2018-2019

15 1 7
                                    

Sa school namin kailangan talaga ng bawat estuyante na may service o kaya naman sariling sasakyan para makapasok ng school nang maaga. O kaya naman kung walang service kailangan mong mag-commute for 30 minutes at depende pa kung saan ka galing. In my case may service ako na ni-recommend mismo ng school.

At bago mag-start ang bagong school year sa school namin kailangan na munang umattend ng bawat freshmen ng tinatawag nilang Orsem or Orientation Seminar na tinatawag. Ang mga magfa-facilitate doon ay ang mga sophomore at junior students. Kahit ako noong grade 7 ako ay umattend din.

Pagkatapos ng Orsem ay 'yung schedule na talaga ng bawat estudyante sa school. Every Monday may morning assembly na nagaganap sa Covered courts. At pagkatapos noon ay 'yung first period na. Pagnatapos na ang 1st to 4th period ay lunch na. Lahat ng estudyante ay p'wede lang mag-lunch sa loob ng campus sa canteen at covered courts.

Sunod noon ay ang homeroom ng bawat sections. At kapag tapos na ang homeroom ay sunod na nito ang 5th to 7th period then dismissal. At ito pa ang thrilling na bagay sa school namin. Bawal ang gumamit ng cell phone kung hindi emergency at kung wala ka sa covered pathwalk malapit sa may gate at 3 minutes ka lang p'wedeng gumamit ng cell phone. Kapag lumagpas ka sa 3 minutes may record ka na sa office nila.

Kaya ako kapag tapos na ang klase diretso na ako sa service kasabay ang kapatid kong lalaki na mas matanda sa akin ng one year. Tapos doon na kami gagamit ng gadget sa loob ng service. Luckily tinted ang windows ng service namin. Sa service namin halo-halo ang mga grade levels. May grade 7, 8, 9, at 10.

At ang mas nakakatuwa pa puro sila mga g'wapo at magaganda. Malalakas din ang tama ng mga ka-service namin. Lalo na 'yung grade 8 na pinaka-una kong naging crush.

Grade 8 ang pinaka-una kong naging crush noong grade 7 ako. Ang pangalan niya ay Kuya Jan-Jan (hindi ko na ime-mention ang full name niya). Kung ide-describe ko siya, mas matangkad ako sa kaniya, slim ang katawan, maganda ang kilay, matalino, mabait at hindi maitatanggi ang ka-g'wapuhan niya. Pero may pagkabading ang mga kilos niya.

At since matalino nga siya, kasali siya sa honor's class. At kung sa talent lang naman ang pag-uusapan, magaling siyang kumanta at sumayaw. Naka-upo siya sa unahang part ng service at samantalang ako nasa dulo kasama ang kuya ko. Kaya parati nalang akong pasulyap-sulyap sa kaniya habang nakaside view siya.

(Alam ng kuya ko na crush ko si Kuya Jan-Jan.)

Kaya isa siya sa rason kung bakit maaga akong pumupunta sa service namin. Minsan kasi kapag maaga akong pumupunta sa service naaabutan ko siyang nakaupo sa upuan ng kuya ko na kaharap lang din ng upuan ko.

Kaya ito naman ako at pumapasimpleng tumitingin sa kaniya. Kasi naman kung ikaw ba ang makakita ng lalaking g'wapo makakayanan mo bang hindi tumingin? At kung susuwertehin, 'yung kuya ko lilipat ng upuan at ang uupo sa upuan niya ay si Kuya Jan-Jan since siya naman ang unang bumababa ng service.

At ang bagay na ikinapipikon ni Kuya Jan-Jan ay pagtawag sa kaniya ng mga kaibigan niya sa pangalan na Karla o kaya naman Jana. Kaya minsan akala ko tinatawag nila ako pero hindi naman pala (Jana kasi ang first name ko). Karlo ang isa sa mga first name niya at kapag napipikon siya pinapalo niya ang tumatawag sa kaniya no'n.

Pero nung minsan na nakuwento ko 'yung pagka-crush ko kay Kuya Jan-Jan sa mga kaibigan ko, bigla na lang naging interesado 'yung isa kong lalaking kaibigan, si Jhavin. Ang hindi ko alam ka kilala niya pala si Kuya Jan-Jan. Kaya ayun sinabi niya kay Kuya Jan-Jan. Buti na lang nakalipat na kami ng service nang sabihin 'yung secret ko na 'yun kay Kuya Jan-Jan. Kasi kung hindi naku po! Napaka-awkward seguro no'n.

Pero siyempre dahil sa friendly ako tinry ko makipagkaibigan kay Kuya Jan-Jan pero wala eh. Hindi kasi siya gano'n ka-approachable kaya hindi rin kami naging friends. Sayang nga eh kung nagkataon, may crush na may new friend pa ko.

My True Story [ONE SHOT] COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon