Chapter 5 - Love Interest

Magsimula sa umpisa
                                    

“Shelby, why don’t you go to your class at ako na ang bahala kay Serenity.” Sabi ng Lola ni Shelby.

“Hmm. Ok.” masaya niyang sabi tapos tumingin sa akin. “Economics kunin mo ah.” pagkasabi niya noon ay tumakbo na siya paalis.

“Pasensya ka na sa apo ko. Medyo namana niya ang ugali ko noong kabataan ko eh. pero mabait naman ‘yon.” Sabi ng Chancellor ko na hindi ko na alam kung ano ang iaadress ko kasi ang dami niyang title.

“I can read mind, you know.” Nakangiti niyang sabi saka ako giniya papasok.

“Po?” gulat kong sabi. Tumawa lang siya ng bahagya.

“Call me Ms. Erina kung do’n ka comportable.” She’s so sweet. Kung talagang namana ni Shelby ang ugali niya eh no wonder na na mabait sila.

“S-sige po. Ms. Erina.” Pumunta siya sa may file cabinet at may kinuha do’n na folder.

“Your dad is a very good friend of mine, Serenity. You know.” Sabi niya habang may binabasa.

“Seri na lang po.”

“I like Serenity. But if you prefer to be called as Seri, sige. Seri na lang.” nakangiti niyang sabi. “Does your dad told you about his past life?” tumingin siya sa akin.

“Ang alam ko po, isa siyang vampire.” I stated the obvious.

“Nheo is not his real name.” she stared dahilan para manlaki ang mga mata ko. “But he has to change it para manirahan sa mundo niyo.” She close the folder at lumapit sa akin. Pinaupo niya ako sa couch type seat. “Lahat ng kinwento sa’yo ng daddy mo ay 50 percent lies and 50 percent truth.”

“Ano pong ibig niyong sabihin?” naguguluhan kong tanong.

“30 years ago when Tom Quin fell in love with a human.”

“Tom?”

“Yeah. Your father. His real name was Tom. Hansel, Cris, Tom and I are very good friends.”

“Teka po. Hansel po as in King Hansel?” paninigurado ko.

“Yes.”

“Eh sabi po ni mommy sa akin magka-batch daw si daddy at ang dating Hari pero hindi daw sila close.” Sabi ko dahilan para matawa si Ms. Erina.

“Oh no. ‘Yung mommy mo kasi noon, may crush kay Kuya Hansel. Pero may asawa na that time si Kuya at may anak na din, si Aric. Eh sa gusto nga ni daddy mo si Sandra, ginawa niya, he converted Sandra into a vampire. Nag-away si Kuya at si Tom kasi hindi nagpaalam si Tom sa ginawa niya. Their friendship almost break them apart. Lalo na’t that time busy ang lahat kasi ikakasal ang panganay ni Kuya which is si Aric. Tom didn’t attended Aric’s wedding that’s why mas nainis si Kuya. Minsan kasi may ugali si kuya na panget. Na namana nang kanyang apo. Hahaha” tinignan ko lang si Ms. Erina. Parang walang akong naintindihan sa mga pinagsasabi niya ah.

“Akala ko nga hindi na makakapag-asawa si Tom eh. Kasi malaki na si Edric noon at feeling binata pa din ang daddy mo. Noong nakasal sila ng mommy mo, hindi agad sila nagka-anak. So dapat talaga Tita ang itawag mo sa akin kasi anak ka ng kaibigan ko. So kung nakapag asawa agad ang daddy mo, sana sila Aric and Edric ang ka-batch mo.” Nanghihinayang na sabi ni Ms. Erina.

“For sure mapapatay ako ni Tom kasi binunyag ko ang secreto niya. Hahaha”

Lumabas ako sa office ni Ms. Erina na nakatulala. Totoo ba ‘yung mga narinig ko? Bakit parang wala man lang akong naintindihan? Ang sakit sa ulo. Wala namang sinabi sa akin si Ms. Erina na alam niyang tao ako. Pero syempre alam kong alam niya ‘yon. Haay. Ilang vampira pa ba ang dapat makaalam na hindi nila ako kauri?

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon