Chapter 1

157 5 0
                                    

*Cameras Flashes everywhere*

"Veronica, is it true na lilipat kana ng paaralan dahil sa pagdedevelop ng career mo?"
Tanong ng isang babaeng interviewer a sinisikap na manatili sa kinatatayuan dahil sa dami ng nagsusulpotan sa harap ko at sinisikap na mainterview ako.

"Uhm, well hindi lang naman ang pagdedevelop ng career ang dahilan kundi ang situation ni mommy ngayon. Pinadala namin siya sa London para dun magpagamot at hindi pa ako sigurado kung lilipat ba talaga ako dun, Magpapainterview nalang ako ulit pag nakapag desisyon na si daddy." Ngumiti ako ng tipid at pinalibutan ako ng mga gwardiya ko para hindi masaktan sa paghabol ng mga interviewers sakin. Dumiretso akong pumasok sa sasakyan at pinaandar agad ito ng driver ko at nagdrive pauwi ng mansion.

__________
"I'm home dad!"
Tawag ko kay daddy.

"Oh Hi sweetheart! May hinanda ako for you halika sa dining room"
Sabi pababa ng hagdan at hinalikan ang noo ko at sinamahan ako sa hapagkainan.

"Why so dami dad? Anong meron?"
Kunot noo kong tanong.
At tinuro niya ang isang pinto kung saan ay may lumabas na babaeng dala dala ang paborito kong pagkain. "Mom?" Nilapitan ko ito at niyakap ng mahigpit.

"How's Celebrity life, darling?"
Tanong niya sakin.

"As usual mom, Always busy at napakarami ng projects ko ngayon sa Intertainment. And sana naman magkaroon ako ng day off para magawa yung gusto ko." Ismid ko.

"Don't worry sweetheart kasi ang lahat ng yan ay para sa career mo and also sa future mo. Kami nga ng mommy mo noon pang lifetime ang ginawa naming projects at heto kami ngayon, successful at tahimik na ang pamumuhay." Sabi ni dad.

Huminga ako ng malalim at tipid na ngumiti.
"Let's eat?" Tanong ko at nagsimula na kaming kumain.
"Mom how's your record na? Can i see?" Tanong ko.

Nagtinginan muna sila ni daddy bago niya ako sagutin.
"Darling, uhm... Napagdesisyonan na namin ng daddy mo na wag nalang muna tayong lumipat sa London. Kasi napakadami pa ng projects but this vacation bibisitahin natin ang auntie mo."

"Ok mom." Sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.
At nang makatapos na kami ay nagsilabasan ang mga katulong namin mula sa kusina at niligpit ang mga platong ginamit namin.

"Girls excuse me muna ha, may tumatawag kasi sakin sa labas."
Pagpapaalam ni dad.

"Sino dad?" Tanong ko.

"Ka barkada ko, si Arron"
Tumango ako at sinabayan na si mommy na umakyat papunta sa bedroom nina dad at ako naman ay tumungo sa sariling kwarto. Binuksan ko yung bintana para makalanghap ng sariwang hangin at tinignan ang Pool Area na nasa tapat lang ng bintana ko. Doon nakita ko si Daddy na may kasamang lalake at kumunot ang noo ko sa ginagawa nila. Ano yun? Nagpapailaw sila ng lighter at may kutsara sa itaas tas- wait illegal yan ah! Tumakbo ako sa labas at tumungo sa Pool Area.

"Daddy! Stop it!" At nagulat naman ang dalawa at agad na tinago ang mga kagamitan nila.

"Sweetheart go to your room." Pasimpleng utos pa niya.

"Dad bawal yan! Itigil mo nga yan!" Lumapit ako sa kanila at isa isang sinipa ang mga droga patungo sa pool. At padabog na tumayo ang kasama nito at hinila ang buhok ko papalapit sa kanya.

"Veronica! Alam mo ba na ang mahal nung itinapon mo sa pool niyo? Ha?!" Sigaw niya sa taenga ko. At lumayo siya ng kaunti nang akmang hahawakan sana ni dad ang kamay niya para tanggalin ang pagkakapit sa buhok ko.

"Chris naman, hayaan mo naman akong matikman itong napakaganda mong anak." At inamoy nito ang leeg ko.

"Dad! Help me!" Sigaw ko.

•| Her Warm Blood |•Where stories live. Discover now