Chapter 14 - Mahiwagang Suman

5.9K 76 8
                                    

Chapter 14 - Mahiwagang Suman





Saglit ding nanatili si Ronron sa loob ng silid ni Angel kasama ang ama nitong si Angelo.


Bagama't pakiramdam nya ay parang nanlalaki ang kanyang, ulo sa dagdag na impormasyong binigay nito, pilit nyang kinalma ang sarili.


Kailangan nyang maging malakas para sa ama ng kasintahang unti unti ng ginugupo ng pangungulila sa anak.


Ilang saglit lang ang lumipas, suminghot si Angelo sabay punas sa T-Shirt.


Natawa sila pareho.


Napangiti si Angelo at tinapik sa balikat ang binata.


          "We're so thankful to have you here. Kayo ni Romeo. Nagpapasalamat ako sa anak ko at mukhang ginabayan nya kayo patungo dito. Masama mang isipin to, pero ng mawala ang anak ko, parang gusto ko na ring sumunod sa kanya. Kaya lang ay kailangan kong magpakatatag para sa Tita Paloma mo. Sya ang lubos na naapektuhan dahil nagtalo pa sila ni Angel bago pumunta ang anak namin sa resort. " malungkot na kwento ng ama.


Ngumiti si Ronron, pero bigla syang natigilan.


          "Wala pong anuman Tito. Uhm, if you don't mind. A-ano pong pinagtalunan nina Tita at Angel nung araw na yon ? " tanong nya.


Napaisip din si Angelo.


          "I don't really know the details. The truth is, hindi ko yun inuungkat sa Tita mo. Kasi nakita ko kung paano nya sisihin ang kanyang sarili sa nangyari. Kaya sa tingin ko, kapag inungkat ko pa, baka lalo lang nyang sisihin ang sarili nya. " malungkot nyang sambit.


Marahang tumango ang binata.


          "Ganun po ba? " tanong nya.


Tumango rin si Angelo.


          "Yeah, hmm. So paano, sisilipin ko lang ang Tita Paloma mo. " paalam nito.


Ngumiti si Ronron.


          "Sige po Tito. Uhm, pwede po bang dito muna ako saglit ? " tanong nya.


          "Of course, feel free iho. " sagot ng lalaki.


Tiningnan muna ni Ronron ang papalabas na ama ni Angel bago muling nilibot ang paningin sa loob ng kwarto.


Huminga sya ng malalim.


Napatingin sya sa kama.


Lumapit at dahan dahang umupo.


Hinubad nya ang suot na tsinelas bago dahan dahang umatras at sumandal sa headboard.

Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon