47

350 28 8
                                    

[ —spring ]

"Babalikan mo naman ako diba?" Tinitigan ko lang siya. I can see the sadness in his eyes. Hindi ko alam kung ano isasagot ko sa kanya.

"Oo kaya manahimik ka na dyan. Ang baho ng hininga mo! " sabay irap sa kanya. Kunwari hindi ako kinabahan sa sinabi nya.


"Okay ka lang, spring?" Tumingin ako sa nagsalita. Si kuya yoongi pala.

"Oo kuya." Sabi ko saka ngumiti.

"Sigurado ka? Kanina pa tumutunog yung microwave oh." Nagpanic ako sa sinabi ni kuya. Shet! Yung souffle!!!!!

"Nasisiraan ka na ata ah. Nga pala gising na ba si Yeonjun?" Umupo siya at saka kumuha nung french toast na niluto ko. Binuksan ko yung coffee maker. Nung natapos ay ibinigay ko kay kuya ang isang baso ng kape sa kanya.

"Ewan ko doon. Teka tignan ko." Iniwan ko muna si kuya at umakyat ako sa kwarto ko.

Pagbukas ko kay nakita ko siya nakaupo na pero nakapikit pa rin. Naka pout pa nga oh. Siguro nahihilo 'to.

Nakahubad pa pala si loko. Pumasok na ako at saka naghanap ng damit na pwede nyang isuot. Nahanap ko naman yung shirt niya. I love his shirt– noon.

"Bumaba ka na lang kapag medyo okay ka na ha?" Iniwan ka na ulit siya at bumaba ulit.

"Gising na?" Tumango na lang ako bilang sagot.

Hinanda ko na yung pagkain niya. Nagluto ako ng chow mien at chicken soup.

"Tapos na ako babygirl. Alis na ako. Thank you for the breakfast" Niyakap ako ni kuya at hinalikan sa noo.

"Ingat kuya." Umalis na si kuya. Naiwan ako mag isa dito pero maya maya bumaba na si Yeonjun.

Aba!  Sosyal ang gago!  Nag shower pa bago bumaba!

"Ginamit mo na naman yung shampoo ko!" Sabi ko saka siya sinabunutan.

"Ang bango e!  Ano gagawin ko!" Sabi niya.

"Tsk. Oh kumain ka na bago lumamig yung soup. May gamot na rin dyan. Maya maya dadating na rin si Soobin." Sabi ko. Pupunta na sana ako sa sala kaso naramdaman ko bigla yung kamay nya sa bewang ko.

"Thank you."








Sabay halik sa pisnge ko.

𝒔𝒑𝒓𝒊𝒏𝒈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon