oneshot part 2

11 1 0
                                    

Shin's POV

Ang ganda niya talaga, pero balita ko niloko daw ng boyfriend nya na taga marketing department. Well, tanga lang ang lalaking yun at pinkawalan niya ang isang magandang babae, but thanks to him may chance pa akong makuha ang puso niya. Paano kaya ako makakalapit sa kanya, nakakaintimidate kasi siya.

Maganda din ang performance niya sa trabaho niya, mabait at magaling makisama. Yun ang mga napansin ko sa isang buwang pagmamasid ko sa kanya. Gusto ko pa talaga siyang makilala ng mabuti pero naghahanap pa lang ako ng tyempo.

Nag iisip kayo kung sino?

Well, tama ang hinala niyo, si Keilla nga ang tinutukoy ko. Actually matagal ko na siyang gusto, since college pa lang. I doubt if kilala niya ako, she's quite popular in school kasi matalino talaga but me? Well, I used to be a nerd in my college days, just a disguise so that no one would notice me. I don't like getting attentions from others. Kaya nang sinabi ni dad na ako muna ang papalit sa kanya while he's on leave, hindi na ako tumanggi. I guess it will be my chance kaya lang mukhang hindi pa siya nakakamove on. But I'll do my best para makalimutan niya na yung walang kwenta niyang boyfriend.

Pauwi na ako nang makita ko si Keilla sa may parking lot, nakaupo at mukhang umiiyak kaya dali-dali ko siyang nilapitan.

"Hey miss, are you okay? Why are you crying?" pansin kong natigilan siya, agad na pinunasan ang mga luha nya at inayos ang sarili bago sumagot.

"Ahmmm, wala po ito sir. Sige po mauna na ako." sagot nya na halata naman sa tinig ang pag iyak. Aalia na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya. I'll grab this chance para makapasok sa buhay niya.

"Ihahatid na kita. Gabi na rin kasi at alam ko hindi ka ok."

"Nako sir wag na po." nahihiya niyang sagot.

"I insist. I don't take no for an answer." hindi na siya umimik kaya iginiya ko na siya papunta sa kotse ko.

"Umiiyak ka diba? Dahil ba sa ex-boyfriend mo?" basag ko sa katahimikan. Hindi siya umimik.

"Hindi naman sa nakikialam ako pero you should move on."

"Kung sana ganun lang po kadali matagal ko ng ginawa. mahina niyang sagot.

"Pwede kitang tulungan. Hindi naman sa sinasamantala ko ang sitwasyon mo pero to be honest, I like you, a lot. Since we're in college I already like you. Kaya if you'll allow me, I want to court you. " napansin kong nabigla siya sa sinabi ko pero ayoko na talagang magsayang ng panahon.

"Paanong since college Sir?" nagtataka niyang tanong.

"We graduated from the same school and you're quite popular since you're a consistent Dean's lister." paliwanag ko sa kanya.

"Oh I see. But sir you know for a fact that I'm still not over that bastard, wouldn't it be unfair in your part if I'll allow you to court me? Hindi ka ba takot na baka maging rebound ka lang?"

"No. I know I can make you forget him. That I'm certain about." napangiti siya sa sinabi ko. What an angelic smile.

"Confident sir, huh? We'll see to that. Pakihinto na lang po sa tabi."

"I'll make sure of that. Goodnight Keilla. See you tomorrow." ^_-

"Thank you sir. Goodnight." ;)

Hinintay ko muna siyang makapasok bago ko pinaandar ang kotse at umuwi. Magandang simula na to.

Pain and LoveWhere stories live. Discover now