2. Amy's Pov

2 0 0
                                    

2.

"Mary had a little lamb. Little lamb, little lamb. Mary had a little lamb while Amy have a dog." Paulit-ulit kong kanta habang naglalagay ng mga sangkap sa kaldero na kasalukuyang nakasalang sa asul na apoy.

"Walanghiya 'to. Ang korni. Tsk. Dinamay mo pa ako." Reklamo naman ng kasama ko.

"Huh? Bakit? Aso ka ba?" Sabay mapanukso kong tingin. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na. "On the second thought, edi sige. Aso ka na, natamaan ka eh. HAHAHA."

"Ewan ko sayo." Nagcross-arms sya at sumandal sa pader.

"Haha. Pikon agad." Sabay behlat ko.

"Di ah. Tch." Inirapan niya naman ako. Parang bakla lang.

"Pikon ka eh. Umamin na kasi."

"Tumigil ka nga! Gusto mo layasan kita?!" Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Di ko nalang kinulit baka layasan pa ako. Wala na akong pet. "Tapusin mo na nga yan."

"Okay po siiiiir~ sabi mo eh. Labyu!" Then I winked at him, inirapan niya lang ulit ako. Haha. Pikon talaga.

Nagdecide nalang akong ipagpatuloy ang ginagawa ko. Inilagay ko na ang huling ingredient and casted the spell.

"Oh great and powerful Ones that guide and reign. Give thy fortune and let it rain. For luck shall come to those who wears the sacred flame."

May sumabog na berdeng usok mula sa kaldero. Amoy bagong dilig na halaman. Hmm. Maya-maya naman ay nawala na. Lumapit ako at ang kaninang berdeng apoy na nasa loob ng kaldero ay naging berdeng tubig na. Kumuha ako at nilagay ito sa maliit na spray bottle.

Lumingon ako sa may pinto at nakitang may nakasilip dito. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Vincent (yung pikon na kasama ko) at nandun lang siya nakatayo at may headset sa tenga. Kita mo to oh. Oras ng trabaho pa petiks-petiks lang. Tsk.

Kumuha ako ng sandok at ibinato sa kanya. "Ano ba!" Reklamo niya pero sinenyasan ko siya na manahimik at itinuro ko ang pinto. Lalapit na sa siya sa pinto pero pinigilan ko siya at inunahan.

Pagbukas ko ng pinto natagpuan ko ang taong kanina ay sumisilip sa pinto na nakalutang. Halata sa mukha niya ang pagkagulat niya. Oh, wag mong sabihing...

"Hawakan mo siya." I ordered Vincent through telepathy. Sumunod naman siya, nagtransform siya at naging phyton at agad na hinawakan or more like pinilipit ang mapangahas na lalaking pumasok sa pamamahay ko.

"Anong ginagawa mo dito huh?" tanong ko sa kanya.

"G-gusto ko lang ibigay 'tong ulam." Nanginginig niyang sabi.

"At aanhin ko naman yan? Tch." Taas-kilay na tanong ko with matching cross-arms pa. Baka tingin niya wala kaming ulam. Ano ako? Mahirap?

"Kakainin, malamang-sssss" sabat ni Vincent. Buset lang? Sumingit ba naman sa usapan ng may usapan?

Oras ko naman ngayon para irapan siya. "What I mean is, for what? Umorder ba 'ko sayo? Delivery boy?"

"Uh. Thank you ko dahil niligtas mo ko sa mga nambubully sakin nung panahong yun."

Bumuntong hininga ako bago magsalita. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala yun? Ge. Uulitin ko ha? WALA YUN. OKAY NA."

"Pero..."

"Ano? Tagal makaintindi tol? Buffering parin ba? Slow, ganun?" Pamimilosopo ko sa kanya.

"Pero ano kasi gusto ko lang talagang----"

"TUMIGIL KA NA KASI. NAKITA MO DIBA? ALAM NO NA DIBA? KUNG HINDI LANG DIYAN SA KAKULITAN MO-- UGH!!!" pagtataas ko ng boses sa kanya. Paano ba kasi, eh ang kulit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Amy's LairWhere stories live. Discover now