Chapter 5 - Love Interest

Start from the beginning
                                    

“You again.” Napatingin ako sa kasabay kong naglalakad. What was his name again? Ah! Ryder. Bakit ba lagi kaming nagkikita?

“Yeah.” I said with sarcasm.

“What’s your course?” he asked. Wala sana akong balak sagutin ang tanong niya pero kita kong masaya siya at para namang ayaw kong sirain ang araw niya. He seems like a happy-go-lucky-vampire

“Economic.” I said.

“Oh nice. I’m taking Literature. Mahirap kasi ang Lit sa Italy kaya dito ko na lang kukunin.” Kwento niya pa.

“Ok.” sabi ko saka naging matulin sa paglalakad.

“Ayaw mo ba akong nakakausap?” hindi ko akalain na makita siyang nag pout. Napangiti tuloy ako. He’s cute. “Is that a smile?” hindi niya makapaniwalang sabi.

“Ang weird mo.” I roll my eyes heavenwards habang natatawa.

“One of my best qualities.” He said then winked. “Pero ikaw ang taray mo.” He commented.

I smiled sheepishly. “One of my best qualities.” Lumiko ako sa isang hallway kaya hindi na niya ako nasabayan. Napapailing na lang ako. Ang kulit niya. Pero nakakatuwa.

Pagdating ko sa room ko, agad akong kinawayan ni Shelby. Nasa 2nd to the last siya nakaupo at parang nireserve na niya ako nang upuan.

Lumapit ako sakanya. Inilapag ko sa armchair ang bag ko saka umupo.

“Dinaldal ka ba masyado ni Lola? Pasensya ka na do’n ah.” sabi niya.

“You have no idea.” Natatawa kong sabi.

“Mamaya pala P.E natin. H’wag kang mag-alala, ipapakita lang naman natin ang mga strengths natin. Ano nga ulit strength mo?” she asked dahilan para kumabog ng malakas ang dibdib ko.

“S-strength?” I’m dead! Hindi ba naisip ni daddy na may ganito silang subject? Dapat alam niya ‘yon! Mabubuking pa ata ako eh!

“Yeah. Kung ano kasi ‘yung ability mo or strength, ‘yon din ang masasalihan mong Club.”

“I—i…”

“Ay! Nandyan na si Ma’am.” Nakita kong umayos silang lahat ng upo.

The first discussion was smooth. Nobody suspect na isa akong tao. Pero hanggang kailan ako magtatago kung ilang oras na lang mabubuking na ako?

Lumabas kaming class room. tuwang-tuwa ang lahat kasi madaming bituin sa langit. Perfect time daw para sa soccer.

“Papahiramin kita nang P.E uniform. Bawal kasi ang naka-dress sa P.E” sabi sa akin ni Shelby.

“N-naku h’wag na—“

“I insist.” Ibinigay niya sa akin ang isang P.E T-shirt at shorts na kulay white and maroon.

Napapabuntong hininga na lang ako kapag nakatalikod. Juice colored! H’wag naman po sana akong mabuking ngayong gabi.

Pumunta kami sa isang gym na nasa likod lang ng building. Lalaki ang instructor sa P.E and believe me, para siyang replica ni Dwayne Johnson or The Rock. Help me oh lord! Hindi nga ako makukulong pero pwede naman akong maging instant food ngayong gabi.

Nagro-roll call na si Sir The Rock hanggang sa mapatingin siya sa akin. I swallowed as looked into him.

“You’re the transferee?” he speaks with his deep voice.

“Y-yes po.”

“Introduce yourself.” Gusto kong magkaro’n ng isang himala. Sana maging vampire ako kahit 5 minutes lang.

“Uhh, I’m Serenity Alcheco. 18. Thank you.” Nakatingin lang sila sa akin na parang naagaw ko ang attention nila sa simple kong sinabi.

“Ability?” my instructor asked.

“U-uhhh….”

“May I disturb your class Mr.Garcia?” Napalingon kaming lahat sa nag-salita. Napakunot ako kasi si Mr. Sungit ‘yon. Napairap na lang ako sakanya. Oo may gana pa akong magtaray kahit nasa sitwasyon na akong ganito.

“Sure sure your highness.” Nakangiting sabi ni Sir. Kita ko naman ang paghanga ng iba kong kasama. Tsk. Ano ba siya dito at tinatawag siyang highness?

“Ms. Serenity Alcheco here will be excused from P.E class because she was the love interest of the crowned prince.” I heard different kinds of gasps. Napatingin ako kay Shelby at halata din sakanya na gulat siya. Mas malalagot ako nito eh. ngayon pinagkalat na niya ang kasinungalingan na inimbento ko. Pa’no kung makaabot ‘to sa Crowned Prince? Sasabihin assuming ako. “The Crowned Prince wuld love to see her.” Nakatulala lang silang lahat at parang walang masabi. “Now.” Dagdag pa nito.

“Of course, your highness.” Nakangiting sabi ni Sir. Haynes ba ang pangalan nitong masungit na ‘to?

Nagulat na lang ako nang kaladkarin ako ni sungit palayo sa gym.

“Saan mo ba ako dadalhin?!”

“I’m saving you, idiot! Be grateful!” he hissed habang pababa kaming hallway.

“Is this how you treat the love interest of the crowned prince?!” Para akong manikang kinakaladkad niya.

“Hahaha. Yes! So shut up!” napamaang ako.

“Ugh!” huminto ako dahilan para mapalingon siya sa akin. Tinignan niya ako ng masama. “Pa’no mo nalaman pangalan ko?” tanong ko sakanya. He just smirked.

“You introduced yourself to everybody. Retard!”

“Ay sorry naman po hindi ko alam na nakikinig ka!” umirap ako sakanya. “Eh ikaw? Ano pangalan mo?” nakapamaywang kong tanong.

“Wala ka na do’n!”

“Kainis ka! Teka, Haynes ba pangalan mo? ‘Yon ang lagi kong—“

“Pfft!” Kita kong nagpipigil siya ng tawa.

“What so funny?!”

“Hahaha. Yeah. Ako nga si Haynes. Pfft!”

Bwesit talaga! Nakakapikon! Maha-highblood ata ako kapag siya lagi sakama ko eh!

--------

Shelby on the right side :))

Vampire City 3: Crimson LoveWhere stories live. Discover now