ito na po yung bago kong update ngayong araw na ito dahil mahal ko kayo at di makatiis dahil nangangati na naman ang kamay ko sa paggawa ng new chapter kaya ito na ang inihahandog kong bagong yugto para sa aking mga mambabasa... medyo boring itong chapter na ito pero i will make sure na sa mga susunod eh ok na ulit at aabangan niyo na talaga ang mga eksena, kaya huwag bibitiw, naging dead ang chapter na ito dahil nga sa medyo binago ko ang takbo ng istorya pero ito lang naman salamat sa pang unawa readers...I LOVE YOU ALL
CHAPTER 24
SCHOOL DERECTOR POV
Isang linggo na ang nakakaraan mula ng nasuspende si Lemuel at mawala ito sa kanyang posisyon bilang founder ng Foundation.Sa mga binitawang salita ni Lemuel ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na alam kong pagsisisihan ko pag nagkataon. Naturingan akong may pinag aralan pero ng bitawan niya ang mga katagang iyon ay napaisip ako bigla at napagtantong tama siya. Paano nga kung dumating ang araw na malaman namin ang katotohanan, paano kung naset up nga lamang ito. Paano kung may makapagturo na inosente ito, nangangamba ako na makasira ako ng buhay ng isang tao na walang ibang hinangad kundi ang tumulong at mag isip ng ikabubuti ng lahat, paano kung totoo na inosente siya, nangangahulugan lang ito na nagpatalsik ako ng isang inosenteng estudyante na may malaking potential sa pakikipagkapwa tao at malaking asset ng institusyong kinabibilangan ko. Isang estudyante na nagbigay ng karangalan sa aming school na sadyang maipagmamalaki. Kailangan ay ako mismo ang kumilos na para malaman ang totoo bago pa mahuli ang lahat. Ngayon lang ako inatake ng pagkabalisa sa naging desisyon ko bilang isang Derector ng paaralang ito. Napaisip ako bigla ng marinig ko ang mga salitang binitawan ni Lemuel sa harapan naming lahat, matalinong bata nga naman siya, kung sakaling siya man ang nangulimbat, tama siya di niya ito ilalagay sa isang lugar na napakadaling makita. At ayon nga din sa mga officers ng SSC at ng Foundation, kahit may karapatan itong humawak ng pera ay di nito ginawa dahil nga daw pag siya pa ang gumawa non ay parang di rin daw niya pinagkatiwalaan ang mga kasamahan niya, kaya mula sa pag bubudget at pag bili ng mga kakailanganin sa bawat project ay nagbibigay lang daw ito ng mga suhesyon kung asan makakamura at kung saan ang dapat puntahan para makadiscount. Maging ang mga officers ay parang nahiya din daw sila sa inasta nila dahil di nila agad naisip iyon. Nasa ganon akong pag iisip ng may kumatok sa aking opisina.
Agad kong pinagbuksan ito dahil baka importante pero mukhang hindi naman pala ata dahil isang estudyante lang ito. Pinatuloy ko nadin ito baka may sasabihin na importante. Pagkaupo ng estudyante ay halatang kinakabahan at nangangatog pa ito. Tinanong ko siya kung ano ang pakay niya pero agad itong umiyak at lumuhod sa harapan ko. Sir sorry po, sorry kasi ako po ang gumawa nung binibintang kay Lemuel, di na po kaya ng konsensiya ko eh. Pero pinag utusan lang po ako ni Jessica, nadala po kasi ako sa pang aakit niya sa akin kaya po napapayag niya ako na gawin ito. Alam po kasi ni Jessica na pinsan ko ang isa sa officer ng SSC at dahil pinsan ko po siya ay nakakapasok po ako sa office ng SSC, minsan naiwan ng pinsan ko ang susi sa drawer ng table niya kaya naisipan ko na halungkatin ito at sakto naman pong may pera doon. Yun nga po ang kinuha ko at pasimple naman inilagay ito sa libro ni Lemuel ng nagpanggap naman ako na may itatanong sana sa kanya sa office ng Foundation. Nadala po kasi ako sa tukso na ginagawa sa akin ni Jessica kaya nagawa ko po ito. Sorry po sir patawarin niyo [po ako. Ang walang patid na paghingi ng estudyante sa akin at pag amin nito sa kanyang kasalanan. At ngayon ako lalong naguilty dahil napatunayan na ngang inosente ang pinatanggal at napatalsik na si Lemuel.
Dinismiss ko agad ang usapan namin nung batang umamin sa kanyang nagawa, pero pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay may isa pang estudyante na may hawak na papel at iniabot ito sa akin. Ganon nalang ang panlulumo ko pagkatapos kong basahin ang sulat. Sulat ito ni Lemuel na nagsasabing lilipat na sila ng tirahan dahil narin sa trabaho ng kanyang ama. Pumayag na daw itong sumama dahil sigurado naman daw siyang walang maipapakulong at wala siyang pananagutan sa batas dahil nakakasigurado daw siyang walang kasalanan. Lalo akong bumilib sa batang iyon dahil talaga namang napakataas ng prinsipiyo nito at di natatakot basta nasa katwiran ito. At sinabi din niya na kung sakaling kakailanganin daw siya at hanapin ay ipapadala nalang nito ang address nila sa lilipatan nila para naman daw di kami mahirapan sa paghahanap sa kanya kung siya at siya daw ang magiging masama padin sa huli. Hindi naman daw niya intensiyon ang lumayo sadyang nagkataon lang daw at di daw siya nagtatago.
YOU ARE READING
ONE HEART (boyxboy)
Randomthis story is about same sex relationship,(boyxboy), two indivifuals that has different interest and personality,
