"My God! Go on. Puro advantages 'yan, how 'bout the cons?"

"Uhm..." He smiled a little. "Wala naman, Reev kasi masyado na akong perfect–"

"Labas, Alcantara," I spat.

"H-huh? Uhm, joke! Nasa dulo na, Reev. Recite ko na lang," aniya.

I nodded and sipped on my drink. Inilipat niya ang slide kung nasaan ang personal details niya along with his name, age, birth date and place, even his properties!

"Tapos, uh, motto ko..." He cleared his throat and read it out loud. "Sariling wika ay mahalin, pati ako idamay mo na rin."

Nabuga ko ang iniinom at 'di na napigilan ang tawa. Binato ko siya ng unan pero nakaiwas siya, natatawa.

"Babe, baka naman..."

"Tarantado!" Naubo ako. "Next slide!"

Inilipat naman niya slide at muntik na naman akong mabilaukan nang tumambad sa akin ang picture niyang topless. He was only wearing boxers with spatula in his hand, nakangisi sa camera at nakahawak sa baywang.

"Remember that photo, babe?" He grinned.

"A-anong... bakit ganyan naman 'yong picture?!"

"You took that one! Katatapos lang natin mag-loving-loving–"

"Proceed!" I groaned. Humalakhak siya at nilipat ang slides.

I get better every year.

May picture niya do'n mula infant siya hanggang sa medyo malaki na siya.

"Bakit may nakahubad, Alcantara?!" I hissed.

"Baby pa ako niyan, Reev! Grabe 'to, bata pa lang ako pinagnanasaan mo na ako!"

"Jusko!" I massaged my head.

"Tapos ito, Reev, o." Turo niya isang litrato. He was young yet very, very handsome. Nakasuot siya ng palda roon at iritang nakatitig sa camera.

"Yan 'yong picture ko no'ng bago akong tuli," kaswal na imporma niya.

I gasped, nag-init ang pisngi ko. Siya nama'y tuwang-tuwa sa kagaguhan niya.

The next slides played. Napalabi ako. It was like a timeline, the evolution of his looks were really stunning. Kung guwapo na siya simula fetus pa lang ay mas nagiging gwapo siya sa paglipas ng panahon.

Pros of dating me:

1. Looks

"As you can see, babe, sobrang gwapo nitong manliligaw mo. Walang tapon," aniya at ngumisi pa. His stubborn jaw made him look more manly and I was annoyed because he's truly handsome. 'Di ko maisusumbat 'yon sa kanya.

2. Attitude

"I am good, uhm... Magaling ako magluto, magaling akong mag-alaga." He nodded, convincing himself.

"Yeah?" Tumikwas ang kilay ko.

"Uhm, siguro?" He chuckled. "Parang?"

"Hindi rin." Ngumuso ako. "I won't accept that point, mabait? Oo sige, pagbigyan."

3. Sense of humor

"Cute ako mag-joke?" He said, convincing more of himself.

Kinuha ko naman ang ensaymada at kinagat bago nagkibit-balikat.

"Sa bagay, mukha ka namang joke," I lamented.

Promise To A Stardust (Published Under Flutter Fic)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt