CHAPTER 32 (Is he really worth everything?)

Magsimula sa umpisa
                                    

I sighed.

Magbe-bente minuto na akong nakastop. Ang tagal naman ng traffic na ‘to.

=-=-=-=-=-=-

Hindi pa rin makakapasok si Andrei ngayon sa opisina. He’s still advised to stay at home an rest. Kahit naman ako ang gusto ko eh yung nagpapahinga siya. Ayoko naman na bigla na lang siyang pumasok at mahirapan dahil mahina pa ang katawan niya. I hate seeing him weak and pale. Hindi kasi ‘yon ang kilala kong Andrei. He’s mighty, arrogant, handsome, smart and amazing.

Hindi ko naman masisisi ang lahat ng mga babaeng nagkakagusto kay Andrei eh, kasi he’s perfect. He’s perfect in my eyes and he fits perfectly inside my heart. Ganito ko siya kamahal. Basta mahal ko siya.

Bumukas ang pintuan ng opisina. I remember this girl.

“Hi, Ms. Solomon. Kailangan ko kasing makausap aga si Engr. Falcon, nasaan siya?” This slut from Marketing department asked na para bang kailangan niya agad makuha ang sagot. Ang kapal ng mukha, naaalala ko siya. Ang pangit nito, pero pinatulan ni Andrei?

“What do you need from him, Josephine?” I asked without looking at her face. Ayokong makita ang cheap cosmetics na nakapinta sa mukha niyang peke na nilalagyan ng chin chan su ba ang tawag? Yung pangkatulong? Ang basta nag-uumapaw ang inis ko at baka mamaya ‘di ko siya matantya.

“I need to tell him an important news… I’m pregnant with his child. Two months na. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sabihin kasi… mahirap magbuntis. Mahirap nang wala siya, ‘di ko kayang mabuhay na wala siya.” She smiled bitterly and I felt like I joined in ice bucket challenge with a gallon of ice cold water drenching my naked bodice.

“T-totoo ba ‘yan?” I asked her, without losing my composure.

“Yeah. Hindi ko naman sana gustong gulatin siya eh, kaso nung mga nakaraang buwan inaaraw-araw namin kaya naman nagmintis kami at hindi nakagamit ng proteksyon. Ayoko sanang magkaanak agad pero ‘di ko kaya ang abortion. Hindi man ako malinis na babae, pero hindi naman ako papatay ng bata. I love him, kahit na ginagamit niya lang ako pero may bata nang involved kaya dapat na niyang malaman.”

I’m speechless. Pakiramdam ko kinakain na ako ng lupa sa sobrang pagkagulat. Pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko pero hindi ko kayang pigilan. Ang sakit naman, Andrei. Kahit kelan talaga, hobby mo na yata ang saktan ako nang ganito kasakit. ‘Yung tipong sasagad sa buto, puso hanggang utak.

“Sa sinasabi mong ‘yan ginulat mo na siya. Sorry, pero akin si Andrei. I can provide money for you, at ganun din siya. Akin siya, kahit na maging friends pa kami ng anak mo, okay lang. Pucha naman kung isusuko ko si Andrei. Ang laki na ng puhunan ko, kaya ‘wag ka sanang umasa sa kasal kasi kahit ang pamilya niya hindi matatanggap ang katulad mo na nakikipagsex sa lahat ng engineers!”

“H-huh?” Tanong pa niya.

“Oo alam ko! Limang engineers lang namang ang tinuhog mo. Alam ko na ang ginagawa mo! Kaya kahit kay Andrei man ‘yan wala akong pakialam, okay? Sure akong hindi ‘yan kanya kasi bakit naman niya bubuntisin ang babaeng walang substance? Na ang kayang i-offer ay ang gamit niya vagina?” Nagulat siya at ‘di makatingin ng diretso.

“Hindi mo kailangan manggamit para umangat ka. Oo, mayaman kami compared sayo, pero wag naman sana ‘yung tipong papagamit ka sa mga engineers dito para assured ang future mo. I’m sorry, hindi ko siya ibibigay. Mamamatay muna ako bago mo siya makuha.” I said in a cold manner.

“Pinapahiya mo ang mga kababaihan sa company na ‘to. Iisipin nila, lahat ng babae nangta-target ng engineers. Desperate measures for desperate times? ‘Yan ba ang motto mo? Kasi baka bigyan kita ng bagong motto para iba naman. How about ‘Wanna fvck? Give me luck.’ I gave you a good one.” Tumaas ang kilay niya mukhang naiinis. I’m trying to drive her insane. Gusto kong mabaliw siya sa inis kasi ako mababaliw na sa inis sa kapal ng mukha ng babaeng ‘to.

Pucha, ang sarap mangalbo.

“Sorry… alam kung may something na sa inyo, pero paano naman ang bata? Hindi naman ako mayaman, at ayoko naman na broken family ang madadatnan niya pagdating niya sa mundo. Hindi man ako kasing galing at talino mo, pero kailangan ko si Andrei. Kailangan namin siya, and sorry… kailangan mo na ngayon maghanap ng iba. Akala mo perfect na, pero hindi pa pala.” Nagulat ako sa sinabi niya, para bang pinapatamaan niya ako ng sagad-sagad.

Ang sakit sa dibdib. Ganito ba ang buhay? Sakit dyan at sakit dito? Pucha namang buhay ‘to, wala nang nangyaring maganda. Puro na lang pasakit sa puso. Malas ko talaga. Pero sorry na lang siya! Nabuntis lang naman siya pero ako ang pakakasalan. Patawarin na sana ako, pero magkamatayan na kami at hindi ko hihiwalayan si Andrei. Magkakamatayan kaming dalawa.

Kahit na parang linta siyang kumakapit kay Andrei, puputulan ko siya ng mga braso kapag sinubukan niya akong agawan ng akin. Nakakaasar talaga! Ay grabe! Pucha talaga, kung pwede lang magmura at magsisigaw dito sa opisina ngayon, grabe naman kasi.

Paano kung makuha niya si Andrei? Paano na?

Hindi pwede eh, akin si Andrei. I’ve been wishing for him my whole life. Ayokong wala siya kasi parang pinatay na rin niya ako. Hindi ko kayang mawawala siya ngayong akin na siya. Akin lang siya eh. Kailangan kong makuha si Andrei. He’s mine, to infinity and beyond

Basta, I’ll do everything in my power to keep him. Akin lang siya, at sure akong hindi ‘yun kay Andrei kasi nabalitaan ko na ‘yung mga ginagawa niya. Like blackmailing guys for things like clothes! Narinig ko na ‘yun at ayokong mabiktima si Andrei.

I’ll marry him. I’ll marry him.

I rang Andrei.

“Hello?” He answered.

“Andrei, we need to talk. I need to go there at your house later, okay? It’s important.”

“Okay… see you?” He asked. Pakiramdam ko iiyak na ako habang kausap siya. Kaya ko bang harapin ang katotohanan na hindi siya akin? Ipapaubaya ko nga ba siya sa iba? Hindi ko na alam... sasabog na ang utak ko sa kakaisip na akin siya, kahit na inilalayo na siya ng destiny sa akin. Should I take him? Should I still hold on to this feeling? Is he that worth it?

“Yes dear… see you.” I ended the call and I felt so hurt I wanna die. Grabe na ang nararamdaman ko. Sasabog na yata ang puso ko. Hindi ko na yata kaya. Naghahalo ang pagmamahal at galit ko kay Andrei. Bakit naman kasi ganito ang nangyari? Bakit kailangan pa niya akong pahirapan nang sobra-sobra?

I’m afraid to ask myself… is he really worth everything? Should I risk my life again because of him? What if lahat ng mga ito ay signs na talagang hindi kaming dalawa ang dapat? What if hindi naman talaga siya ang lalaking para sa akin? What if… hindi ako ang destiny ni Andrei? Kaya ko bang tanggapin? Kaya ko bang tanggapin with my arms open ang possibility na hindi siya ang forever ko?

Hindi ko yata kakayanin. Ang bigat, sh*t naiiyak na naman ako. I wiped my tears while holding my heart. Ang sikip-sikip sa pakiramdam. Nakakasakal, nakamamatay,nakalulunod ang pagmamahal ni Andrei. Pakiramdam ko, ikamamatay ko na ‘to.

Kiss me hard before you go (#Wattys2015)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon