--o--

XYRA' POV

Done with the main course and dessert. Ugghhh, I just love the dessert they served. Mango Vanilla Pannacota raw ang tawag dun. Tapos meron pang isa na masarap! Yung cream horn naman. Bitin ako sa isang serving. Gusto ko pa. At dahil gusto ko, kukuha pa ako ulit!  I stood up and headed to the buffet table. Kumuha ako ng platito at hinanap yung dalawang dessert na yun. Shet, natanaw ko lang sa malayo, natakam na ako. I reached out for the tongs to grab some cream horn when an unknown hand reached out for it too. Nagkahawakan kami ng kamay sa handle. And when I looked up, natulala na lang ako. I managed to bring back my senses and I did! Inalis ko ang kamay ko't hinanap ung mango vanilla na lang. Sheeeeeeet. It's him. What a coincidence naman na parehas pa ang gusto naming dessert. Ugh! 

"Oy!" Did he just call me OY?! Wtf. May pangalan ako! I so wanted to face him and yell at him kaso nga may promise ako sa sarili ko diba? Never talk to him. "Xy!" he called my name. What should I do? Haharapin ko ba? Oo? Hindi? Wag na? Ano? 

Babalik na sana ako sa table nung may pumigil sa akin. Nabigla pa ako. Ano bang problema nya? Bakit ba siya lapit ng lapit sa akin? Bwiset. Umiiwas na nga ako! "Ito. Kinuhanan na lang kita." Tapos nilagay nya yung tatlong cream horn sa plate ko...na galing sa plate nya. Okay? Seryoso? Salamat na lang. Sabay talikod na ako. Ang taray noh? Wala namang thank you. Okay lang yun, that person doesn't deserve a single word from me. 

Rhian started to talk in front. Lunch is over, it's time for the program proper. Kinakabahan nga ako kasi may speech ang maid of honor. Di pa naman ako sanay magsalita sa harap. Hay. First, yung message ng bride at groom sa kanilang dear parents. Next, yung message naman ng bawat ninang at ninong. Next, yung message naman ng family nila Bianx sa family ni Alex at vice-versa. Next, ito na. Ako na, speech of the maid of honor. Tumayo ako't kinuha ang mic kay Rhian. It's just a simple yet meaningful message for the both of them ang sasabihin ko. 

"Bianx and Alex, my best of friends since first year college, congratulations both of you! First things first, I wanna thank you for entrusting me this role as your maid of honor, Bianx. Sobrang nagulat ako nung sinabi mong ako ang napili mo. At the same time, sobrang saya rin. Umm, whatever happens, stay strong. Be strong. Nakaya nyo nga ng 7 years diba? What more pa kaya for the coming years? Always remember na nandito lang kami para sa inyo, hindi man kami ang unang takbuhan kapag nangangailangan, pero...nandito kami kapag kailangan. Love you! May God bless you both." At natapos ko rin ang aking speech. Luckily, hindi ako nautal. Nagpalakpakan ang mga bisita sa speech ko. Nung napatingin ako kay Kyle, aba grabe makangiti. Tss. It's his turn now. And I have no time to listen to what he'll say. 

"Thank you for that wonderful speech, Xy! Tama ka talaga diyan. Dahil ang tunay na magkaibigan, hindi nag-iiwanan. So next...our best man, Mr. Kyle." -Rhian

"Tita, kapag hinanap ako pakisabing nagCR lang ako ha?" paalam ko dun sa isang ninang nila Bianx. 

"Sige, hija." sabi naman nya. Nagtanong ako sa waiter kung saan yung CR at tinuro naman nya. Sinunod ko naman ang turo ni Kuya. Napansin kaya nila yun na umalis ako? I hope not. Nasi-CR lang talaga ako't di ko na kaya pigilan. 

--o--

KYLE'S POV

Where the hell is she? Natapos na ang speech ko't wala pa rin siya hanggang ngayon? Seryoso? Talagang iniiwasan nya ako? Ayaw nya talagang marinig ang boses ko? Di ba pwedeng excuse yun sa event ngayon? Tsk. Masundan nga! Baka nasa CR lang. I waited outside the female CR. Mga 5 minutes and after 5 minutes, bumukas ang pinto. Sinilip ko. Pagkasilip ko, she was startled to see me. She was about to scream. Buti na lang tinakpan nya ang bibig nya. Ang sama na ng tingin nya sa akin ngayon. Inirapan nya ako't naglakad papalayo sa akin.

JUST ONE MORE NIGHT [One Night, #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon