Chapter Two

4K 75 0
                                    

Chapter Two

“Narinig ko kanina sa pila,” bulong ni Claire kay Stella habang naglalakad sila papunta sa kanilang workplace, “dumating na na raw galing sa U.S. yung anak ni Mrs. Villablanca.”

Napailing na lang si Stella kay Claire. Magkaibigan na sila simula pa high school sa maliit na baryong may kalayuan sa Maynila. Sabay silang ipinadala ng kanilang mga magulang sa Maynila para magkolehiyo sa parehong unibersidad. Plano ni Stella na kumuha ng fashion designing samantalang ang kanyang kaibigang si Claire ay public relations. Bagamat, pareho sila ng kolehiyong pinasukan at may mga pangarap na digri, hindi lumaon ay iba ang nagging landas nila. Magkaibang course ang tinapos nila, much to Stella’s dismay, as she took communications habang si Claire naman ay accountancy. Eventually, pareho silang nakapasok sa iisang kumpanya – ang Red Dress Inc. Bagamat magkaiba sila ng departamentong pinasukan, nanatiling magkaibigan ang dalawa.

Hindi maiwasang isipin ni Stella ang kanyang mga pinagdaanan sa tuwing makikita niya ang kanyang kaibigan.

Hindi niya rin maiwasang isipin kung paano nagsimula ang kanyang mga pangarap. Parang nakaraan lamang noong nagtatalo pa sila ng tatay niya tungkol sa pangarap niyang kurso.

“Anak, wala kang mararating sa pasyon-pasyon na yan,” sabi ng kanyang tatay, “mabuti pa kumuha ka muna ng ibang kurso at saka mo kunin yan.”

“Tay, fashion po, hindi pasyon,” pagmamaktol na sagot niya habang nagbabasa ng fashion magazine, “gusto kong maging designer at pag naging sikat ako, gagawan ko ng magagandang bestida si nanay.”

“Anak, iba na muna siguro ang kunin mo,” sagot ng tatay, “di natin kayang tustusan yung gastos sa ganyang kurso.”

“Pwede rin naman yung writer,” bulalas ng dalaga, “gusto kong maging writer sa isang fashion magazine at pag naka-ipon ay saka ako mag-aaral ako ng fashion designing.”

“Stella,” tawag ni Claire. Sa pagtawag sa kanya ng kanyang kaibigan, muling nagbalik ang kanyang utak sa kasalukuyan, “di ka na naman nakikinig.”

“Pasensya na,” nahihiyang sagot ni Stella habang nagkukumahog niyang bitbit ang ilang mga hardbounds. Hindi na niya halos Makita ang kanyang dinadaanan. “May iniisip lang ako.”

“Ayan ka na naman sa daydreaming mo eh,” ngisi ni Claire, “pag ikaw nadapa, ewan ko na lang. Ang haba pa naman niyang palda mo at any time soon, matatapakan mo yan.”

“Di naman.” Napakunot ng noo si Stella, “ano na nga pala yung sinasabi mo?”

“Sabi ko, dumating na yung anak ni Ma’am Fermina.”

Stella did not say anything. Hinayaan na lamang niya na magkuwento ang kanyang kaibigan tungkol sa isang lalakeng hindi naman nila lubusang kilala at kabilang sa upper tier ng social life. The news really doesn’t matter to her. Napatingin na lang siya sa mga hardbounds na dala niya at napakunot ang ulo. Tumatakbo sa isip niya ang rami ng paperworks na naantala dahil sa biglang pagpanaw ng kanyang boss. Hindi rin niya maiwasang mangilid ang luha sa gilid ng kanyang mata pag naaalala niya ang kanyang Ma’am Fermina.

“Balita ko, graduate daw yun ng Harvard at saka pogi,” dagdag ni Claire, “yun nga lang, babaero raw. Marami na raw yung naging girlfriends.”

Kinikilig ang kasama niya habang nagkukuwento, “ang swerte mo naman sa bago mong boss, Stell. Pogi na nga, matalino pa.”

Narinig pa ni Stella ang tatlong huling pangungusap ni Claire. Nakatutok ang kanyang mga mata sa daan, sinisipat-sipat ang daan mula sa pagkakaharang ng kanyang mga dala.

Will You Marry Me, Ice Queen?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon