"luh, masungit parents mo?" bigla kong tanong ng sumibol ang munting kaba sa aking dibdib.

She grinned. "I didn't say that, ang akin lang gusto ko on time tayo, okay po?" pagbawi nya.

I smile at her kasabay ng paghupa ng aking kaba.

"I think i should be going na, susunduin ko pa iyong pinsan ko sa airport" paalam nito then hug me tightly.

Matagal kami sa ganuon ayos na aking ipinagtaka. Kanina pa ito clingy na unusual nyang ginagawa, mostly ako ang mas malambing sa aming dalawa pero ngayong araw na ito ay mas nangibabaw sya.

Blue pulled away at tinitigan ako ng mariin.

Hindi ko alam pero biglang sumikdo ang aking puso. Nabalutan iyon ng kakaibang kaba na hindi ko maipaliwanag.

"palagi mong tatandaan na mahal kita ha? Mahal na mahal kita, Brianna" she mumbles then give me a quick kiss.

Napalunok ako.

May kung anong bumikig sa aking lalamunan. Madalas naman sabihin ng katipan ang mga salitang iyon pero hindi ko malaman bakit parang may kakaibang dating iyon sa akin.

"you now take a rest then eat, ba-bye na muna" she said then tumalikod.

Hindi ako agad naka-react until I called her.

"Love!" habol ko dito.

She was now a few meters away from me but she managed to turned around and glance at me.

"y-you take care, w-will yeah?" bilin ko with my worried voice.

Blue smile's at nagbiro pa itong sumaludo sa akin " Yes Ma'am!" masigla nitong tugon smiling from ear to ear.

Alanganin kong tinugon iyon.

Manaka-naka ko syang hatakin pabalik at huwag ng paalisin ng ito ay tumalikod.

Nanatili lang akong nakatayo duon habang unti-unti itong nawala sa aking paningin ang katipan.

Wala sa sariling pumasok ako sa kabahayan at naupo sa aming living area habang isinasantabi ang kakatwang pakiramdam.

Why am i feeling this way?

Bakit pakiramdam ko iyon na ang huling pagkakataon na makikita ko sya?

Mariin akong pumikit.

"stop Bree, kung ano-anong pumapasok sa isip mo" sawata ko sa sarili."susunduin ka pa nya remember?"

Yeah right! Ipapakilala pa nya ako sa pamilya nya.

Buhat sa isiping iyon ay lumutang na naman ang aking excitement para sa gabing iyon.

I sighed deeply and stood up para asikasuhin ang damit na aking susuotin.

********

Saktong 6:30 pa lamang ay tapos na ako mag-ayos, napangiti ako ng makita ko ang sarili kong reflection sa salamin.

Simple lang ang ayos ko pati ang napiling damit. I choose to wear peach knotted blouse which is not exposing too much of my skin kagaya ng aking nakagawian, tinernuhan ko ito ng skinny white pants and not so high heels, enough just to make me feel comfortable.

Blue said just wear something casual. Hindi naman daw ganuon ka-strict sa dress code as long as comfortable ako.

I know my girlfriend is fond on my fashionable taste. Hindi ito kagaya ng ilan na may pag ka conservative because she knows how to appreciate anything that I wear, particular sa mga sexy dresses. But tonight i set aside what i want and choose a decent dress instead. 

Enclave Series 1 : Rush Villanueva (GxG)Where stories live. Discover now