Chapter 23: - his favor-

478 13 2
                                    

 Enjoy. XD

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AGAD na sinalubong ni Sunmi sina Soulen at Zion ng makapasok na sa silid ang dalawa. "So, anong  pinag-usapan niyo?" tanong niya sa dalawa.

Iniwasan siyang bigla ni Zion kaya si Soulen ang nilapitan niya.

"Hindi naman importanteng bagay," paiwas na sagot nito. Naupo ito sa harap ng study table nito at binuksan nito ang laptop nitong nakapatong doon.

"Importante man o hindi, gusto kong malaman." Giit niya na tumabi lang dito. Tiningnan niya sa Soulen ng tumingin din ito sa kaniya. Hindi siya nagpatalo sa seryosong titig nito at nakipagtagisan  siya ng titig dito. Maya-maya ay ito din ang umiwas. "Ano nga?" tanong niya.

"Tungkol lang yun sa nangyari sa dybukk kanina." sagot nito.

"Bakit? Ano ba ang pinagusapan niyo? Gusto ko ring malaman noh? Matapos ka ba namang mag-pauto sa pekeng ako. Siguro ganoon ka nga siguro ka-atat na maalis na ako sa buhay mo dahil masyado na akong makulit kaya hindi mo man lang sinuri kung ako ba ang babaeng yun o hindi," huminto siya ng lingunin siya ng lalaki. Bahagya pa siyang nagulat dahil sa kakaibang titig nito na parang nainis sa sinabi nito. Para bang hindi totoo lahat ng yun. Unang beses niyang nakita ang anyong yun ah. "Ano nga ang pinag-usapan niyo ng dybukk?" parang naiilang na tanong niya na umiwas na lang ng tingin dito. "Kataka-takang hindi ka man lang niya kinuha." aniya.

"May sinabi lang siyang ilang bagay sa akin," umiwas ito ng tingin na hinarap na lang ang laptop.

"Ano nga?" giit niya.

"Sunmi ang kulit mo." reklamo lang nito.

"Ano nga?!" iniharang niya ang mukha niya sa screen ng laptop nito kaya sa kaniya ito napatingin. "Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi," nadinig niyang mahinang tumawa si Zion pero hindi niya ito pinansin. Tinitigan niya si Soulen na hindi rin naman nagpatalo sa pakikipag-titigan sa kaniya.

Walang kasing seryoso ang anyo nito na para bang naiinis na sa pangungulit niya at baka maya-maya lang ay sigawan lang siya nitong bigla. 

"Nangako kang sasabihin sa akin kapag hindi ako nakinig sa usapan niyo ni Zion," giit pa rin niya.

Bumuntong-hinga na lang ito. "Ok, ok. Sasabihin ko na."

Napangiti si Sunmi saka umayos ng tayo at hinintay ang sasabihin nito. Hinarap siya ni Soulen.

"Na-inlove ka na ba?"

Patda si Sunmi sa seryosong tanong nito na may matching serious look pa. "Ha?" tanging nasambit lang niya.

Nagtaas lang ito ng kilay. Nasa anyo nitong parang hindi ackward ang itinanong nito para sa kaniya. Ganoon lang ang anyo nito. Kalma lang tulad ng anyo nito kapag nag-uusap lang sila.

"Gusto mong sagutin ko ang tanong mong yun?" tanong niya.

"Itatanong ko ba kung hindi?" pamimilosopo nito.

Kunot-noong binalingan ni Sunmi si Zion na abala lang sa pagbabasa ng malaking libro nito na parang walang paki-alam sa usapan nila ni Soulen. Muli niyang binalingan ang lalaki. "Bakit mo naman itinatanong yan?" tanong niya dito.

"Sagutin mo na lang kasi."

Sandali siyang di sumagot na tinitigan ang mukha nito. Wala naman siyang kaduda-duda sa anyo nito na simple lang na hinihintay ang sagot niya. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong palabasin. Nadinig pa naman niyang tinatanong ito ng mga kaibigan niya kung gusto ba siya nito. Bigla siyang pinamulahan. May kinalaman kaya doon ang itinatanong nito?

"Oo,"

Nagtaas lang ito ng kilay. "Talaga?"

"Oo nga," giit niya.

"Sabi ng mga kaibigan at pamilya mo hindi ka mahilig sa mga lalaki?"

Hindi nakawala sa mga mata niya ang pag-iwas ng paningin nito habang itinatanong yun. Lalo siyang pinamulahan. Tika, yun kaya yun? "Duh! Hindi naman porke't sinabi kong in-love ako ay lalaki na agad ang bagay na yun. Pagkain po." Pagtatama niya.

Tumango lang ito.

"Bakit mo naitanong?" aniya.

"Kasi, gusto kong tulungan mo ako sa theory ko." Hinarap nitong muli ang laptop nito.

"Theory?"

"Natanong ko kasi minsan sa mga kaibigan ko kung nai-inlove ba ang mga multo. Yung multong tulad mo na walang lovelife o taong gusto. Gusto kong malaman kung nai-inlove ba ang multong tulad mo ngayon sa taong buhay."

Napakunot ang noo ni Sunmi. Parang nakuha na niya ang ibig nitong sabihin ng kaunti. Ah! Kung ganoon yun lang pala yun. Wala naman palang malisya, kinabahan pa tuloy siya. "Gusto mong malaman kung may tao akong gusto ngayon? Yung nagustuhan ko kahit multo ako?" tanong niya.

Lumingon ito sa kaniya saka tumango.

Bahagyang natigilan si Sunmi na agad nag-iwas ng paningin ng masalubong ang mga mata ni Soulen. Sh*t! Ayun na naman ang pag-rugudog ng malamig niyang puso. Bigla na lang siya kinabahan ng hindi niya alam. Ano ba ang pakiramdam na yun at hindi niya kayang ikalma ang sarili. "Uhm. . . wala naman," nakaiwas niyang sagot.

"I see. Then, sabihin mo sa akin kung meron habang hindi ka pa nabubuhay. That way mapapatunayan ko ang theory kong nai-inlove pa nga ang mga multo."

"Sabihin? Ok ka lang? Private yun noh?" Nakaiwas pa rin siya. Kinakabahan pa rin kasi siya.

"Tika lang ha?" Napatingin siya dito. "Tinulungan kita sa mga hiningi mong tulong sa akin kaya dapat na tulungan mo rin ako sa bagay na ito." 

"At bakit? Importante ba ito?"

"Sa akin oo. Isa ito sa mga katanungang hindi ko mahanap sa kahit na saang source kaya kung maari ako ang gagawa ng patunay ngayong ito na ang pagkakataon."

Sandaling di umimik si Sunmi. May katwiran naman ito. Sabihin lang naman dito  kung may gusto ba siya pero ang tindi naman yata ng reaksyon niya. Wala naman sigurong masama kung tulungan niya ito sa simpleng kahilingan nito, hindi ba?

Biglang may pumasok sa isip niya. "At paano naman ako magkakagusto sa ibang tao kung ikaw lang naman ang nakakasalamuha ko? Kung ikaw na lang ng ikaw baka ikaw ang magust----" nanlaki ang mga matang natigilan si Sunmi na napatitig sa mga mata nito. Saka lang niya na-realize ang ibig sabihin ng sinabi niya.

Kitang-kita rin niya ang bahagyang pagkagulat sa anyo ni Soulen.

Walang nakapagsalita sa kanilang dalawa na parehong nakatitig lang sa isa't-isa.

Pasimpleng tiningnan ni Zion ang dalawa. Dinig na dinig niya ang usapan ng mga ito. Tama ang tanong ni Sunmi. Si Soulen lang naman ang nakakasalamuha nito kaya baka ito ang magustuhan nito. Bakit may baka pa? Hindi pa ba nito nalaman ang bagay na yun?

Bumuntong-hinga lang siya ng makitang sabay na nag-iwas ng tiningin ang dalawa sa isa't-isa na pareho pang pinamulahan. "Hay, naku! Puppy love!" bulalas lang niya sa sarili saka inalis ang paningin sa mga ito.

Walang patutunguhan ang nararamdaman ng mga ito sa isa't-isa.

Dapat naman kasing mamatay si Soulen kaya hangga't maari, pipigilin niyang mahulog ang loob ni  Sunmi kay Soulen para hindi na ito masaktan pag-nagtagal.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Salamat po.

Magiging matagal talaga ang updation ko dahil nagiging busy na ako kamakailan. KUnting tyaga lang po.

:3

Late Love; The Annoying Ghost (Complete)Where stories live. Discover now