Prologue

68 0 4
                                    


"Ladies and gentlemen, welcome to Mactan International Airport. Local time is 02:30.

For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. At this time, you may use your cellular phones if you wish to.

Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you. One of our crew members will then be pleased to assist you.

On behalf of China Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!"

I opened my eyes as I heard the flight attendant's announcement. Mabuti naman at hindi ako masyadong tulog-mantika this time, at nagising agad ako sa announcement. Hinayaan ko munang makababa ang ibang pasahero bago ako naglakad papalabas ng eroplano.

As I stepped outside the plane, I felt the cold breeze lingering my skin. A small smile escaped my lips sa kadahilanang hindi ko pa ramdam ang init ng Pilipinas dahil madaling-araw pa naman.

After four long years, I'm finally back.

"Hello, Philippines," I uttered as I continued walking inside MIA. Walang masyadong tao ngayon dito sa airport. Tanging mga staff, mga pasahero at kanilang pamilyang sumalubong sa kanila ang mga nandito.

"Uh-oh," bulaslas ko matapos ma-realize na baka mahirapan akong maghanap ng taxi ngayon dahil alas dos y media pa ng madaling araw.

Gayunpaman, lumabas pa rin ako ng airport at naghintay ng taxi sa taxi stop. I've got no choice anyway. Walang may alam na uuwi ako ng Pilipinas ngayon, at wala akong cellphone para tawagan ang kung sino sa bahay.

After 15 minutes of waiting, luckily may taxi na walang sakay ang dumaan kaya't pinara ko na agad. Inilagay ko sa likod ng taxi ang isang maleta at sumakay na sa passenger seat sa harap.

"Para saan po, Ma'am?" Tanong ni Kuya Driver.

"St. Michael's po." I answered. Bahagyang nagulat si Kuya sa sinabi ko pero hindi na naman siya nagreklamo. Well, sino ba namang matinong tao ang dadalaw ng sementeryo ng ganitong oras?

"Sige po." Sagot ni Kuya. Hindi na ako sumagot at tahimik na pinagmamasdan ang mga nadadaanan naming mga gusali at bahay.

Nakatingin ako sa dagat habang dumadaan kami sa Marcelo Fernan bridge nang biglang magsalita si Kuya Driver.

"Saang bansa ka po ba galing, Ma'am?" Kuya Driver politely asked me. Bahagya akong nagulat sa biglaang pagsasalita niya. Hindi ako yung tipo ng taong basta-basta nalang kumakausap ng kung sino man pero sinagot ko pa rin si Kuya.

"Huwag na pong Ma'am, Kuya. Ace nalang po. Sa China po ako galing."

"Ah, talaga? Ano ginagawa mo doon? Hindi na man siguro kayo nagtatrabaho dahil mukhang bata ka pa naman."

"Nag-aral." Simpleng sagot ko.

"Ganoon ba? Dito ka na ba titira sa Pilipinas o babalik pa kayo sa Tsina?"

"Dito na po."

"Nasan ba pamilya mo? Bakit walang sumundo sayo?" Tanong niya ulit.

"Nandito po. Hindi nila alam na uuwi ako."

"Ah, surprise pala. Hahaha." Sabi niya at tumawa pa ng mahina.

"Mabuti ka pa, nakauwi na. Iyong panganay kong anak kasi nagtatrabaho sa Saudi. Hindi pa nakakauwi. Mga tatlong taon na rin. Wala na kasi silang nanay at may apat pang kapatid na maliliit kaya nagtutulungan kami ngayon." Dagdag ni Kuya Driver. Panay kausap pa si Kuya Driver sa akin at kwento ng kung anu-ano.

Ace of Aces #wattys2019Where stories live. Discover now