Chapter 4

3 0 0
                                    

Chapter 4

Oh no! 10 pm na! Lagot ako nito! Di bale pupunta naman siya dito eh... diba?

Haay! Ano ba yan! Pinapasa mo na naman sarili mo Unique eh! Umuwi ka na Unique hindi na pupunta iyon!

Tumayo na ako at tumungo sa gate ng school. Its kind of scary na because ang guard lang ang nandito at madilim na.

Lumabas na ako ng school at naglakad papuntang bahay. Inaabangan ko kung mayroon pang mga taxi.

Hindi ko naman pwedeng tawagan ang mga Kuya ko dahil for sure magagalit silang lima!

Habang naglalakad ako, nafifeel ko na may sumusunod sa akin. Nilingon ko to confirm at confirmed nga dahil mayroon. Tatlong lalake ang sumusunod sa akin.

Tumakbo ako ng mabilis dahil narinig ko ang mga yapak nila na lumalapit na.

Lilingon sana ako ulit para malaman kung nakalayo na ako pero kung minamalas ka nga naman nadapa pa ako!

"Tol, buti nadapa!" rinig kong sabi ng lalake. "Oo nga, at mukha pang nasugatan. Ayos, may ulam tayong gabi ah!" sabi naman nung ikalawang lalake.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ako makalakad ng maayos. "Ops! Teka lang miss... wag kanang tumakas wala namang makakarinig sa iyo eh" sabi nung ikatlong lalake habang hinahawakan ang dalawa kong kamay.

"K-kuya, s-sige na p-po pak-kawal-lan niyo n-na po ak-ko"

"Hindi pwede, miss eh" sabi nung ikalawang lalake. Sinubukang kong sumigaw pero tinakpan nung isang lalake ang bibig ko.

Sinibukan ko ring pumiglas pero wala talaga. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at hinintay ang susunod na mangyayari.

No use naman ang pagpupumiglas ko at pag sigaw dahil tinaktakpan nila ang bibig ko at hinawakan nila ako ng mabuti.

Inantay ko na maharass ako nila pero ng binukas ko ang mga mata ko nakita ko ang tatlong lalake na nakahilata sa sahig at duguan.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at may nagbuhat sa akin tungo sa isang kotse.

Parang familiar ang kotse. Parang kay Seb yung kotse ah! Pagtingin ko sa tao na bumubuhat sa akin nagulat ako na si Seb pala.

Lalo akong umiyak nung nalaman kong siya. "S-seb..." sambit ko bago ako nawalan ng malay.

Nagising ako na nandirmto na ako sa room ko.

"Unique! Princess! Ok ka na ba?" tanong ni Kuya Vector.

"A-anong nangyari?" nauutal kong tanong. "Princess sinagip ka ni Seb sa nagtangkang mangrape sayo" paliwanag ni Kuya Zairon.

"Nasaan si Seb?"

"Pinauwi na namin siya" sabi ni Kuya Xavier.

"Magpahinga ka muna, sige na" sabi ni Kuya Yohan. Pinikit ko ulit yung mga mata ko at pilit kong matulog.

Nagising ako na umaga na. Hmm... I should show my gratitude to Seb. Yeah! I'll do that to him!

Naligo at nagbihis na ako tapos bumaba para kumain. Pagdating ko sa hapag parang ang bigat ng tension.

"Unique, bakit mo pinahamak ang sarili mo para lang sa lalakeng yun?!" sigaw ni Kuya Wayde.

Umalis na pala sila Kuya Yohan, Kuya Zairon at Kuya Xavier kagabi. Paano ko nalaman? Narinig ko.

"Kuya! Please no now!"

"Yes right now!"

"Ugh! Whatever!"

Bago pa makaimik si Kuya Wayde umalis na ako at nagpahatid sa school. Doon na ngalang ako kakain!

Pagbaba ko nakita ko agad si Seb. "Seb!" habol ko sakanya. "Seb, salamat " sabi ko.

"Pakialam ko!"

"Seb, bakit ka ganyan sa akin?"

"I hate people like you, diba?" sabi niya habang papaalis.

"Seb mahal kita!" sigaw ko pero paramg hangin lang ang kinakausap ko dahil hindi man lang niya ako nilingon.

"Seb!" habol ko ulit sa kanya. "Ano ba?! Seb ka ng Seb!" sigaw niya sa akin. "Alam mo, yan ang dahilan kaya wala kang kaibigan eh!" dagdag niya pa.

Wow ha! Ang sakit nun ah! Nahurt talaga ako ah! Wala na ba talaga akong kakampi?

Wala naman akong kaibigan, paano ako magiging clingy?

Wala ka ba talaga pakialam sa feelings ko Seb?

I'll See You TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon