Napaatras naman ako sa nakita ko dahil wala namang tao doon sa loob nang kwarto 'yun. Sinubukan kong lumapit doon at kunin ang manika, sa isip isip ko hindi lang 'to normal na manika, may something dito. I've watched horror movies with killer dolls pero kapag ikaw pala ang nasa sitwasyon ngayon, you'll never find our what will gonna happen. Nakakapangilabot.

            Napatingin naman ako sa gawi nang pintuan at napatulala na lamang ako na bukas nga ang pinto at inisip ko na lamang na hinangin ito nang malakas at napakibit balikat na lamang ako.

            Nang pupulutin ko na sana ang manika na nasa harapan ko ay wala na ito. As in! Napatayo ako bigla at mas natakot nang makita ko ang manika na lumulutang sa pinto. Umatras na ako dahil sa kabang nadarama ko, takot at ipaghalo halo mo na. At nang muli akong umatras ay kumalabog pasarado ang pinto at sunod ko na lamang na narinig ay ang mabilis na ingay sa hagdan.

            Kahoy lamang ang hagdan kaya bawa akyat baba mo ay rinig na rinig.

            Nagsilabasan naman sa kani-kanilang mga kwarto ang kanina lamang na mga tulog. Nagsipagtinginan sila sa akin at ang unang lumapit sa akin ay ang aking boyfriend.

            "Jel, anong nangyari?" Tanong nito sa akin pero titig na lamang ang naisagot ko kasi hindi naman nila ako papaniwalaan sa sasasbihin ko.

            "Babae, ang aga-aga nambubulabog ka!" Ani naman ni Greg.

            Umiling naman ako, "Hindi ako 'yun." Simple kong sagot sa kanila.

            "Wow ha! Ibigsabihin, hinangin nang ganun kalakas ang pinto, Jewel?" Dagdag naman ni Boisen na hindi makapaniwala sa sinabi ko.

            "Ganun nga Boisen." Buntong hininga ko pa. "Sige na, mauuna na ako baba." Sabi ko.

            "Tss, you ruined my sweet dream girl." Pag-iinarte ni Greg at tuluyan na rin siyang bumaba kasama nang dalawa at ako rin syempre.

            Silang tatlo naman ay tumungo sa kusina at CR, ako naman ay pumanik na sa sala at nadatnan ko ring gising na si Melo.

            "Anong nangyari sa taas Jel?" agad na tanong sa akin ni Jam. Siguro nagtataka siya kasi hindi naman ako ganun magsarado nang pinto, ganun naman talaga hindi naman talaga ako 'yun. Bakit sa akin nagpapakita ang mga ito, pero hindi pa rin ako magpapatalo sa takot ko kahit na manatili pa kami dito kahit ayaw na ayaw ko na.

            "Hinangin lang 'yung pinto niyo sa kwarto niyong dalawa." Ani ko.

            "Weh? Ang lakas naman nang hangin na 'yun?"

            "Parehas kayo ni Boisen, oo nga hangin lang 'yun!" pagpupumilit ko.

            Ilang saglit lang ay dumating na si Harold sa sala at umupo sa tabi ko. Sunod din naman na dumating ang dalawa pa, nakakalungkot lang isipin na ang buong bakasyon namin ay nababalutan nang katakutan na dati naman ay hindi, na puro kasiyahan lang. Mali nga siguro ang desisyon namin na dito kami magbakasyon kasi maling mali na tumira pa kami dito sa bahay na 'to.

            "Harold..." tawag ko sa kanya. Inakbayan pa ako nito at ngumisi.

            "Bakit babe?" I giggled of what he said.

            "Mag-iikot nga pala kaming dalawa ni Jam mamaya sa barrio ha?" sbai ko habang nakatingin sa mukha niya at napataas naman ang kaliwang kilay nito sa akin.

            "Bakit?" tipid niyang tanong sa akin.

            "Kasi gusto kong samahan si Jam at syempre para makapagliwaliw na rin sa paligid." Ngiti ko pa.

StaircaseWhere stories live. Discover now