Chapter 1

22 3 1
                                        

Boarding House

Sunod-sunod na katok ang narinig ko mula sa pintoan ng Boarding House. Kasalukuyan akong naghahanda ng pagkain para sa hapunan.

"Magandang hapon po Manang Felicidad." Magalang na bati ko. Isa lang naman ang may lakas ng loob na kumatok sa pintoan nang ganyan, siya lang wala ng iba. Ang land lady.

Nakapameywang itong humarap sa akin.

"Ano na Marie? sabi mo ngayon mo ibibigay ang natitirang balanse mo?" Patay! sinasabi ko na nga ba! paano ba ito? wala pa nga akong sapat na ipon para sa exam.

Binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. Mygod! nagmumukha na akong natatae dito I swear!

"Manang Felicidad... a-no po kasi, k-kasi hindi ko pa nakukuha yung sahod ko.. kaya—"

"Kaya ano ha? sa susunod na buwan na naman? Aba Marie! pinagbigyan na kita noon hanggang kailan ba ako aasang buo yung mabibigay mong bayad ha?!" bulyaw niya sa akin. Wow naman itong si Manang kung makasinggil akala mo naman maganda yung serbisyo. Taena!

"Manang naman. Hindi naman po ako tatakbo eh, magbabayad naman po ako kagaya nang ginawa ko noon." paliwanag ko sa kanya. Mahirap na baka palayasin ako dito ng wala sa oras. Kapag nangyari yun saan nalang ang pupulutin?

Napansin kong nag-iisip siya. Meaning, may chance pa akong kumbinsihin siya.

"Nararapat po akong mag stay dito manang kasi malaki ang pakinabang ko dito sa loob ng BH. Ako po halos ang gumagawa ng mga gawaing bahay, maski ang pag repair ng sirang grupo na dapat ay trabaho niyo po, ako po ang gumawa diba manang?"

Totoo naman talaga. Kapag may problema dito sa BH ako at ako lang din naman ang nagreresolba. Palibhasa mga estudyante pa ang mga kasama ko. Wala pang mga pakialam sa paligid. Ang se-selfish, kairita!

"Sige," lumiwanag ang mukha ko dahil sa narinig. "Pero! isang araw. Isang araw lang ang ibibigay kong palugit. Kapag lumampas pa sa isang araw ay naku, pasensyahan nalang Marie may mga bayarin din ako" sa pagkakasabi niyang iyon ay napagtanto ko talagang pinag-isipan talaga niya ang lahat. "Diyos ko! tataas ang blood pressure ko dahil sa'yo."

"Salamat manang, di bale maghahanap po ako ng raket para makabayad. Pasensya na po talaga."

Nag bow ako bago sa harapan niya bilang pag respeto. Kahit naman mainis at magalit ako sa kanya hindi rin naman iyon makakatulong sa problema ko. At some point, nagpapasalamat ako kasi kahit papaano ay pinatuloy niya ako dito sa loob noong nawala ako sa unang tapak ko dito. Sumandal ako sa likod ng pintoan.

Limang buwan. Limang buwan na akong nanirahan dito matapos kung lisanin ang lugar kung saan ako lumaki. Hindi ako naglayas kagaya ng iniisip niyo, I went here to find a job. Iniwan ko ang Nanay kasama ang isa ko pang kapatid. Kada buwan nagpapadala ako ng pera para sa pangangailangan nila. Gayunpaman, hindi parin ako sanay na malayo sa kanila. Mahirap pero kinakaya, gustohin ko mang doon na lamang mag trabaho pero talagang mailap sila sa akin. Sapat naman ang kinikita ko dito kaya okay na rin kaysa pareho kaming nagugutom.

"Hay buhay! kakayanin ko ito" mahinang sambit ko. Alam kong darating ang araw na lilisanin ko ang boarding house para makipagsapalaran sa labas. Hindi ko lang maiwasang malungkot. Parang totoong bahay ko na rin ito kahit hindi buo ang binabayad ko, napamahal na sa akin ang bahay na ito. Dalawang palapag itong boarding house. Sa ibaba doon nakatira si Manang Felicidad. May kasama pa akong tatlo dito parehong wala ngayon dahil pang-gabi ang klase nila.

Binalikan ko ang sinaing ko. May pambayad naman talaga ako kaso naipadala ko na sa probinsya kahapon. Hindi ko naman nakikita ang hinaharap, malay ko bang magkakasakit si Nanay. Hanggang ngayon mabigat parin ang loob ko dahil hindi ko siya mapuntahan. Ako dapat ang nag-aalaga sa kanya pero wala ako sa tabi niya. Sabagay, kung dalawa kaming nandoon anong kakainin namin? Buhangin? Mas maigi na rin ito.

All For YouStories to obsess over. Discover now