[Chapter 4]: Getting close

3.7K 65 12
                                    

[Chapter 4]: Getting close

-Hero's Point of View-

Two weeks na ang nakalipas simula nung na announced ang partner system at hanggang ngayon, hindi pa rin kami nag uusap ni Ray. Hindi naman ako nag eexpect or ano pero napansin ko lang na sina Blood at Dark ay kahit papano nagkaroon na ng interaction sa mga partners nila. Blood is partnered with Maegan while Dark is partnered with Alex. Maegan and Alex are the other two girl members of the dangerous clan na kasama ni Ray.

Although they're from dangerous clan, mukha naman naging welcome sila sakanilang mga partners. Di tulad nitong si Ray eh na halatang walang pakialam.

Nakikinig lang ako habang andito kami sa dorm at nag kkwento yung dalawa about sa partners nila. Na kesyo mabait daw, hindi naman daw nakakatakot at matulungin pa lalo na pagdating sa mga subjects.

"Eh kayo ni Ray kamusta? Nag uusap na kayo?" tanong ni Dark saakin.

Nagkibit-balikat ako. "Hindi. Di ko nga alam kung alam ba nun na partners kami."

Blood chuckled. "Malas mo naman pre sakanya ka pa napunta. Baka mahila ka pa nyan pababa lalo na sa academics."

Umiling ako. "I don't really care about the rankings but yeah, it kinda pissed me off last time na nag absent sya at may lab experiment."

Tumawa si Dark. "Tangina galit na galit si Ms. Hernandez habang tinitingnan mga results ng experiment mo."

Kumunot noo ko nung naalala ko yun. Sobrang malas nung araw na yun dahil absent si Ray at ang groupings nung chemistry lab experiment na yun ay by pair. Pinag pair kami sa mga partner namin at si Ray lang ang tanging absent nung araw na yon. I remember Alex and Maegan were also absent nung mga unang subjects kaya akala namin tatlo silang absent sa araw na yun. However, humabol yung dalawa nung laboratory subject na. Inisip ko baka alam nila na may experiment at mahirap mag absent. Pero etong si Ray wala talagang pakialam. Something was strange though dahil mukhang may sakit at pagod sina Alex at Maegan nun pero pinilit nilang pumasok.

In the end, mag-isa akong gumawa ng experiment at sa dami ng trials, hindi ko natapos lahat kaya nagalit si Ms. Hernandez. But she didn't exactly blamed me dahil alam naman niyang mag-isa lang ako.

"Exam na next next week. Baka mamaya niyan ang partner mo pa ang pinaka mababa." -Blood

I sighed. "Buti nalang individual naman yung grading sa exams. Sariling kayod. Hindi naman ako maaapektuhan pag mababa siya sa exams." I said that but I admit i'm kinda worried sa kanyang academic performance pero ayoko ng makialam dahil hindi naman kami nagpapansinan at hindi naman ako yung tipo ng tao na nag-aalala sa kung sino sino.

"Well if you say so." Nagkibit-balikat si Blood.

Pagkatapos ng konting usapan ay nagpasya na kaming matulog dahil may pasok pa kinabukasan.

***

Monday ngayon at andito kami sa classroom habang nakikinig sa discussion ng teacher. Napasulyap naman ako kay Ray at medyo nagtaka dahil nakita ko nakatingin siya sa harapan at nakikinig. Absent siya nung last friday kung kailan nangyari ang lab experiment namin kaya tatlong araw ko din hindi siya nakita. Nakakapagtaka lang dahil eto ang unang beses na nakita ko siya na nag paparticipate sa klase. Anong nakain nito?

Naalala ko yung mga times na tinutulugan niya lang mga klase namin. I was also like that during our times in Sherlock academy. Hindi ko na pwede gawin yun dito dahil hindi na namin to teritoryo at baka mabulilyaso pa ang rason kung bat ako nandito. Mahilig din ako mag cutting-class dati. Ganun din si Ray dito. Bigla nalang nawawala. Kaya hindi na talaga ako magtataka na hindi siya makakakuha ng mataas na marka sa mga exams. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Devin High [REVISING]Where stories live. Discover now