Kabanata 5

274 4 0
                                    

   
     Sa kabilang banda habang nagkakasiyahan ang mga magkalaibigan ng mapansin ni gab na wala ang dalaga sa pwesto kong saan nya ito iniwang nakaupo.umahon sya at tinungo kong nya ito iniwan nilibot ang buong paligid ngunit hinde nya nakita ang dalaga. lumapit sya sa kanyang mga kaibigan.

" guy's alam nyo ba kong saan nagpunta si wena?

" hinde,bakit? tanong ng isa saga kambal.

" wala ka si sya e,kanina ko pa sya hinahanap pero hinde ko sya mahanap"

" baka may pinuntahan lang o di kaya umihi dyan sa tabi-tabi,hintayin na lang natin babalik din iyon" usal ni jean.

" tama si jean gab,hintayin na lang natin"

sinunod nya ang mga kaibigan baka tama ang mga ito.lumipas ang isang oras ay hinde pa bumabalik ang dalaga.

" hahanapin ko si rowena, sumunod na lang kayo" sabi nya at umalis.

dali dali namang sumunod ang mga kaibigan sa kanya.naghiwa hiwalay sila upang madaling makita ngunit hinde nila ito mahanap.labis labis na ang kanilang pag-aalala para sa dalaga.

samantala umabot sa pandinig ng lalaking kasa-kasama ni Rowena ang bose's ng mga kasamahan ng dalaga at hinahanap ito.tinitigan nya ang natitilog na dalaga hinaplos nya ang maganda at maamong mukha ng dalaga."balang araw magkakasama rin tayo hinde na tayo aking rowena".hinagkan nya ang ito noo bago ito pagdikitin.

" kailangan na kitang ibalik sa mga kasamahan mo" mahinang bulong nito.

binuhat nya ito at naglakad palapit sa kinaroroonan ng mga ito.dahan dahan nyang inihiga ang natutulog na sa dahon ng saging na pinagtagpi tagpi nya.hinubad nya ang damit na suot nito at inilatag sa kahihigaan ng dalaga.

inalagay nya ito malapit sa mga paghahanap na mga kasamahan upang adali itong mahanap.bago nya ito iniwan.

" hanggang sa muli, aking reyna" nagmadali syang nilisan ang lugar ng papalapit na ang ito sa kinalalagyan nila.hinagkan nya ang noo ng bago tuluyang lumisan sa lugar.

sa kabilang banda natanaw ni gab si rowena na nakahiga sa damuhan at walang malay.agad nya itong dinaluhan ng may pag-aalala lalo ng makita ang sugat nito sa paa.

" rowena,rowena gising"

" rowena" naalimpungatan naman ang dalaga ng marinig ang pamilyar na Bose' ng kaibigan.

" gab" tawag nya rito.

" anong nangyari sayo? ba't may sugat ka? hinde sya naka tugon sa sunod-sunod na tanong ng binata dahil sa hilo marahil ay apekto ito ng kagat ng ahas.dahan dahan syang pinangko ng binata at naglakad paalis.hinde na sya nag protesta pa dahil wala na sayang lakas.

" nakagat ako ng ahas kanina,hinde ko na pansin na nasa harapan ko na pala ang hayop kaya nakagat ako" paliwanag nya.

" anong nararamdaman mo?kumikirot pa rin ba ito?ikaw ba ang gumamot nito? ano?" tarantang tanong nito.

" ano ba naman to si gab oh, isa-isa lang" ani ni jose.bumuntong hininga ito at tumingin sa kanya.

" okay lang ako gab,wag na kayong mag-alala.may tumulong sa aking lalaki kanina sya ang gumamot ng sugat ko"

" lalaki,sinong lalaki? tanong ni jean na isa kambal.

" nakalimutan kong itanong ang pangalan nya,hinde nyo ba sya makita"?

" wala kaming lalaking naabutan ng makita ka namin"

" kong sino man ang lalaking tumulong kay wena dapat ay pasalamatan,dahil kong hinde dahil siguradong ikapapahamak iyon ni wela,tingin ko makamandag ang ahas na kumagat kay wela" ani ni Jane na sinang-ayunan ng iba.

hinaplos sya sa ng kaibigang si gab na nakaluhod sa harap nya.

" may sinat ka,masama ba ang pakiramdam mo?

" medyo nahihilo lang ako"

" tingin ko ay hinde mo kayang pa maglakad,bubuhatin na lamang kita,mag gagabi na kailangan na nating bumalik at baka hinahanap na tayo"

" tama si gab delikadong abutan ng gabi sa loob ng gubat"

kinapit nya ang dalawang kamay sa leeg ng binata ng dahan-dahan sya nito kinalong gamit ang magkabilang bisig ng binata habang ang mga gamit nya ay dala-dala ni Paolo.

" gab kay mo pa ba?ibaba mo na lang ako maglalakad na lang ako" saad nya rito.nasa kalagitnaan na sila sa paglalakad at tingin nya ay malapit na silang makalabas ng gubat.

" hinde maaari maaari baka ma-impeksyon ang sugat mo,kaya ko wag kang mag-alala at isa pa magaan ka lang naman e,kaya kayang kaya kita" tugon ng binata.

sinandal nya ulo sa dibdib ng binata at pinikit ang mga mata nya.pakiramdam ay hapong hapo ang katawan nya siguro ay dahil ito sa kagat ng ahas.

napamulat sya ng marinig ang tinig ng kanyang ina na pinapangaralan ang mga kaibigan na ngayon ay walang imik sa tabi nya.

" nay" mahinang tawag nya sa kanyang ina.na agad din naman syang dinaluhan.

" anak mabuti at gising ka na,pinag-alala mo ako.anong gusto mong kainin ipagluluto kita"? umiling sya rito nilang tugon.

" nay,pasensya na po kong nag-aalala kayo.hinde po ako nag-ingat,kong hinde ako umalis ng pwesto namin hinde ako mapapahamak.sorry po nay"

nakataas ang kaliwang kilay ng ina nyang nakatingin sa kanya.
" mabuti naman at alam mong kasalanan mo" napanguso sya sa sinabi ng ina.

" inay naman"nakangusong saad nya.

" sige na mauna na kayong kumain,nakahanda na sa habang pagkain.sige na kumain na kayo" ani nito sa mga kaibigan ng anak. " dito na lang din kayo matulog.delikado ng umuwi dahil gabi na at madilim.total ay alam naman ng magulang nyo na narito kayo"

" salamat po tita at pasensya na rin po,paano po kayo hinde po ba kayo kakain "? ani ni gab.

" susunod na lamang ako,pakakainin ko muna si rowena.bala sige na kumain na kayo para maaga kayong makapagpahinga"

" wag na po nay,kaya ko na naman e.kumain na po kayo"

" hinde na,hinde ka aalis sa kama mo at baka mabinat ka"

" pero nay-"

" ikaw bata ka tigiltigilan mo ako,kaya napapahamak dahil sa katigasan ng ulo mo.tingnan mo nga at pati mga kaibigan mo ay nadamay dahil sa kapabayaan mo" natahimik sya sa narinig mula sa ina.tama naman ito sya ang may kasalan.sino pa ba.nag-angat sya ng ulo mula sa pagkakayuko ng hawakan nito ang kamay nyang nakapatong sa hita nya tumingin sa kanyang ina.

" anak,pasensya ka na sa mga nasabi ng inay.natatakot lang ako na mawala ka sa akin, anak na lang ang meron ako hinde ko kakayanin kong pati ikaw at mawala.anak mahal na mahal kita" nakangiti sya sa naging pahayag ng ina hinawakan nya ang dalawang kamay nito.

" alam ko naman po iyon nay,at mahal ko rin po kayo mahal na mahal"

" sige kumain ka na at lumalamig na itong inihanda kong pagkain"

" salamat po,kumain na rin po kayo" saad nya matapos nyang maubos ang pagkain.tumango naman ang ina nya bilang tugon.tumayo ito dala ang pinagkainan nya at dumiritso sa kusena upang nilapag ang mga hugasin at kumain.

nang gabing iyon ay magkatabi silang matulog ng kanyang inay.samantalang kambal ay natutulog sa silid ng kanyang ina.at tatlong lalaki naman ay nasa ay sa dating silid ng kanyang ama at ina na ngayon ay hinde na nagagamit.

Tragedy Of LoveWhere stories live. Discover now