Prelude.

17K 359 99
                                    

Nilbot ko ang aking tingin sa buong university kung saan ko napiling mag-aral ng kurso na gusto ko. Napatigil ako sa isang lalaki na naglalakad sa direksyon ko.

"Frank!" Napatigil siya sa paglalakad dahil sa tumawag sa kanya na kaibigan niya yata at nakipag-apiran pa sa kanya. "Dito ka pala mag-aaral?" Tanong sa kanya.

Ngumiti si Frank. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ganun ang naging reaksyon ko. 

Ang weird.

"Ah, nandito kasi yung buhay ko."

Bumalik ang tingin ko sa kanila. Napalunok ako nang mahuli ko si Frank na nakatingin sakin pero umiwas nang mapatingin ako. Ako ba yung tinutukoy niya?

Shit.

"Naks! Inlababo ka na talaga! Sino ba? Sino?" Kantyaw nung kausap niya.

Bubuka pa lang sana ang bibig ni Frank nang biglang sumulpot ang isang mestisang babae na kulot ang buhok at naka-full bangs. Kumapit ito sa braso ni Frank at hinalikan ito sa pisngi.

"Kanino pa ba maiinlove si Frank kung hindi sakin di ba?" Nasa malambing at nang-aakit na tono nung babae.

Bahagya namang tinulak nung Jack ang balikat ni Frank. "Pakilala mo naman ako! Malihim ka talagang hayup ka e no!"

Lumapad ang ngisi ni Frank. Dumoble naman ang paglunok ko. Mahinhin ang naging halakhak ng babaeng nakakapit ngayon sa braso ni Frank.

"Sharon, si Jack..." Pagpapakilala ni Frank. "Jack, si Sharon..." Sabi ni Frank. "Girlfriend ko..."

"Zai!"

Napalingon ako dun sa tumawag sakin.

Nakita ko si Macoy na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Wala siyang pakielam sa madadaanan niya. Kung mababangga niya man ito, hahawiin niya pa!

"O, easy ka lang! Hindi kita tatakbuhan." Biro ko at sinabayan ko pa ng mahinang tawa.

Hinihingal siya ng hawakan ako sa balikat ko at yumuko pa na para bang pagod na pagod siya. Loko kasi e. May patakbo-takbo pang nalalaman. Tsk tsk.

"Tamo, napagod ka pa tuloy." Sabi ko at tumawa na talaga ako.

Umangat ang tingin niya. Napatingala tuloy ako. Mas matangkad siya ng kaunti kaysa kay Frank. Kaya nga minsan kapag kausap ko ito, nangangalay ako. Pero kapag kay Frank... Hay! Nevermind.

"Zai, tandaan mo... Mapagod man ako kakahabol sayo, hinding-hindi naman ako mapapagod na mahalin ka..." Sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kumain ka ba ng almusal?"

Inalis niya sa balikat ko ang kamay niya at nag-taas rin ng kilay. "Bakit?"

"Ginugutom ka na naman kasi. Kung anu-ano na naman ang sinasabi mo." Sabi ko.

Bigla niya akong inakbayan at hinapit palapit sa kanya. "Akala ko babanat ka na e!" Sabi niya at niyugyog pa ako.

Pilit ko siyang nilalayo sakin. Ang pawis niya kaya!

"Ugh! Macoy! Lumayo ka nga sakin! Pawis ka! Kadiri!"

"Sus! Alam ko namang ginto para sayo ang mayakap ako!" Tawa niya.

Umasim ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "Ugh! As if! Asa ka, men!" Hiyaw ko.

Tawa lang kami ng tawa ni Macoy nang bigla itong maputol dahil sa isang boses na galing sa likuran namin.

"Pwede ba? Kung mag-gaganyanan lang kayo, huwag kayo dito? You know that PDA is not allowed in this school, right?"

Napalingon kami ni Macoy. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Frank sa harapan ko kasama si Sharon na nakakapit pa rin sa braso niya.

Mary (Book 2)Where stories live. Discover now