"Kilala mo ba siya?"

Nabuhayan naman ako sa paligid nung nag salita siya. Si jonas ba tinutukoy niya?

"Sino?"-me
"Yung tumulong saken"

Si jonas nga.

"Oo kaklase ko siya"-me
"Gusto ko siya makausap at pasalamatan"

Oo nga pala tumakbo siya agad nun palabas sa takot.

"Sige sasabihin ko na lang"-me
"Hindi. Kakausapin ko siya. Gusto ko mag pasalamat ng harapan"

Aba kung ako sa kanya babawiin ko yun.

"Pumunta kana lang sa room namin mamayang uwian--"-me
"Tutal may atraso ka saken. Muntik muna ako iwan dun na nabubugbog. Gusto kong ikaw mag lapit sa kanya sa akin."

Aba napag utusan pa. Nairita ako at tumaray.

"Mamayang lunch break gusto ko siya makasabay"

Baka suksukan ka lang nun ng kutsara sa lalamunan iha.

"Hihintayin ko kayo dun."

Sabay pasok nung babae sa isang cubicle. Umalis na lang ako dun at pumunta sa klase. Pag pasok ko sa room ay napatingin sa akin ang lahat maski si Sir na nag susulat sa board.
Oo nga pala ako na lang inaantay para mag simula ang klase.

"Ang tagal mo Ms.Woller ah. Maupo kana"-Mr.Sam

Napatingin ako kay James na nginitian ako. dumiretso na ako sa upuan ko pero bago pa man ako makarating ay nakita ko si Jonas na nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin sabay upo.

Maya maya. Dahil walang next subject ay nakatulog ako sa vacant class.. nagising na lang ako ng may narinig akong paulit ulit na sitsit.
Fuck!

"Ano ba yun?"-me

Napaangat ako ng ulo at nakita ko wala ang mga classmate ko sa room. Nakita ko yung babae na nasa cr kanina. Siya yung sumisitsit sa akin. Napatingin ako sa orasan. Shet break time na pala.
Sumenyas siya na pumunta sa canteen. Napalingon ako. Andito si Jonas naka headset at natutulog sa lamesa tulad ko.

"Bakit kapa pupunta ng canteen eh andito na siya?"-me

Mahinang pag kakasigaw ko sa kanya. Oo mahina tapos sigaw. Yung pasigaw mong sinabi pero hangin lang ang lumalabas.

"Basta"

Sabi nung babae sabay senyas na pumunta dun at saka ito umalis. Nainis naman ako. Ngayon mukhang kailangan ko nanaman kausapin ang jonas na ito. Feeling ko talaga di ako safe pag nandiyan siya.

"Excuse"-me

Sabay kalabit ko sa balikat niya. Tinanggal niya lang ang headset niya pero nanatiling nakayuko. Mukhang wala siya sa mood.

"Samahan mo ako"-me

Alam ko namang di siya sasama pag sinabi kong gusto siya kausapin ni ganito para mag thank you.
Iniangat niya ang ulo niya sabay tingin sa akin at taray at saka pinag patuloy ang pag tulog.

"Please about kay Mikey"-me

Ibabalik niya na sana ang headset niya pero napatigil siya nung narinig ang sinabi ko. Kinakailangan ko pa talaga mag sinungaling.lagot nanaman ako neto.

"Anong balita?"-Jonas

Sabay angat niya ng ulo niya.

"Halika sumunod ka sakin"-me

Sabay mabilisan kong labas dahil alam ko namang susunod siya. Ramdam ko ang pag sunod niya kaya kampante ako. Maya maya ay nakarating na kami sa canteen.

"Bakit dito mo ako dinala?"-Jonas

Shet asan naba yung babaeng yun? Napatingin ang karamihan sa amin na nasa canteen. Hindi pala sa amin kay Jonas lang. Bakit? Karamihan sa napatingin ay kapwa namin mga 1st year college rin ata.

"Nag papasama ka lang ba sa akin kumain?"-Jonas

Accck lagot ako neto. Asan naba yung babaeng yun.

"DITO!!"

Agad ako napatingin sa bandang yun. Andun yung babae naka puwesto sa table na good for three.

"Halika"-me
"Sino yan?"-Jonas
"Tinulungan mo siya nung nakaraan"-me

Napaka ulyanin naman neto. Habang nag lalakad kami papunta dun ay nakita namin ang grupo ng mga bully na yun na nasa round table. Napaiwas sila ng tingin samin. Mukhang may phobia tong mga toh kay Jonas.

"HI"

Sabi nung babae.

"Eto na siya"-me
"Salamat"
"Sino toh?"-Jonas

Seryoso nakalimutan niya?

"Maupo ka nga"-me

Binigay ko ang buong lakas ko para mapaupo siya. Sapilitan siyang umupo habang naka kunot ang noo.

"Jasmin nga pala"

Jasmin pala name ng batang toh. Inabot niya yung kamay niya kay Jonas pero tinigan lang ito ni kupal

"Anong kinalaman neto kay Mikey?"-Jonas

Napaiwas na lang ako ng tingin.

"Uy james"-me

Sabay punta ko sa puwesto nila James at ng ibang classmate ko. Ayoko makisali dun bahala sila.

To be continued...

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now