5th Chapter

5 2 0
                                    

Peppa Pig

Kasalukuyan kaming nasa canteen ni Nickael ngayon, nag-aya siyang manlibre so siyempre bawal namang tumumanggi kasi grasya yun. Panay lang ang kuwentuhan namin nang dumating ang order.

"Naku talaga Cee, kung namatay ka kagabi wala sana akong kasama ngayon dito" madamdaming sabi nito kaya binatukan ko.

"Loko ka, okay lang yun. May nagligtas naman sa akin"

"Pero seriously, sorry talaga kung sinamahan lang kita eh di sana safe ka" nginitian ko lang siya.

Nasa kalagitnaan kami ng pag kain ng bigla siyang kiligin. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan dahil may laman ang bibig niya.

"Ang sabi ko, sino nagligtas sa'yo? Gwapo noh?" Kinikilig nitong sabi.

"Hindi siya gwapo, mukhang gagong yun. Ay basta kumain ka na lang"

Ipinagpatuloy niya ang pag kain ng may ngiti sa labi, ano na naman kaya ang iniisip nito? 

Naglalakad na kami sa hallway ng may tumawag... sakin?

"Hey Peppa!" A familiar voice from somewhere.

NAKITA ko sa canteen yung babaeng tinorture ang alaga ko kahapon na iniligtas ko pero tinawag pa akong gago. I can't help to smile nang makita ko kung paano rin siya ngumiti halos wala nang mata dahil sa pisngi nito.

Habang naglalakad ay sakto namang nasa may unahan ko sila. Akmang tatawagin ko siya ng maalala kong 'di ko pala alam ang pangalan niya, pano ko kaya to tatawagin?

"Hey Peppa!" Sigaw ko.

She stilled but continue walking. Kaya naman hinarangan ko ang dadaanan nila.

"Hey Peppa, miss me?"

"Girl, oh my gosh..." nakatulalang sabi ng kasama niya.

"Oh gago, anong ginagawa mo diyan? Tumabi ka nga!" Naiiritang sabi ni Peppa.

"Sinong gago? Ako? Tsk, baka gwapo" mayabang kong sabi.

"Ah, sige Cee mauuna na ako ha. Bye!"

"Hoy Nickael 'wag mo kong iwan!"

Nakita kong nairita siya nang umalis ang kaibigan niya kaya hindi ko maiwasang tumawa.

"Anong tinatawatawa mo diyan?"

"Galit ka na naman Pep---"

"Stop calling me Peppa you jerk! Bakla ka nama--"

My LoveWhere stories live. Discover now