Prologue

10.9K 192 19
                                    

Jema's

Masyadong maingay.

Napakaingay.

Masyadong magulo, kailangan ko huminga.

With this crowd, I'm not comfortable napakaraming tao ayaw ko ng ganito.

Umalis ako gusto ko huminga.

Dinala ako ng aking mga paa sa lugar kung saan nakikita ko ang buong lungsod, ang lugar na tahimik at makikita mo ang magulong  lugar.

"Andito ka na ulit." Sabi ng babae sa tabi ko.

Yung babaeng may malulungkot na mata, noon pa man lagi ko siyang naabutan dito.

Matagal na panahon na hindi ako nakapunta rito hindi ko akalain na makikita ko ulit sya dito.

"Masyado ba ulit maingay?" She asked

Tumango ako.

Tuwing pumupunta ako rito lage ko  siyang na aabutan, lage niya ko tinatanong bakit ako nandito sabi ko maingay sa lungsod.

"Ikaw? Nalulunod ka na naman ba, masyado na naman ba silang mapanghusga." I asked

Tumango siya.

Bakit ba hindi nila makita kung gano ka nasasaktan sa mga sinasabi nila?

You're doing your best to be better, but all they see is your tiny mistakes.

I stare at her.

Sino ba hindi makakakilala sa babaeng to.

Deanna Wong.

Volleyball player.

Controversial Volleyball player, laging laman ng social media,  being judged because of her swag, being bash because of her attitude?

Being hated because she is talented, hindi matanggap ng ibang tao na magaling siya sa kanyang ginagawa.

What a cruel world it is for the both of us.








Deanna's

Nakita ko na naman siya

Ang babaeng tahimik.

Matagal siyang nawala, balita ko naging masaya na siya pero nakikita ko sa mga mata niya na hindi siya ngayon masaya.

Akala hindi na siya babalik.

Pero nakita ko ulit siya.

Maikli na ang kanyang  buhok. Napakaganda parin niya.

"Masyado ba ulit maingay?" I ask

Tumango siya.

Hanggang ngayon ayaw niya parin ng maingay ayaw niya parin ng magulo.

Hindi ba siya nasasanay?

Sikat siya dapat sanay na siya.

Sino ba di makakakilala dito sa katabi ko.

Jema Galanza.

A singer, dancer, fitspiration sikat na artista.

Sa kabila ng napakaingay na mundo niya she's seeking for silence.

"Antagal mo nawala ha. You've been very happy for the past few months bakit nandito ka ulit."

"Akala ko din masaya, hindi pala naglolokohan lang pala kami, sumugal ako sakanya pero natalo ako naging mas maingay tuloy ang lahat, nakakabingi na."

She's been very controversial ng mag out siya.

Balita ko she is a relationship with someone, kaya tinalikuran niya ang lahat then it failed.

Nawala siya  ng matagal pero bumalik ulit siya sa maingay na lugar, sa may mga mapanghusgang mata.

Pareho kami ng mundo.

Magkaiba nga lang na lugar.

Siya sa kanang bahagi ng mundo, ako naman sa kaliwa.

Pero parehong mundo parin ang aming ginagalawan.

Mundong wala ibang nakikita kundi ang kamalian ng iba.

Mundong kung saan pag may isang pumuri sayo isang daang kutya ang ibabalik ng iba sayo.

Sa lugar na to, sila lang ang tama, pag tahimik ka guilty ka, pag pinaglaban mo ang sarili mo may attitude ka.

Dito sa lugar na to hindi tanggap ng marami ang katulad naming iba.

Lahat sila mapanghusga.

Lahat sila hindi makikita ang iyong halaga.



Pero dito sa lugar  na kinatatayuan naming dalawa,kung saan nakikita namin ang lungsod na magulo.

Dito namin naghahanap ang katahimikan.

Sa piling niya mapayapa ako.

Sakanya ko nararamdaman na hindi ako nagiisa.

Hindi man kami naguusap,
Hindi man kami sobrang magkakilala pero nararamdaman ko siya.

Lihim ko siyang minamahal.

Kasi hindi pwede.

Hindi siya pwedeng mahalin.

Isa siyang bahaghari.

Makikita mo lang sa langit tuwing pagkatapos ng ulan.

Luluha ka muna at masasaktan bago mo siya masilayan.

Kaya sapat na to.

Sapat ng ganito lang.

Dito sa lugar na tahimik nakakasama ko siya.

Nasisilayan ko siya.

Kahit sa ganitong paaran lang sapat na.

Wala man kasiguraduhan kung makikita ko siya kinabukasan.

Makakausap ko pa ba siya?

Hindi ko alam dito ko lang naman siya nakikita.

Dito ko lang siya nakakausap kasi pag balik samin sa lungsod hindi na kami magkakilala, doon hindi ko siya kilala kasi ibang tao ang nakikita nila.

Sa lugar na puro mapagpanggap kailangan mo magmukhang masaya.

Sa lugar na ginagalawan namin marami ang taong mapanghusga.

Sa likod ng mga ngiti ng mga taong nakapaligid samin.

Nagtatago ang lihim na hindi naman talaga kami ganon kahalaga.

Pakitang tao lang namam ang karamihan sakanila.

A/N

Read at your own risk.
Harsh words ahead.
Sorry sa Errors.

UNCERTAINTYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant