Kabanata 1

25 0 0
                                        


Naranasan mo na ba?

Yung sa bawat paghakbang mo, may mga pagsubok na haharang sa buhay mo.

"Lolo Marcelo!" Isang sigaw ang tumawag mula sa aking paligid.

Lumingon ako at hinanap kung sino ito. Isang batang babae ang lumapit sakin at ako'y niyakap.

"Lolo! Tara na't kumain... hinahanap na po tayo nila inay" malambing na bungad ni Dalia na aking apo. Ngumiti ako "oo apo, mauna kana at susunod na lamang ako"

Ngumiti rin ito sakin at pumunta sa kanyang ina kasama ang iba pa, napapatitig na lamang ako sa itsura ng pamilyang aking nabuo.

Maginhawa at masaya ang aming pamumuhay, parang kelan lamang ay naalala ko kung paano nag simula ang lahat. Ang pinaka puno ng kaginhawahang aming natatamasa ngayon.

---Flashback---

Mayo 1, 1979

"Ako, ako si Marcelo Gazellian..." mag-isang sambit ko dito sa ilalim ng puno, maalinsangan ngayon kaya napag pasyahan kong dumito muna.

Lubos kong pinag iisipan kung wasto ang kursong aking kinuha, nag aaral ako ng medisina sapagkat nais kong tulungan ang mga may sakit. Ngunit, aaminin ko... hindi madali ang pag memedisina kaya ako'y may pag aalinlangan ngayon.

Sinara ko ang aking aklat at tumayo, bibisitahin ko ngayon ang aking ama sa bukid. Habang sya'y nasa palayan, ang aking ina naman ay isang tindera sa palengke.

"Tay!" Tawag ko sa aking ama at binigay sakanya ang ambag kong kita mula sa pag gawa ng tula.

"Oh ano iyan?" Tanong nito sakin, halata sa itsura nya ang pagiging masipag at maarugang tao.

"Ambag ko pong kita mula sa mga nag papagawa ng tula" sambit ko. Napangiti si itay at nagpasalamat. Hindi gusto ng aking ama na tanggapin ang pera ngunit talagang kailangan ito ng aming pamilya. Sadyang makulit din ako.

"Sya nga pala Marcelo, kelangan nyong paghandaan ang pista mamayang gabi" dagdag na pahayag nya sakin. Oo nga pala, may pista mamaya dito sa San Diego.

Iniisip ko nga kung paano ko kakausapin si Rosario. Matagal ko na syang kaibigan at matagal narin akong may lihim na paghanga sakanya. Ano kayang magandang ibigay sakanya mamaya? Hindi ko alam kung anong maganda, ang pula o puting rosas ba?

"Pula!" Muntik ko ng maibato ang dalwang rosas na pinagpipilian ko ngayon. Matapos ko makipag kita kay itay, madaling bumaba ang araw kaya't narito na kami ngayon sa bayan. Lumingon ako at nakita si Rosario.

"Oh ikaw pala" halos kabado kong sambit. Nais kong bumili ngayon ng rosas pero ung pagbibigyan ko... eto at nakita na!

"Para kanino yan? Kung ibibigay mo sakin yan, gusto ko yung pula" masaya nitong sabi pero may pag-aalinlangan sakanyang tono.

"Nako, saka nalang kita ibibili. Para to kay Inay" palusot ko sakanya. Shempre hindi nya pwedeng malaman na bibigyan ko sya, kaso nabisto na agad kaya hindi ko na sya pwedeng bigyan.

"Sus! Nais kang bigyan ng rosa---" lumitaw bigla si Lita. Ang makulit na bunso kong kapatid. Kabute ba to? Bigla nalang lumalabas.

"Ano Lita? Kay inay ang mga rosas na ito" pinandilatan ko ang aking kapatid. Ngumiti ito sakin at kumindat "ay oo nga pala! Para kay inay pala? Ate Rosario kung kayo po ang tatanungin, anong mas gusto nyo?"

Tumawa si Rosario at hinawakan sa ulo si Lita "mas gusto ko ang pula"

Matapos ng kaunting usapan, binili ko ang puting rosas para kay inay. Saka kami pumunta malapit sa pag-gagawan ng tanghalan ng pista. Nakita ko sila inay sa tabi kaya hinayaan ko munang pumunta duon ang kapatid ko.

May kumakanta at may sumayaw din sa pagtatanghal. Napaka husay ng mga nagtanghal, maraming tao ang natutuwa.

"Rosario, sa dadating na lunes nga pala ay aalis ako" sabi ko sakanya habang nag gagala kami ngayon. Maraming tinda at maliwanag ang baryo namin kaya magandang lumibot ngayong gabi. Hindi na namin tinapos panoorin ang tanghalan.

"Ha? Bakit san ka pupunta?" Tanong nito sakin.

"Kailangan ko pumunta sa Maynila, parte ito ng pag-aaral ng medisina. Alam mo namang tinutulungan lamang ako ng iyong ama sa aking pag-aaral" isa pang hindi ko nasabi sainyo, si Don Alejandro na ama ni Rosario ang tumutulong sakin upang makapag aral.

"Ah gaano ka katagal sa Maynila?"

Ngumiti ako sakanya ng mapansin ko ang pagka-lugmok ng kanyang itsura "depende, baka matagalan pero babalik ako"

Wag basahinWhere stories live. Discover now