" Luis , ok ka lang ? " tanong ni Aizel ...
ngumiti siya samin at tumango , ibig sabihin ay ok lang daw siya ....
pero iba ang sinasabi ng mga mata niya ....
pumasok na kami ni Aizel sa CR ....
" bakit kaya ganun yun ? " tanong nito
" ewan nga eh , nakaka awa ang hitsura niya " sagot ko ...
" kausapin mo kaya "
ako ???? kakausapin siya ?????
as friends lang naman eh ...
tanggap ko naman na may girlfriend siya ... at ayoko naman ipagpilitan ang sarili ko ....
paglabas namin ng CR , lumapit na ko kay Luis ,
" sure ka bang ok ka lang ? " tanong ko
" oo " ngumiti ulit siya ....
ay kaloka , ang gwapo !!!!
" may problema ka ba ? " tanong ko ulit ....
hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko para kausapin siya ....
" meron , pero nakakahiya naman magkwento sayo " sagot niya
" sus , huwag ka ng mahiya noh .. kaibigan mo naman ako eh , baka matulungan pa kita "
tumingin muna siya sakin bago nagkwento .....
nagalit daw kasi sakanya yung girlfriend niya ... dahil may nakarating na balita dito na diumano'y may kinatagpo siyang babae .....
inamin niya na ex girlfriend niya yung babaeng nakitang kausap niya perp hindo daw totoong kinatagpo niya ito ...
nasalubong lang daw niya yun nung pasakay na siya ng jeep pauwi sakanila ....
" hindi naman ako snob para dedmahin lang yung babae eh , masama na ba yun ? "
" hindi masama yung ginawa mo , perp dapat iexplain mo ng maayos sakanya para maintindihan niya " payo ko ...
kitang kita ko na mahal na mahal niya yung girlfriend niya ....
ang swerte swerte nung girl na yun .... kasi si Luis ang boyfriend niya .....
" ayaw niyang makinig sakin eh , hindi sinasagot ang tawag ko , patu texts ko walang reply " paghihimutok nito ...
" palamigin mo muna ang ulo , saka mo kausapin ulit " sabi ko ulit ......
napabuntong hininga nalang siya ....
" thank you ha , atleast may napagsabihan ako " sabi nito at tinapik pa ang balikat ko ....
" tara na sa classroom , baka dumating na prof natin " aya ko sakanya ....
" sige , ahm , Samantha --- "
" Maddie nalang "
" Maddie , huwag mo nalang ipagsabi yung napagusapan natin ha ... alam mo naman sila " nahihiyang sabi nito ...
" oo satin lang to , dahil ikaw si Luis , isang makulit at mapang asar na lalaki sa klase natin " nginitian ko siya ....
at sabay kaming bumalik sa classroom namin ...
dumaan pa ang mga araw ... naging maayos naman ang set up namin ni Luis ....
sa totoo lang alam kong bawal pero lumalalim ang nararamdaman ko sakanya ....
lalo pa at siya ang nagpapaganda ng umaga ko ....
tuwing umaga makakareceive ako ng mga text sakanya ....
' goodmorning '
tapos mga forwarded quotes
na nung una ayaw kong bigyan ng kahulugan dahil alam kong wala lang yun ....
pero ewan ko ba , masyado akong nadadala ng mga yun .....
araw-araw ganun ang ginagawa niya ....
ang parati ko lang namang reply sakanya ,
' huwag kang magpalate '
lagi kasi late pumasok yun eh ....
ako naman parating maaga ... hehe ... ewan ko ba ...
ako madalas ang nauuna dito sa room ....
katulad ngayon , ako ang nauna dito ....
nilagay ko muna ang gamit ko sa upuan ko tapos pumunta ako sa likod para buksan ang aircon ....
dito na rin muna ako pumwesto kasi naiinitan ako ....
kasalukuyan akong nagbabasa ng mga quotes na kakapadala lang ni Luis ngayon ...
habang nagbabasa ako , nagulat nalang ako sa biglang pagbukas ng pinto ....
" good morning ^_____^ " bati ni Luis ...
" morning din , ang aga mo ha "
" wala kasi traffic eh " sabi nito at tumabi pa sakin .....
ang hirap magpigil ng nararamdaman ......
gusto ko na lumayo pero hindi ko magawa ....
anong gagawin ko ?????
»»»»»»»»»»»»»
a/n: tumalon ka sa building , harhar ....
naexperience nyo rin naman siguro yun diba ?
comment at votes po ...
salamat :)
nasa flashback parin po tayo ha .... yung present time po ay kasal ni Maddie ... so a little patience is needed ...
*
YOU ARE READING
SML2 [ Offline Message: I'm here ]
Teen Fictionpanibagong kwento ng Social Media Love ... ang kwento ng maharot , makulet at pinaka dakilang bestfriend na si Maddie ... alamin ang kwento sa bawat ngiti niya ...
Offline Message 5
Start from the beginning
![SML2 [ Offline Message: I'm here ]](https://img.wattpad.com/cover/1933759-64-k720278.jpg)