kabanata 1

12 1 0
                                    

Kabanata 1

This day is different...

Magandang dagat, maraming kumikimtab dahil sa araw, taong naglalakad kaliwa't kanan. Mundong hindi ko makita sa loob ng sampung taon, nanatili sa loob ng malaking bahay, walang ibang ginawa kundi kumain, matulog, at bagong umaga ulit.

My eyes rome every part of the sea, para iyong dyamante na kumikinang dahil sa sikat ng araw. At nakakatuksong lumangoy lalo na't ganyan ang sasalubong sayo kung hindi ka takot umitim

"Ate!!"

Tumingin ako sa pinto kung saan nandoon ang aking bunsong kapatid. Then i smile.

"One...two...three...so good, ganda ng ngiti ah? How are you today?" Sabi nya sakin. Halatang kakauwi nya lang dahil sa suot nyang uniporme. Tong batang lalaki talaga to oh!

"I'm fine, you? how are you? Study? Wala bang problema?"

"Meron ate..." sound suspicious,darling.

"Hmmm, ano yon?" Tong batang to walong taon gulang palang may problema na! Parang ako lang..

"Sa c-crush...si h-hailey kasi e." Namumulang sabi nya sakin. Hmm crush!

"Ayy jusko! Mag bihis ka muna, mamaya na natin yang pag usapan crush nayan! Bata mo pa!" Tinulak ko sya papuntang pinto at kinuha ang polaroid camera dito.

"Mag bihis na ah?"

"Ate naman..."

"Bilis na!" Sinarado nalang ang pinto at ni lock. Dumeretso ako sa sofa kung saan nakikita ang magandang dagat, tinted ang aking bintana kaya safe ito sakin.

Inayos eto nung sampung taong gulang palang ako, nung mga panahong huli kong hospital.

I'm zhavia gergen dela vega. And They call me a survivor.

I look direct at the sea then,
Pinicturan ko ang magandang dagat. Pag tapos lumabas ang film, kinuha ko ito at iniyugyog. Ng nakikita na ang larawan, may nakita akong isang lalaki na nakatayo na nakatingin sa gilid, hindi sya makikita ng maayos dahil sa layo, at halatang sa ibang direksyon sya nakatingin dahil sa tabingi nitong ulo.

Ibinababa ko ang larawan at tumingin sa dalampasigan. Nakita ko ang lalaking nakatayo na may kasama na ngayong isa pang lalaki at sa tantya ko ay mag kausap itong dalawa.

Naka topless silang dalawa maganda ang hubog ng kanilang dalawa pero ang napansin ko ay yung lalaki na nakasama sa picture ko kanina. Matipuno, matangkad, hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatalikod.

"Nak?..." narinig ko ang katok ni mama sa labas kaya pumunta ako ng pinto at binuksan ito.

"Why ma?" Iniwan kong bukas ang pinto para makapasok si mama sya narin mismo nag sarado neto. Then she scan my room.

"Ang gulo ng kwarto mo anak, hindi kaba marunong mag linis nandito ka lang naman sa loob ng bahay." I chuckled.

"Mama, wag nyo yang pansinin mag lilinis din ako." Sabay tawa. Magulo talaga ang room ko, paminsan lang ako masipag kaya hayan."ano bayon ma? May ipapalingkod ba ko mahal kong ina?" Natawa sya sa mga sinabi ko.

"Zhav aalis kami bukas kasama ang kapatid mo, isang linggo kami doon, pupunta kami sa lolo mo at masakit ang pakiramdam." Paliwanag nya sakin.

"Where ma? Sa san antonio, zambales.. Sige po, pero ma pwede po bang lumabas ako ma—"

"No! Hindi ako makakapayag di—"

"—mayang gabi, ma. Or kung pwede tuwing gabi sana, gusto ko po sana kalasap ng hangin galing sa magandang dagat ng mi leviste. Di ba puwede ko rin naman makasama si mariele? Or puwede rin syang mag overnight dito diba?"nakatingin lang ako kay mama na nakatingin lang rin saakin.

Not Until I See The Sunrise(Mi Leviste Series#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora