Nakatitig lang si Jason kay Rhea habang ganun din si Rhea kay Jason. Titig na titig. Yung tipong wala silang pakialam kung matunaw sila sa kakatitig sa isa't isa. Kasabay ng kanilang mainit na pagtitinginan ay ang tila pagsayaw nila sa saliw ng isang napakaromantic na kanta. Hawak-hawak ni Jason ang bewang ng babae habang ang dalawang kamay naman ni Rhea ay nakasandal sa mga balikat nito.
JASON: Siguro nawawala ngayon ang lips mo noh?
RHEA: Huh? Bakit?
JASON: Kasi hinahanap siya ng lips ko. Hehe
RHEA: Haha. Di mo ako madadala sa mga banat mong yan.
Unti-unting nagkalapit ang mga mukha nila. Palapit nang palapit. Hanggang sa nagkadampian ang kanilang mga ilong at. . . . . . . .
JASON: (nakanguso na tila may hahalikan)
BRIAN: Hoy! Hoy! (pilit na ginigising si Jason) Hoy! Jay! Gising na! ! !
Nagising si Jason na nakanguso habang pinagtitinginan ng iba pang mga estudyante sa loob ng easyride. Kakahinto lang ng sinasakyan nila sa tapat ng eskwelahan at nagtatawanan habang nagbabaan ang mga estudyante na kanina pa pinipigil ang tawa nang dahil sa eksenang nagawa ni Jason.
JASON: Wrong timing naman huminto tong easyride na to oh! Malapit na eh! Konti na lang.
Matitikman ko na yung lips nya! Hayyy!
BRIAN: Cge, balikan mo muna yung panaginip mo ha, mauna na ako. Late na late na tayo!
JASON: Ui teka lang, andyan na! (sabay takbo papasok ng gate)
Mabilis nilang tinakbo ang pathway patungo sa room nila. Pero dahil mahigit 20 mintes na silang late, di na nila naabutang bukas ang pinto. Na-lock na ni Mrs. Trinidad, ang teacher nila, ang mga pintuan papasok ng silid-aralan.
JASON: (Humihingal) Sabi ko sayo eh, di na dapat tayo tumakbo. Nagpagod lang tayo para sa isang lock na pintuan. Hahay
BRIAN: Kasalanan mo to eh, kung managinip kasi, talo pa ang wagas! Ang tagal magising!
JASON: Kung ikaw ba naman ang managinip ng ganun Bry, siguro di mo na rin gugustuhing magising.
BRIAN: Ano ba pinaginipan mo? Hulaan ko. . . ahmm.. magkayakap kayo ni Rhea, habang nagsasayaw. Tapos nagkalapit ang mga mukha niyo. . . . Tapos..
JASON: Oooops!! Bakit mo alam? Di naman kita nakita sa panaginip ko ah.
BRIAN: Ilang ulit mo na kaya nasabi yan sa'kin. Yan naman palagi ang panaginip mo eh. Alam mo Jay, hanggang panaginip na lang yan lahat. Sabi nga nila, ang mga panaginip ay kabaliktaran sa nangyayari sa totoong buhay. Kaya yang panaginip mo? Itataya ko buhay ko, imposibleng mangyari! Hoy nakikinig ka ba?
