Maling Pag-ibig (One-shot)

18 1 17
                                    

Maling Pag-ibig (One-shot)
By: GHOOST14

~~~~~~~>~~~~~~

Katie's POV

Isa akong masayahing estudyante sa Filimon High. Wala na akong hinahangad pa dahil nandiyan na sila.

"Oy, Katie!"

"Katie?!"

"Oh my goodness! Si katie nga!"

Rinig ko ang mga boses ng mga kaibigan kong parang nakakita ng patay na muling nabuhay.

"Oh, saan ka pa pupunta Katie?  Tara kain muna tayo do'n sa cafeteria!" sambit ni Illyna at sabay kaladkad sa akin papunta sa cafeteria.

----------

"Oy nabalitaan kong hindi kana aalis dito ah?" tanong nito sa akin.

"Hindi na, nagbago na ang isip ni mama." masayang sambit ko naman sa kaniya.

"Ibig sabihin, matutuloy na ang plano natin!" masiglang sambit nito.

"Hey there" mahinahong sambit ni Erin.

"Puwera na lang sa kaniya, 'di siya kasali" taray pa nito sa boyfriend kong si Erin.

Ngumiti na lang ako. Ang saya ko talaga kasi mayroon akong mga kaibigan tulad nila. Sila ang nagpapasaya sa akin sa oras ng kagipitan. Sila rin ang gumabay sa akin patungo sa tamang landas na aking pupuntahan. Kaya sila lang ang maaasahan ko at mapagkatiwalaan.

"Hoy Katie, tinatanong ka ng boyfriend mo" sabi sa akin ni Illyna na halatang 'di niya na gusto kasama ang boyfriend ko.

"A-ano?" tanong ko naman kay Erin.

"Sa April 3 sana, balak kong magpasyal tayo, kung okay nga lang sa'yo" ngiti pa nito sa akin.

"Ahh, sige! Payag ako" masigla ko namang sagot.

"Syempre sasama rin ako, ako ang magbabantay kay Katie baka ano pang gawin mo sa kaniya doon. Kigwa ka pa naman"  sabi ni Erin na kanina pa tinatarayan si Erin.

"Sige, sasama ka" ngiti naman ni Erin kay Illyna.

"Oh, thanks boy" sabi naman ni Illyna kay Erin.

"Magsitigil na nga kayo hahaha, tara kain muna tayo" sambit ko naman sa kanila na may ngiti sa labi.

Masaya kaming kumakain sa cafeteria. Usap dito, usap doon. Walang katapusang daldal ni Illyna sa akin at patawa-tawa na lang 'tong boyfriend ko.

Pagkatapos naming kumain, pumunta muna ako sa C.R. upang maghilamos. Nag-ayos ng mukha gamit ang make-up ko na binili lang kahapon ni mama sa mall.

Pagkaalis ko ng C.R., nakikita kong may pinag-uusapan sina Erin at Illyna at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.

"Anong pinag-uusapan niyo?" nagtatakang tanong ko.

"Ahh, ehh wala!"  sabi naman nilang dalawa.

"Talaga ba?" tanong ko ulit.

"Malapit nang lumubog ang araw, umuwi na tayo Katie, baka pagalitan ka pa ng pamilya mo haha" putol naman ni Erin sa tanong ko sa kanilang dalawa.

"Oo nga Katie, pagagalitan ka talaga ni tita Roselyn" sabi rin ni Illyna.

--------

Habang naglalakad kami ni Erin sa kalsada, hindi ko maiwasang magtanong sa isip ko kung ano ang pinag-uusapan nila kanina ng bestfriend kong si Illyna.

Maling Pag-ibigWhere stories live. Discover now