I stopped walking noong huminto ang pinsan ko malapit sa Mabini Park para batiin ang mga kaibigan niya. They aren't wearing uniform. According sa dami ng followers niya sa Twitter at Instagram eh sikat itong pinsan ko. Kahit topakin, alam ko namang friendly 'to.

"Pinsan ko pala, si Carly," pagpapakilala niya. "Carly, sina Vinna, Kate, Troy at Jin, mga kaklase ko noong high school."

I smiled at them, at kanya-kanya rin silang bati ng 'hi' sa akin. Pagkatapos ng exchange of pleasantries, nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"So, 'yun ang Mabini Park, right next to that is Mabini Hall. Dyan 'yung office ng school paper saka OSA," she said. "Dyan din madalas maraming tambay na gwapo, dahil ang daming prefect!"

"Puro ka gwapo," sabi ko sa kanya.

"Sus, parang ayaw mo rin," she teased. "Anyway, sa East ang building ng Allied Med kaya ako na ang nagsasabi sa'yong, tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka kesa naman maghingalo ka considering nasa West wing kayo ng Uni."

Kumunot ang noo ko, "Dumiretso na lang tayo sa building ko at doon mo na lang ako i-tour total I'm too sure hindi naman ako mapapapunta dyan sa wing niyo."

Sumimangot siya. "Gusto ko pang dumaan sa North para naman makakita ka ng gwapo, pero tara na nga!"

"Para sa akin ba talaga ang mga gwapo o para sa mga mata mo?" I asked her.

"Ang mga gwapo ay biyaya sa lahat ng may mata," at nag-explain pa. "So, 'yung malaking building sa kanan mo na may limang palapag ay ang University library. 'Yung ibang building ay offices na lang."

Nagpatuloy siya sa 'tour' niya sa akin na medyo wala namang kwenta dahil lahat ng building ay mga signage namang nakalagay. May map din naman kada block kaya hindi naman siguro ako maliligaw. Mas marami pa nga siyang nakasalamuhang kaibigan on the way to SBM building. Grabe.

"May canteen bawat sulok ng university pero ang cafeteria ay nasa North Wing. Marunong ka namang magbasa kaya alam kong makikita mo 'yun," sabi niya pa. "Wag ka na ring pumunta ng South kasi Junior and Senior High ang nandoon, wala kang mahahanap na forever doon."

"Hindi love life ang pinunta ko rito," sita ko sa kanya pagkahinto namin sa Luna Building. "Eto na ba 'yun?"

"Yes po. Patingin nga ng printed sched mo," saad niya bago kinuha sa akin ang class sched ko. "Social Relations ang first class mo, pinsan. Kung sinu-swerte ka nga naman."

My forehead creased. "What's that supposed to mean?"

Umiling siya. "Kasi tignan mo naman, hindi ba 'yan lang ang isang irreg class mo? Kasama mo mga taga-MA dyan," she pointed out. "Ibig sabihin, hindi mo ka-kurso."

I shrugged. "Okay."

Bumuntong hininga siya. "Basta kung may kailangan ka, tawagan mo ako, ha? Naka-line ka naman dahil rich kid ka. Aalis na ako, adieu!"

Bago pa siya makaalis, hinablot ko na 'yung kamay niya. "Teka, samahan mo muna ako building!"

"Hala, ano ka, kinder? Kaya mo na 'yan, sus! Saka ganitong oras nagja-jogging 'yung mga basketball players sa East!"

"Unahin mo pa 'yang landi kaysa sa akin!"

"Syempre naman! Basta, kita tayo sa lunch. Sasabay ka sa amin nina Iris at Tippy, oki? Ja!" at kumaripas na ng takbo si Tate.

Gah. Itatanong ko talaga kay Auntie Faith saan niya pinaglihi 'yung anak niyang 'yon!

Sighing, I entered the building. Ang iingay ng mga tao sa hall. Palibhasa magkakakilala na ang lahat. Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang ⬆.

Courting Him (Guillermo Series #1)Where stories live. Discover now