Mabait sa amin si Up pero parang ako lang siya, sa kaibigan lang mabait.

"Gago ka"-me
"Magagawan naman ng paraan yan. Nakikita mo yung dalawang bituwin na yun na agaw pansin?"-Up

Sabay turo ni Up sa mga bituwin na yun kaya napatingin ako.

"Hulaan mo kung nasaan diyan si Matheo Do ng my love from the stars"-Up

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Biro lang. Ayang dalawang bituwin na yan lagi ko sila sinusubaybayan. Dati mag kalayo sila pero patagal ng patagal, bawat gabi napapansin ko ang paglapit nilang dalawa sa isat isa. Tignan mo ngayon na mag katabi na sila mas makinang kumpara sa ibang bituwin diba? Kasi pinag sama sila. Parang ikaw lang yan saka si Jason. Walang mas better sa inyo at parehas lang kayo sa pananaw ng mga taong nasa paligid niyo na hindi nakakakilala sa inyo. Isa lamang kayong hamak na normal na tao sa pananaw nila. Pero pag kayong dalawa pinag sama mas magiging agaw pansin kayo at mas maraming natutuwa sa inyo. Naaalala mo ba nung pumasok kayo nina Jiyo saka Jason sa Klaydom University? Highschool palang tayo non. Naging mag kaklase tayong tatlo nila Jiyo at sa simula wala naman akong nakita na kahit anong espesyal sayo. Pero nung nalaman kong may kambal ka at mag kamukhang kamukha kayo alam kong hindi lang ako ang natuwa at humanga that time. Iba kayo ni Jason Jonas tandaan mo yan, walang mas better na anak saka kaibigan sa inyo. Pinanganak kayo na isa kaya kung ano ang nararamdaman ng isa yun din rin ang mararamdaman ng isa. Naiitindihan mo ba? Kaya kung nalulungkot ka ngayon si Jason din. Hahayaan mo ba na malungkot din ang kambal mo tulad ng nararamdaman mo?"-Up

Napatungo na lang ako sa mga sinabi niya. Totoo naman parehas lang kami ng nararamdaman ni Jason at alam kong nasaktan ko siya ng sobra nung hinayaan ko siyang umalis. Mali ako sa mga nagawang desisyon ko.

"Mag usap kayo. Kahit for the last time diba? Usapang mag kambal"-Up

Tumungo ako pero di ko alam kung paano sisimulan

(Maries Povs)
Kasalukuyan ako ngayong nasa loob ng tinitirahan nina Mikey at ng ate niya.

"Asan ang ate mo?"-me
"Pabalik na siya bumili lang siya ng makakain natin"-Mikey

May inaasikaso si Mikey na feeling ko para sa school. Natulala ako sandali at naalala ang mga nakita ko kanina. Grabe amaze na amaze ako nung nakita ko si Jonas saka ang kambal niya. Muntik pa ako makita nung lumabas sila sa 7/11 pero naka takbo naman ako agad. Siguro naman hindi nila ako nakita.

"Marie"-Mikey

Napatingin ako kay mikey.

"Ayos ka lang? Parang netong mga nakaraang araw kasi parang ang lalim ng mga iniisip mo"-Mikey

Pansin korin yun. Lagi akong tahimik at tulala simula nung umalis si Jonas. Di lang kasi si Jonas ang iniisip ko kundi yung issue between sa kanila saka sa mga larmiento. Etong ate ni Mikey ay gumagawa ng paraan para protektahan si Mikey at pasikretong tulungan ang mga dragons. Habang itong si Mikey ay parang nasa panig ng mga larmiento pero mag kasama sila ng ate niya.

"Bakit di mo sabihin sa ate mo kung nasaan ang mga larmiento?"-me

Direstahang tanong ko sa kanya dahil pagod na pagod na ako kakaisip kung anong ending ng problemang toh.

"Wag mo na ipasok ang sarili mo sa conflict marie"-Mikey

Nainis ako sa sinabi niya. Eh hindi naman mag kakaganito kung hindi dahil sa kanya.

"Mikey"

Napatingin ako sa pinto at pumasok ang ate niya. Siyang siya yung nasa picture pero nag pagupit na ito ng buhok at talaga namang napaka payat.

"Oh. Marie tama?"-Ella

Tumungo ako at tumayo para makipag kamay sa kanya.

"Oo Nice to meet you ella"-me

Nakangiti naman siyang nakipag kamay sa akin at nilapag ang pinamili niya sa lamesa.

"Kanina paba kayo dito?"-Ella
"Medyo"-Mikey

Tinulungan kong mag ayos si ella ng mga pagkain na pinamili niya habang si Mikey ay busy na busy sa project na ginagawa niya na bukas na daw ipapasa

"May nasabi sa akin si Mikey. Kakilala mo sila Jiyo?"-Ella

Napatingin ako kay Mikey na halatang may galit pag naririnig ang pangalan na yun.

"Kilala ko sila Jiyo pero di ko pa sila nakikita. Kaibigan ko si Jonas"-me
"Woah? Talaga?"-Ella

Sabay upo neto at titig sa akin. Halata namang na shook din si Mikey sa sinabi ko. Bahala na sa tingin sa akin ni Jonas basta para sa akin tinuring ko siyang kaibigan.

"Si Jonas naging kaibigan mo? How come eh mahirap kunin ang tiwala nun"-ella

Tama naman siya. Mukhang mas kilala niya pa si Jonas kesa sa akin kahit matagal na sila hindi nag kita.

"Kaibigan tingin ko sa kaniya pero kakilala lang tingin niya sa akin"-me

Natawa naman si Ella. Alam ko yung feeling niya ngayon. Ganiyan na ganiyan ang tawa ko sa tuwing nakakaharap ko si Jasmin na nag pupumilit maging malapit kay Jonas kahit na imposible.

"Sabi na nga ba eh. Hayaan mo ganun talaga yun"-Ella
"Pero minsan maayos naman siya kasama"-me
"Oo mas masaya siya kasama pag mas nakilala mo na. Teka kamusta na nga pala siya? Birthday kasi nila ni Jason nung huli kaming nag kita. Miss ko na silang mag kambal"-Ella
"Ayos naman sila. Mag kasama parin sila ngayon. Nakita ko sila kanina sa 7/11. Lagi sila andun"-me

Bakas ang tuwa sa mga ngiti ni Ella mukhang namiss niya talaga sila.

"Miss na miss ko na sila. Lalo na si Jason"-Ella

Tulad nga ng nasabi sa akin ni Mikey saka Jonas ay may gusto etong si Ella kay Jason na kambal ni Jonas.

"Sana matapos na ang lahat para bumalik na sa dati. Kung sabihin na kasi ng isa diyan kung nasaan yung mga larmiento"-Ella

Pag paparinig ni ella kay Mikey na tinarayan lang siya.





Kinabukasan.





Maaga akong pumasok sa school. Ayoko na sawang sawa na ako sa gulong nangyayari. Ayoko man makisali ay gusto ko na tumulong para matapos ito bilang kaibigan ni Jonas saka Mikey. Hahanapin ko ang mga larmiento at sasabihin ito kay ella. Alam kong kaya ko. Magagawa ko toh.

To be continued...

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now