Chapter One

8.1K 111 0
                                    

Chapter One

Napakunot na lang ng noo si Eli at nakapangalumbaba habang binabasa ng kanilang family attorney ang last will and testament ng kanyang inang si Mrs. Fermina Villablanca – isa sa mga biggest earners ng bansa at may-ari ng Red Dress Inc., isa sa mga pinakasikat na fashion retail companies sa mundo.

“Nasa last will and testament ng late Mrs. Villablanca na kinakailangan niyo pong makahanap ng asawa bago ilipat ang lahat ng ari-arian sa iyong pangalan,” paliwanag ng family attorney. Ni hindi man lamang nagbago ang facial expression ng lawyer. Tila sanay na ito sa wirdong takbo ng isip ng kanyang ina.

“Pati ang kumpanya?” Paglilinaw ni Eli.

“Yes,” tipid na sagot ng attorney.

“That is preposterous,” umalma si Eli, “pinaghirapan ng mom ko ang pagbuo ng kumpanya from scratch.”

“Wala tayong magagawa,” sagot ng attorney, “everything is stated in papers.”

“Hindi logical ang kondisyong hinihingi ng papel,” sabi ni Eli.

Napatingin si Eli sa kanyang tita, si Lucia Cañasa-Villablanca, who was sitting across him and right next to the attorney. Punung-puno ng alahas ang kanyang katawan at nakasuot ito ng makapal na white fur coat. Asawa siya ng yumaong kapatid ng kanyang ina.

Sinubukan niyang kumuha ng kahit na anong reaksyon mula sa kanyang tiyahin ngunit hindi siya nagtagumpay. Ang mukha ng kanyang Tita Lucia ay walang emosyon.  In her late forties, his Tita Lucia still has the beauty of a mid-thirties woman – salamat sa teknolohiya. Tanda niya ang unang beses na nakita niya ang kanyang tiya. It was fifteen years ago.

It was fifteen years ago sa opisina ng kanyang ina sa loob ng kanilang bahay at hindi niya sinasadyang mapanood ang sagutan ng kanyang ina at tiyahin. Nakasilip siya sa bukas na pinto ng study room kung saan nag-uusap ang dalawa.

“Last na ‘to, Mina.” Lucia said calmly pagkatapos kunin ang kaha ng sigarilyo mula sa kanyang bag at akmang sisindihan ang isa. Pinigilan siya ni Fermina sa pamamagitan ng pagpigil sa kanyang mga braso. “Not inside my house, Lucia.”

“Sorry,” sarkastikong buka ng bibig ni Lucia pero walang tunog na lumabas. Hindi na lang ito pinansin ni nanay ni Eli.

“Last week, humiram ka na ng P500,000 sa akin. I thought gagamitin niyo iyon para sa pagtatayo ng architectural firm niyo,” pagbabalik ni Fermina sa tunay na pakay ni Lucia. Umupo siya sa kanyang upuan na nasa harap ng mesa.

“Nagkaroon ng kaunting problema,” banggit ni Lucia, ang mga mata nito ay naligid sa kwarto, isa-isang tinitingnan ang mga litrato ng pamilya Villablanca – mula sa litrato ng yumaong asawa ni Fermina hanggang sa mga litrato ng kabataan ni Eli.

“I’m hoping na walang kinalaman sa casino ang problema, Lucia.” Fermina explained, “nakuha na ng kapatid ko ang lahat ng share niya sa mana ng aming ama at alam mo yun, Lucia.”

Nanatiling walang imik si Lucia.

“Hindi ko maintindihan kung paano niyo nawala ang pera niyo ng ganun kabilis,” pangaral ni Fermina sa sister-in-law nito, “I guess, totoo ang balita na nahuhumali kayo sa casino ng kapatid ko.”

“You haven’t felt how great the feeling is pag nanalo. Plus, casino ang pinakamabilis na paraan para magkapera,” pagmamalaki ni Lucia sabay pakita ng kanyang bag, “I even got this tote bag gamit ang perang napanulunan namin the last week.”

“Casino rin ang pinakamabilis na paraan para mawala ang pera,” Fermina added, “lahat ng bagay, pinaghihirapan, Lucia. Walang madali sa mundo.”

“Oh please, wag mo akong pangaralan ng mga ganyan,” sagot ni Lucia, “Anong tawag mo sa pagkuha mo sa mga taga-baryo sa pananahi? Hindi ba pinapadali mo ang buhay nila?”

“Ibang konteksto na ‘yun, Lucia,” kalmadong sagot ng ina ni Eli, “binigyan ko sila ng trabaho at opportunity para i-ahon ang kanilang pamilya sa paraang pinaghirapan nila at hindi kinahihiya.”

“Just lend me that goddamned money, Fermina,” tumaas ang boses ni Lucia, “isasauli ko naman din pag nakabawi na kami sa gagawing architectural firm.”

“I really hope maasikaso niyo na yang firm niyo.” Kumuha si Fermina chequebook mula sa isa sa mga drawer ng mesa at sumulat sa isa. Pinilas niya ito at iniabot sa kanyang hipag.

“P50,000 lang?” Nagulat si Lucia sa tseke nang makita niya ito.

“That’s all I can give right now,” paliwanag ni Fermina, “kasisimula lang din naman ng aking kumpanya.”

“I will tell this to my husband, Mina.” Mataas pa rin ang boses ng kanyang tiyahin at dinuro ang kanyang ina.

“Alam ni Kuya Ricardo na nakuha na niya ang share niya.” Marahang sagot ni Fermina, bale-wala ang panduduro ng hipag. Padabog na umalis si Lucia at nang makita ang batang si Eli paglabas ng pinto ay tinaasan niya ito ng kilay at umalis.

Nakita ni Fermina ang kanyang anak at nilapitan ito. “Nakita mo bang lahat ng iyon?”

Tumango ang sampung taong gulang na si Eli. “Galit po ba si Tita Lucia?”

Inilapat ni Fermina ang kamay sa anak at nagbuntung-hininga. Sa mga sandaling iyon, hindi pa lubos maisip ni Eli kung bakit nagalit ang kanyang tiyahin.

It was that certain instance that Eli decided not to trust her aunt – lalo na kung pera ang usapan.

Simula noon, iniiwasan na ni Eli ang Tita Lucia niya pero sa sandaling katulad nito, kailangan niyang pagtiyagaan na makasama ito sa iisang kwarto dahil sila na lang ang natitirang legal relatives ng kanyang ina.

Patuloy na naghahanap si Eli ng kahit na anong emosyon mula sa mukha nito, kahit anong sign, but he failed. Hindi niya alam kung dahil ba yun sa botox o dahil katulad siya ng family attorney nila na sanay sa pag-iisip ng kanyang ina.

Ibinalik niya ang kanyang mga mata sa attorney at sinabing, “it’s okay, Mr. Flores, hindi naman ako nagmamadaling mailipat sa aking pangalan ang company.”

“In sixty days, Mr. Elizer,” Dagdag ni Mr. Flores, “You have to look for a suitable wife in sixty days or else ay ma-foforfeit ang legibility nyo para sa Red Dress Inc.”

Napatindig si Eli sa kanyang upuan. Halos nanlaki ang kanyang mga mata. Bulalas ni Eli, “please tell me that this is a big joke, Atty. Flores.”

Napabuntong hininga ang kanilang family attorney, “Mr. Elizer, this is not a joke. If you weren’t able to find a suitable wife in sixty days, the company will be handed down to Mrs. Lucia Villablanca, ang sumusunod na legible heir of the Villablanca wealth.”

Lucia smiled at Eli.

Tatlong bagay ang natutunan niya mula sa kanyang ina:  work hard, be competitive, and take care of the company. There’s no time for him to mourn. Ang kinakailangan niya ay protektahan ang pinaghirapan ng kanyang ina mula sa mapagwaldas na kamay ni Lucia. And by that, ibig sabihin ay kailangan niyang makahanap ng mapapangasawa within sixty days.

Will You Marry Me, Ice Queen?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon