Sumandal ako at tumingin sa flat screen sa pinaka harap ng eroplano na paulit ulit lang naman ang pinapabas. Puro rules and chuchu tapos ansakit sa tainga.

Kinuha ko ang earphone ko at sinalpak sa tainga ko.

Kung hindi rin lang.. ikaw ang dahilan. Pipilitin ba ang puso kong... hindi na masaktan.

I want to sleep.

I close my eyes..

And cross my arms

I lean to my seat

and slowly.... slowly starts leaning to my side...

"Ano ba?"

Sabay tulak sa akin ni Up. Tinignan ko siya ng masama sabay taray. Bwisit naman! Di nga kasi ako makatulog eh.

I face my other side. Nakakita ako ng batang nakatingin sa akin kaya nginitian ko.

"Mommy she scared me"

Sabay kalabit kalabit neto sa nanay niya kaya nanlaki ang mata ko at napatalikod.

Loko tong batang toh.

Maya maya ay lumipad narin sa wakas ang eroplanong sinasakyan namin. Sa kalagitnaan ng biyahe ay nag kanda sakit sakit ang leeg ko kaka balance na wag mapahiga kahit saang side bago pa ako mabulyawan. Gumalaw yung sinasandalan ko na ang ibig sabihin ay nasanggi ni Jonas o Jason na tumayo kaya agad ako nagising at napalingon. Nakita ko si Jason na nakahawak sa tiyan niya at nag tungo sa cr.

Yan naman kasi

Tinignan ko si Jonas na mahimbing ang tulog ganun narin etong katabi ko. Mukhang napuyat sila kakabantay kay Chaeyoung na tinago nila. Oo nga pala by the way asan si Chaeyoung?

Bago pa ako mag patuloy sa pag tulog ko ay nahagip ng paningin ko ang malaking lalaki na dumaan sa gilid ko.
Di ko alam kung anong meron pero pakiramdam ko may something sa lalaking yun. Napalingon ako at sinundan siya ng tingin. Nakita ko siya na tumayo sa labas ng CR kung saan nasa loob si Jason. Sinubaybayan ko lang yun dahil feeling ko talaga may something. Matagal siyang nakatayo dun at may kinakausap kausap pa sa phone. As usual talagang matagal yun kasi for sure na nag susuka saka nag tatae na si Jason sa loob

"Aww"

Napalingon ako pag katapos ako pitikin ng kung sino sa batok ko.

"Alam mong naka dim yung ilaw tapos akala ko may katabi akong walang ulo bwisit ka"-Up

Napaisip ako. Masyado na kasing nakalabas ang ulo ko sa upuan. Sabagay mukha nga akong pugot na ulo nun.

"May lalaki sa labas ng CR"-me
"So?"-Up
"Nasa loob si Jason"-me

Napatingin naman si Up dun.

"Ano sa tingin mo?"-me
"Wala yan."-Up

Kala ko ba malakas pakiramdam niya? Bakit di niya nafifeel yung nafifeel ko?

"Hindi si Jason ang target niyan"-Up

Agad ako napatitig sa kaniya sabay laki ng mata.

A-a-ano?

"Ako?"-me
"Hindi rin"-Up

Lumabas si Jason sa cubicle at ikaika habang nakahawak sa tiyan na pumunta sa upuan niya at dinaanan lang ang lalaking yun na agad naman pumasok sa CR.

"Diba?"-Up

Napa nganga naman ako sa amazement.

"Ahh"

Innocent CriminalsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz