3rd Chapter

8 1 0
                                    

Moving On

Isang linggo na ang nakalipas at resume na ng pasukan. Wala naman akong ginawa dito sa bahay kundi ang magmukmok, nag-aalala na nga si mommy pero di ko siya pinapansin. 

Paulit-ulit lang ang routine ko ng mga nakaraang araw. Gigising sa umaga, maliligo, magbe-breakfast, mag-aaral, matutulog, gabi na gigising, kakain at matutulog ulit.

Nakapagbihis na ako ng uniform, at napansin kong medyo sumikip siya. I look myself in the mirror at nakita ko ang pinagbago ko, physically.

Bilugin na yung katawan ko, lumobo yung pisngi ko, pero namamaga pa rin ang mga mata ko.

Kailangan kong itatak sa isip ko na hindi siya kawalan. Nasisira lang beauty ko hayy.

Bumaba ako sa dining at nakita kong naka prepare na ang breakfast. Nag tinapay lang ako at tumayo na.

"Cee, are you done? Kaunti lang ang kinain mo" saway ni mommy sa pagtayo ko.

"Yes ma, kailangan kong mag diet" I kissed her cheeks at nagpaalam na ako.

Pagkarating ko sa classroom ay nakita ko na si Nickael na panay ang selfie.

Napatingin siya sa gawi ko...

"OH my god sis!!! Anyare sayo? Parte ng pag move on? Taba ah, hahaha" asar na sabi ni Nickael.

Hindi ko lang siya pinansin at umupo na ako.

After class umuwi na agad ako. Wala na akong ibang magawa kundi magmukmok sa ngayon. Uubusin ko lahat ng sakit ko sa ngayon. And after that okay na ako, ibabalik ko ang sigla ko.

KINAUMAGAHAN gumising ako ng alas kuwatro at napagisipang mag jogging. Limang beses kong inikot ang village namin at bumalik rin sa bahay. I went to the kitchen and drink some water when mom enter.

"Oh you're awake,kala ko tulog ka pa"

Di ko siya pinansin, I just give her a peck on her cheek and prepared breakfast. I was about to go to school nang makita kong flat ang gulong nang sasakyan.

"Shit! Bakit ngayon pa na wala akong reserbang gulong" I murmured.

I have no choice but to call a taxi, I am hundred percent sure na hindi ako papayagan ni mommy na gamitin ang ibang kotse. Habang nasa taxi panay ang text sa akin ni Nickael.

Nickael: Ceejie! Where are you? It's already 7:30. Miss Forte will be here naaa.

Me: I'm on my way. Traffic. Nag taxi lang ako dahil flat ang gulong ng kotse ko and wala akong reserbang gulong. Bye.

Matapos ang kaunting minuto ay nasa school na ako. Thank God at wala pa si miss Forte. While still waiting for our teacher nagbasa-basa muna ako ng lessons namin even though may sumasagi sa isipan kong pilit kong binubura. Why it is not easy to move on? Her face is on my mind, I can't focus... Kung nakinig kaya ako sa mga sinasabi ng iba, masasaktan ba ako? Kung hindi ko ba ibinigay ang tiwala ko sa kanya okay lang kaya ako? If I gave myself to him, kami pa rin ba? I just now realize how I was so obsessed na nabulag na ako sa lahat, hindi ko man lang alam ni niloloko na ako.

Nalaman kong tulala na pala ako when someone clap in front of me, Nickael.

"Cee, alam kong nahihirapan ka pero please lang sana hindi niyan maapektuhan ang studies mo"

I look away.

Dahil yun na nga ang nangyayari, hindi ako makapagfocus sa studies ko.

"Classmates! Wala daw si Miss Forte! Yahoooo!!!" Sigaw ng kaklase naming adik sa ML.

I just sighed, maghihintay na lang ako ng second period.

A/N: new update yey!

My LoveWhere stories live. Discover now