuhin si Alex. Bigla tuloy akong nainggit dahil nagiisa na nga lang akong anak tapos hindi pa ako malapit sa aking ama. Ano kaya kami ngayon kung hindi nawala si mommy? Magkakaroon din kaya ako ng kapatid at magiging masaya rin kaya kami? Tanong ko sa isipan.

"Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Elise.

"Ha? Oo naman. Wag mo kong intindihin." Sagot ko. Uy may care na siya sakin!

"Ate Nat, salamat po pala sa pagtulong niyo samin ha? Napaka-bait mo po." Wika ni Alex. Lumapit ako sa kanya at saka hinawi ang kanyang buhok at inipit iyon sa kanyang tenga.

"Wala yun at wag kang mag-alala dahil paglaki mo, sisingilin kita ng doble." Biro ko at saka kumindat. Tumawa kami pareho.

"Pwede bang si ate Elise nalang ang ibayad ko? Masipag naman yan at saka masarap magluto." Suhestiyon nito.

"Why not? Ibabayad mo na ba siya sakin ngayon? Sagot ko.

"Sige po, pwede mo na siyang itake home. No return, no refund ha?" Tugon niya at saka palihim na tumawa.

"Alright. Don't worry, kahit defective pa yang ate mo di ko yan irereturn." Sabi ko at saka makahulugang nilingon si Elise.

"Hoy kayong dalawa, tigil-tigilan niyo lang ako ha!" Reklamo ni Elise habang inaayos ang pagkain ng kapatid. Sabay kaming tumawa ulit ni Alex. Ang sarap niya talagang asarin.

"Alam mo ate Nat, ganyan lang yan si ate Elise, kala mo masungit pero mabait naman talaga yan. Kaya wag kang mapapagod sa katarayan niya ha." Kwento nito.

"Naku, sa araw-araw na ginawa ng Diyos lagi nalang akong sinusungitan niyang ate mo. Minsan nga hindi ko na alam kung sino ba ang boss sa aming dalawa eh." Sumbong ko.

"Excuse me? Bakit kaya ako nagtataray, aber?" Sagot ni Elise. Mukhang napipikon na ito sa amin.

"Bakit nga ba?" Hamon ko.

Napahinto ito sa ginagawa at saka kinuha ang isang mansanas at ibinato sa akin. Buti nalang at nasalo ko iyon bago pa tumama sa mukha ko.

"See? Hindi lang niya ko tinatarayan, may kasama pang pananakit." Sabi ko kay Alex. At tumawa lang ito. Habang si Elise naman ay nakapamewang na nakatingin sa akin ng masama.

"At ikaw Alex, sino bang ate mo at kinakampihan mo yan?" Sabi nito sa kapatid.

"Ate ko din naman si ate Nat eh." Sagot nito at saka yumakap pa sa braso ko. At tumango naman ako sabay sabi ng 'oo nga' bilang pagsang-ayon.

"Ah bahala nga kayo diyan!" Sigaw nito dahil pikon na.

Kahit na inis na inis na si Elise sa amin ay patuloy parin naming siyang inaasar hanggang sa mapagod na itong pansinin kami. Mabait din si Alexa at may taglay din itong ganda na kapansin-pansin.

Marami siyang ikinuwento sa akin tungkol sa ate niya. Nabanggit din niya na hindi parin daw ito nakaka-move on sa sa ex-boyfriend nito na nagngangalang Dave. Dati daw ay dumadalaw ito sa bahay nila pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap dahil hindi niya ito gusto para sa ate niya. Pakiramdam daw nito ay sasaktan lang ng lalaking iyon ang ate niya at hindi nga siya nagkamali. Kaya daw natuwa siya ng malaman na naghiwalay na sila.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang doctor na kanina pa naming hinihintay. Nakasunod din dito ang nanay ni Elise na may dala-dalang mga papeles marahil ito yung mga result ng laboratory si Alex.

Ngayon sasabihin ng doctor kung naging successful ba ang operasyon kung saan kinailangang putulin ang ugat sa puso kung saan may bara at naglagay ng panibagong blood path para maayos itong makadaloy.

"Good evening, Dok." Bati ni Elise. Nakita ko na parehas silang naging seryoso ng kapatid. Marahil ay kinakabahan ito sa resultang sasabihin ng doctor ngayon.

"Magandang gabi din sa inyo." Tugon nito. "Kamusta ka, Alexa? Sumasakit pa ba ng sugat mo sa dibdib?" Tanong nito kay Alex na nakaupo sa kama.

"Okay naman po at hindi narin sumasakit yung dibdib ko. Makakalabas na po ba ako ngayon, Dok?" Tanong nito na tila hindi na makapaghintay na umuwi.

Natawa ang doctor sa sagot nito. "Alam ko gustong-gusto mo ng makauwi. Kaya nga ako nandito para sabihin sa inyo na naging maganda ang resulta ng operasyon dahil nanormalize nito ang blood flow sa puso mo. Sa isang linggo naming observation ay wala kaming nakitang problema sa bypass operation at masasabi kong naging successful ito. Another good news is pwede ka ng umuwi bukas." Masayang balita nito.

"Narinig mo yon, ate?" Tuwang-tuwa nitong sabi kay Elise.

"Yes, bunso! May katabi na ko ulit matulog." Sabi nito at saka niyakap ang kapatid. Hindi rin nagpaiwan si tita at lumapit din ito para makiyakap sa magkapatid.

"Anong ginagawa mo dyan, ate Nat? Tara dito!" Aya sa akin ni Alex. Okay na kong makita sila na masaya pero dahil tinawag na niya ako, tumayo na ako't lumapit.

Nakita kong nakatingin sakin si Elise habang papalapit ako. Bigla tuloy akong nailang dahil baka isipin na naman niya na tinetake advantage ko siya. Pero bigla siyang ngumiti at saka sinabing "Okay, group huuuuuug!" At saka kami nagyakapan ulit. Ngayon ko nalang ulit nakita si Elise na ngumiti sa akin at kinataba yun ng puso ko. I wish this would be a good start.

------------------------------------------



Love Triangle (WILL UNDERGO MAJOR EDIT)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang