Chapter 3

26 4 0
                                        

Chapter 3

Sana

Nandito ako sa Memorial Park at kitang kita ko kung paano umiyak ang mama ko sa libing ng dati kong pagkatao. Marami ring dumalo. Marami rin palang nagmamahal saakin. Lahat sila namumula ang mata.

Bakit nga ba ako naging masamang kaibigan? Ano bang mga pagkukulang ko? Ano pa bang kulang sakin noong mga panahong iyon?

Unti-unting nagsialisan ang mga tao sa puntod ng dati kong pagkatao. Mas gusto ko kasing tawagin ang puntod na íyon na "puntod ng dati kong pagkatao" kesa naman sa "puntod ko"

Nung wala ng tao. Napansin kong lumapit ang isang babae.. Pamilyar ang mukha niya pero di ko matandaan kung saan ko siya nakita. Nagtagal din siya doon bago tuluyang umalis.

Kaya naman lumapit na rin ako. Umupo ako sa bermuda grass at hinaplos ang ang naka engrave na pangalan.

Yvette Fritzie G. Valentino

Born: March 22, 1997

Died: September 11, 2014

Your memories will always remain in our hearts. We love you!

Bagong buhay.. Bagong pagkatao.. Bagong ako..

*Flashback*

"napostpone ang counseling. Naayos ko na rin lahat ng kailangan mo. Ang bago mong pangalan ay Lawreen Courtney Reyes Smith."

*End of Flashback*

"Ree.. Kailangan na nating umalis. Pupunta tayong Baguio." tumayo na ako para makaalis na kami agad. Hindi pa rin ako sanay.. Hindi ko pa tanggap ang mga nangyari. Pero kailangan ko ng tanggapin at kailangan ko ng masanay sa lalong madaling panahon.

"Unni Ree, are you okay?" tanong ni Levy pagkapasok ko ng van. Si Levy at Exo, ang kambal na kapatid ni Thea. Sila yung pinagkamalan kong 11 years old pa lang. Pero 16 na pala sila. Mukha kasi silang bata eh.

"Yeah, Okay lang" sagot ko naman.

"Unni, pillow?" sabi naman ni Exo habang inaabot yung unan na maliit.

"Ate, ipod?" si Thea naman habang inaabot ang ipod shuffle na maliit.

"Thank you babies!" sabi ko at binigyan sila ng magandang ngiti habang inaabot ko ang mga inaabot nila.

Kahit na iniwan ko ang pamilya ko, ramdam ko pa rin na may pamilya pa rin ako. Ang swerte ko nga sa griffins eh. Ang lalambing nila. Kahit na 17 pa lang ako, ang turing nila sakin ay mommy nila.

Bale sampu kaming griffins. At yung lima ay hindi ko pa kilala. Sabi ni Sherwin, mamaya daw sa Baguio ipapakilala niya ko.

Kaya rin kami pupunta dun ay dahil dun din gaganapin ang counseling. Kasama ang iba't ibang grupo.

Inabutan ako ni Levy ng brownies na nibake ni Sherwin. Ang sarap nilang magbake. Lahat alam nila gawin. Kaya sabi nila ay kailangan ko ring gawin ang mga ginagawa nila.

Naramdaman ko ang biglang pagpatong ng ulo ni Sherwin sakin. Sinenyasan ko ang magkakapatid na huwag silang maingay. Sinuot ko rin ang isang earphone sa kabilang tenga niya.

Napatitig ako kay Sherwin. Mapapansin ang pagkakahawig nila ni Sam. Di maipagkakailang magpinsan nga sila.

Makikita ko sila mamaya. Ang buong Phoenix. Ang mga taong lubos ang pagkamuhi sakin. Mukhang wala yata akong mukhang maihaharap sa kanila. Lalo na kay Sam..

Napahikab ako. Mamaya ko na nga sila iisipin. Iidlip muna ako. Isinandal ko sa ulo ni Sherwin ang ulo ko. Atsaka ako unti unting nilamon ng antok.

*Flash*

May nag flash na camera. Pero di ko pinansin dahil inaantok pa ako. Ang lamig kasi eh. Niyakap ko pa ng mas mahigpit yung unan ko.

"Ano ba Exo oppa! Ioff mo po yung flash!"

"Thea, don't be so noisy! They might hear you."

"Sorry Levy oppa.."

Naramdaman kong may yumakap sakin ng mahigpit. Mainit sa pakiramdam.. Kaya sumiksik pa akong lalo sa yumayakap sakin.

"Look! They're so sweet, oppa."

"Ssshh!"

"They look good in the camera"

"Yeah, you're rigㅡ"

*Boogsh*

Nagulat ako sa malakas at biglaang pagbukas ng pinto ng van. Kaya bigla akong nagising, si Sherwin pala ang kayakap ko.

"Bilisan niyo. Kayo na lang ang hinintay sa loob." masungit na sabi ng nagsalita kaya naman napalingon ako sakanya.

Shet. Si Sam.

"Whatever you say, dude" wika naman ni Sherwin atsaka bumangon. Umalis naman agad si Sam. Sumunod na sakanya ang Cruz siblings.

"Ang sarap mo palang yakapin" ika niya sabay smirk.

Di ko siya pinansin at inayos na lamang ang sarili ko para makababa na kami.

Ano kayang gagawin nila sakin?

Napabuntonghininga na lang ako sa isiping iyon.

Sana makaya ko..

The ConsequencesWhere stories live. Discover now