Huehue

456 17 1
                                    

Okay, so since may gusto ako sa isang gwapong pari huehue, napagdesisyon ko na gumawa ng isang kwento tungkol dito.

Inspired rin ako sumulat dahil sa kwentong Noli mi Tangere.

Gusto ko rin ishare ang ginawa ko.

(Prologue palang to)

***

Malamig ang higip ng hangin. Halos walang katao-tao ang simbahan kundi sina Padre Saúl at Doña Klara lamang. Kadiliman ay nagsakop sa simbahan at ang mga kandilang nakasindi ay nagbibigay liwanag sa bahay ng Diyos.

"Padre Saúl." Wika ni Doña Klara habang nakatitig sa mga mata ng pari.

Kahit pari paman si Padre Saúl, di matatago ang katotohanang na siya'y isang makisig at marikit na lalaki. Kung di pa yata pari si Padre Saúl, marami na atang babae ang pinaiyak nito.

Walang imik si Padre Saúl. Tahimik lamang siya, hinahayaan ang kabigha-bighaning dalaga na tumingin sa kanyang mga mata.

"Isa po bang kasalanan ang pagmamahal?" Tanong ni Doña Klara. Sa ngayon, di na siya nakatingin sa mga mata ng pari. Nakatutok lamang siya sa batong sahig.

Nagulat ang pari sa sinabi ng dalaga. Di niya akalain na magtatanong siya nito. 'Pagmamahal ay isang kasalanan? Paano ba?' Tanong ng pari sa sarili.

Nanatiling tahimik si Doña Klara, naghihintay ng kasagutan sa kanyang tanong. "Sa palagay ko, Oo." Wika ni Padre Saúl.

Nung lumabas ang mga salita na ito mula sa mga labi ng makisig na pari, napigilan ng hininga si Doña Klara dahil sa kaba at lungkot na sumakop sa kanyang damdamin. Isa pa lang kasalanan ang pagmamahal.

"Klara. Ayon sa Bibliya, ang pagmamahal ng gawain sa Diyos ay nakakasama. Dapat ang mahalin natin ay ang Diyos lamang at wala ng iba. Respeto at alaga dapat ang ibigay natin sa mga gawain ng Diyos dahil siya ang gumawa nito. Laging tandaan, isang seloso na diyos ang Panginoon." Wika ni Padre Saúl.

Mas lalong pinalungkot ang dalaga nung narinig ang wika ng pari. "Ang ibig mo bang sabihin na mali ang magmahal?" Tanong ng dalaga.

Huminga ng malalim si Padre at sinabi, "Wala akong sinabi na mali ang pagmahal. Isa lang itong kasalanan kung lubusan mong mahal ang isang bagay kaysa sa Diyos na siya'y gumawa nito."

Tumahimik lamang si Doña Klara, nakatitig sa sahig na para bang may sarili siyang mundo. "Bat mo naman naitanong?" Tanong ni Padre Saúl. Tumingin si Doña Klara sa pari, mukha'y namutla dahil sa nerbyos at takot.

"G-gusto mo ba talagang malaman?" Nauutal ang dalaga. Halata sa kanyang boses na siya'y natatakot at kinakabahan.

Binigyan ni Padre Saúl ang dalaga ng isang matamis na ngiti. Nung nakita ito ng dalaga, unti-unting natutunaw ang kanyang kalooban. Siguradong kabigha-bighani ang ngiti ng pari.

Lalong nakaramdam ng kaba at takot si Doña Klara. Huminga siya ng malalim at nauutal na nag wika ng, "N-nakaramdam kasi ako ng p-pag-irog sayo Padre Saúl." Nung sinabi iyon ng dalaga, kitang-kita sa mukha ng pari ang gulat at kaba. Agad tumingin si Doña Klara sa sahig at muling humhinga ng malalim.

"Alam ko ito'y mali, pero di ko mapigilan ang aking pagkahulog sayo, umaasa kung sasaluhin mo ako. Pero ngayon, sa aking palagay, isang anak at kapatid ang turi mo sa akin, isang taong malumbay."

Nanatiling tahimik ang pari. Wala siyang maisip kung ano ang masasabi niya sa dalaga. Sa totoo lang, may pagnanais rin ang pari sa dalaga. Maganda at kabigha-bighani ang hubog ng katawan ni Doña Klara. Di lang siya maganda kundi, siya'y mabait at makadiyos na nilalang. Kumbaga, siya'y pwede na maging kalahok sa Binibining Pilipinas o Binibini ng Pandaigdig.

Dahil sa inip na nadadama ng dalaga, agad siyang tumayo at sinabing, "Mukha atang natulala kayo Padre Saúl. Di na lang ako magpapakita sa—" Aalis sana si Doña Klara pero bago pa man siya tuluyang mawala sa piling ni Padre Saúl, hinawakan niya ang mga kamay ng dalaga at pinigilan itong umalis. "Klara." Wika ng pari.

"Mali nga ito, pero nung sinabi mo na may pag-irog ka sa akin, pareho ang nadadama ng ating mga puso. Ako rin ay unting-unti nahuhulog sa iyong pagkatao. Pinipigilan ko lamang ito dahil ako'y isang pari at ika'y isang dalaga na binte kwatro anyos lamang."

****

Di pa yan tapos at di ko rin alam kung kailan ko itatapos.

So ano ba sa tingin niyo?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crush Problems » Makaka-relate kaWhere stories live. Discover now