Chapter 53

22.2K 518 42
                                    


Nasa isang madilim na sulok si Zania at umiiyak. Iyak na hindi ko kayang pakinggan pero umaalingaw-ngaw sa utak ko. Pilit ko siyang inaabot pero sa tuwing lalapit ako ay kusa siya lumalayo. Inilahad ko sakanya ang kamay ko pero hindi ko pa rin siya maabot. Nakakabaliw ang pakiramdam na malapit lang siya pero hindi kami magka tagpo.


Napahagulhol ako sa sakit, hirap at puot na nararamdaman ko. Ang anak ko, ayokong madamay ang mga anak ko pero heto siya ngayon. Takot na takot at umiiyak.


Sumigaw ako. Sa pag aakalang may makakarinig at tutulong pero pati boses ko ay tinakasan na ako. Walang lumabas na boses kahit bulong.


Napupuno na ako ng takot at pangamba. Ng muli kong tignan ang anak ko ay duguan na siya.


" Zania! " humahangos na sigaw ko. Napabalikwas ako ng bangon.

Paano ako nakatulog? Takang tanong ko sa sarili ko.

Akma akong tatayo ng mahila ako ng lubig na nakatali sa kaliwang kamay ko.

Iginala ko ang paningin pero konting sinag lang galing sa labas ang tanging nagbibigaw liwanag sa loob.

" where am i? " bulong ko sa sarili ko.

Lumangitnit ang pinto. Tanda na luma na ang bahay na ito. Mula sa labas ay pumasok si Dustin na ngayon ay hubad baro na. Agad ko ring tinignan ang suot ko at laking pasasalamat ko ng makitang kompleto pa ito. Napapikit pa ako ng makalapit siya. Kusang nanginig ang katawan ko. Takot, sobrang takot ang naramdaman ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko ng tumabi siya sakin sa kama. Nakaupo siya habang akong nanatiling nakahiga. Tumagilid ako sa kabilang dako taliwas sakanya.

" I'm happy that you're awake. Ang haba ng tulog mo, love." malambing na pakakasabi niya. The same usual tone of his voice pero kilabot ang idinulot sakin.

Hindi ako nag abalang humarap sakanya. At wala rin siyang nakuhang tugon.

" do you remember the first time we met? " biglang tanong niya. May ngiti sa mga labi. Hindi pa rin ako nagsasalita.

Kasalukuyan na siyang nakasandal sa headboard at nakatingala sa kisame. Ang isang paa ay nasa kama at ang isa ay nanatiling nakalapag. Hinahaplos ang buhok ko sa mahinahon na paraan.

Bumuntong hininga pa siya ng wala akong masabi. " that was 10 years ago. But i can still remember every detail of it." at tumingin siya sakin. Kahit hindi ko siya harapin ay nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na humarap siya sakin.

" i think i fell in love with you back then. You were the most awesome girl I've ever seen. So beautiful, so perfect. " patuloy lang siya sa pag haplos sa buhok ko.

" i love every bit of you, Love. Every bit. " at hinalikan niya ang noo ko. Napapikit pa ako sa ginawa niya at naglakas loob na harapin siya.

" then why are you doing this to me? " pigil ang luhang tanong ko sakanya.

" because i need you."

" what!? "

" you're all i need. I don't care about the wealth, i don't care about that fucking tradition! You're all i care about. But you've left me. Just by one fucking mistake, you've left me." nag simula siyang humikbi.

" isang mali lang nagawa mo na akong iwan. Nagpakasal ka sa iba. Umasa ako na magkakabalikan tayo but you fell for that guy! And what hurts me most is that he's not worthy of your love. I deserve better love. I had you first! " galit na sigaw niya. " i thought you love me? "

✔️Arranged Marriage (COMPLETED) Where stories live. Discover now