1. Amy's POV

11 1 0
                                    

1.

"Aalis na po ako. Mag-ingat kayo dito manang ha? Isara nyo lahat ng pwede isara habang wala ako." Bilin ko sa kanya bago umalis.

"Opo." Sagot niya sakin. Ngumiti ako atsaka niyakap siya.

"At ikaw naman." Baling ko sa itim na labrador ko. "Magpakabait ka ha?" Atsaka ko siya hinalikan sa ulo. Ambango talaga ng aso ko. Hihi.

Pagdating ko sa school ay agad akong binati ng mga schoolmates ko. Tss. Akala mo kung sino anghel ang paplastik naman. Alam ko namang binabati nila ako para maging close kami at you know para maging famous sila. But hell, di ako magpapauto sa kanila.

Walang manloloko kung walang magpapaloko.

"AMYYYYY!" sigaw ni Monique pagtapak ko palang sa classroom.

"Hi." At nginitian ko siya. Of course naman may kaibigan din ako kahit di ako masyado social.

"Gusto mong sumama? Magssleep-over kami sa sabado sa bahay." sabi nya sabay twinkle ng mata.

Pero syempre, kahit magkaibigan kami. I should know my limit. Mahirap na baka malaman niya.... baka malaman nila. Magkagulo pa.

"No."

"Ha? Bakit na naman? Pang..." nagbilang muna siya gamit ang daliri niya bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "walong tanggi mo na yan sakin."

Naaawa na talaga ako sa kanya at nakokonsensya ako kapag nagpapout siya pero hindi pwede.

"May pupuntahan pa kami e."

"Saan ba kasi kayo pumupun--" napatigil sya sa pagsasalita niya nang ngitian ko sya ng napakatamis. Uy, walang halong magic yun ha.

"Sige na nga. Next time nalang." Niyakap ko naman siya as a sign of thank you.

"Nga pala, bago ko makalimotan. Dumaan pala si Yuji dito." Whatda siya na naman? "Ito oh, pinabibigay niya."

Inabot niya sakin ang isang cute at maliit na kulay skyblue na box. Heck, ano na naman to Yuji. Si Yuji nga pala ang masugid kong manliligaw simula 1st year hs. Tagal na rin nun ah. Kailan ba sya titigil?

Binuksan ko ito at iniangat ang isang kwintas. Parang ordinaryong kwintas lang sya na ang pendant ay halos umabot na sa tyan ko. Seryoso? May galit ata to sakin eh. At dahil sinabi kong 'parang', meaning hindi talaga siya completely ordinary.

Yung pendant kasi napaka unusual. Para syang isang maliit na transparent box na pwede lagyan ng kahit anong maliit na bagay. Pwedeng pearl, pwede rin yung.... sht, baka nagkataon lang. Ok, erase.

"Omayghaaaad~ Ang ganda. Pero girl, bakit ganyan ang pendant?" Singit ni Monique habang minumurder-- este kinikilatis yung pendant.

"Ewan." Simpleng sagot ko sa kanya at nilagay na uli yun sa box at itinago.

"Hey there choosy one." Bati sakin ((teka bati ba tawag dun?)) ng isa sa mga clown froglets na nasa harap ko ngayon.

Recess kasi at pumunta ako sa locker room para kumuha ng libro for my third period subject. At as usual, baha na naman ng letters ang lockers ko. Lahat ng klase ng letters. Love, hate, friendly, sympathy ((ewan, di ko rin alam trip nila.)) at may death threats pa nga eh. But still, I don't care.

At sa kasamaang palad, palabas na ako nang harangin ako ng mga payasong 'to. At sa kasamaang palad ulit, wala si Monique dito para awayin sila. Badtrip lang.

"No, no. Mali yata. She's a choosy bitch." Sabat nung isa. Putik lang? May bitch bang choosy? Saksak ko kaya sa lungs nila ang merriam webster?

Napa "Tch." nalang ako.

"So ano? Wala kang masagot? Totoo dba? Hahaha." At tumawa pa sila, nagsmirk ako na ikinatahimik nila. Nagulat ata.

"Sa pagkakaalam ko. Ang bitch, malandi at walang pili. May bitch bang choosy? Kaya sa susunod na gagamit kayo ng salita, siguraduhin niyong tama ang pinanggamitan niyo para naman di kayo mapahiya sa harap KO." atsaka ko sila nginitian at nag walkout.

Pero bago pa ako makalayo ay hinila ako ng isa sa kanila at sasabunutan na sana ako pero...

Sa isang iglap ay bigla nalang silang natumba kasama ang dalawang matipuno pero mukhang ogres (dejoke lhungs. Gwapo sila) at isang nerdy na lalaki na mukhang lampa.

"Ouch!"

"Sht!!"

Sabay nilang sambit. Nakita ko namang ang sama ng tingin ng dalawang lalaki doon kay nerdy boy kaya agad ko siyang hinila patayo.

Now I get it. Binubully nila si Nerdy boy. Tsk tsk. Porke't mas maliit (well, maganda din naman katawan ni nerdy boy, inaamin ko.) binubully na nila? Tch, cowards.

Labag man sa kalooban ko ay kailangan kong kontrolin ang mga froggy clowns na'to para madistract ang dalawang fafa, i mean ogres-- este lalaki para makaalis kami.

Tumayo na ang mga froggy clowns at pinaghahampas, pinagpapalo at pinagsasabunot ang dalawang lalaki.

"Alam mo bang kabago-bago pa ng sapatos ko, dudumihan mo agad?!"

"Watda! Yung nails ko bwesit."

"Argh. You're so mabigat. I hate youuuuu!!!"

Reklamo nila habang papalayo na kami ni nerdy boy.

Amy's LairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon