*tok tok tok*

Agad na bumukas ang pinto ng unit nila. Naka ligo na siya at naka bihis. Naka make up pa.

"Ang tagal mo naman kanina pa kita hinihintay. Tara na "-Mikey

Di naman siya masiyado excited. Mas pormang porma pa siya sa akin.

Maya maya pa ay kasalukuyan na kaming bumibiyahe at nag uusap.

"Ay wala kang lahi?"-Mikey
"Mga wamport lang siguro ganon. Pinay na pinay naman siguro itsura ko diba?"-me
"Oo nga eh. Naninigarilyo kaba?"-Mikey

Nagulat naman ako sa tanong niya. Shocks. Normal bang itanong yun sa taong kakakilala mo lang?

"Dark kasi ng lips mo"-Mikey

Aba nang lalait ba toh?

"Huy hindi ah. Mahilig kasi ako mag kape"-me
"Ahh kaya pala. Mahilig ka mag puyat noh? Ahhh.. ok gets ko na"-Mikey

Siguro kagabi pa ako neto hinuhusgahan.

"Ilang taon kana nga pala?"-me
"Kaka 18 ko palang. Ikaw?"-mikey
"19 na ako."-me
"OMG mas matanda ka saken. Sabi na eh mukha ka kasing workaholic"-mikey

SO MUKHA AKONG STRESS??

"Mahilig lang talaga akong mag aral kasi--"-me
"Speaking of pag aaral"-mikey

Ang daldal naman neto.

"San ka mag aaral? Naka pag enroll saka exam kana ba sa pag aaralan mo? Dun kana lang sa University ko"-Mikey
"Sa Klaydoms University ako papasok. Nag Exam ako Online. Pasado naman kaya dun narin ako nag enroll sa internet"-me
"Ay puwede pala yun. Nag pakahirap ako pumila nun"-mikey
"Malayo ba yun dito?"-me
"15 minutes na lakaran lang yun. Magiging 10 minutes pag nasanay kana."-mikey
"Buti naman kung ganun."-me
"First year college na ako sa pasukan ikaw din noh?"-mikey
"Oo"-me
"Diyan ako nag aral mula highschool. Maganda mag aral diyan dipende sa mga nakakasalamuha mo. Pero naka alis narin naman yung mga loko loko diyan kaya ok na."-mikey

Sige lang siya kuwento ng kuwento at nag enjoy naman ako kausap siya. I really need her dahil mukhang ang dami niyang alam sa kahit anong bagay.

"Tignan mo toh"-mikey

Kasalukuyan na kaming nasa loob ng isang shop sa mall. Tama nga siya ang gaganda ng quality at affordable ang mga furniture dito. Need ko pa bumili ng appliances at iba pang utensils. Mukhang marami rami kaming dadalhin pauwi.

"Mag grab na lang tayo pauwi"-me

Kasalukuyan kami nag mi-milk tea at kumakain ng cake nilibre ko siya dahil mukhang napagod din siya kasama ako.

"Ngayon ba makakarating yung mga furniture na pinapadeliver mo?"-mikey

Tumungo ako. Ang daming binili masyado. Maya maya ay nakarating na kami sa apartment at kasalukuyan niya akong tinutulungan mag ayos sa unit ko. Nakarating narin sa wakas ang mga furniture. May nakalimutan ako.

"Cellphone. Gosh"-me

Nakalimutan kong bumili ng bagong phone.

"Wala kang cellphone?"-mikey
"Nanakawan ako kagabi"-me
"HA?!!"-mikey

Halatang nagulat siya tulad ng gulat ko nung nahablot ang phone ko.

"Buti walang nangyaring masama sayo"-mikey
"Buti nga di ako nasama kasi hinablot yung cellphone ko ng naka motor."-me
"Naku mag iingat ka at wag ka gagamit ng kahit anong gadget sa kalsada o mag labas ng wallet. Dahil iba dito sa Manila. "-mikey
"Kaya nga eh. Pero hayaan mo na yun bibili na lang ako ng bago. Yung mas mura para ok lang manakaw"-me

Natawa naman kaming dalawa. Maya maya ay natapos narin kami. Ayos na lahat as in lahat.

"Salamat ah. Nakatulong ka talaga sa akin ng malaki as in."-me

Sabay yakap namin sa isat isa.

"Wala yun. Masaya ako na may bagong lipat dito na kaedaran ko. Sana tumagal ka at ng may makausap naman ako dito. Ang hirap kasi pag bakasyon lahat ng ng kaibigan mo nasa kani kanilang bakasyon samantalang ako nandito nag aasikaso at tumutulong kay papa. Pero di ko naman pinag sisisihan yun kasi gusto korin sanayin sarili ko na maging masaya sa trabaho lalo nat college na ako at need ko talaga maging matibay"-mikey
"Nice motivational speech. Pakilala mo ako diyan sa mga kaibigan mo ah. Mukhang di tayo magiging mag kaklase dahil Criminology ako at Tourism ka"-me
"Oo nga noh? Sad naman. Teka bakit kaba kaso nag criminology?"-mikey
"Simple lang yan. Nakakaboring kasi mag aral. Mas gusto ko mapagod ng pisikal kesa mental"-me
"Mag ti-thesis ka parin hoy!"-mikey
"Oo alam ko"-me

Maya maya ay nag gabi na. Mag isa ako sa unit ko at kasalukuyang nag aasikaso ng kung ano ano.

(Video call)
"Sigurado kabang ayos ka lang diyan? Naku baka reason mo lang yan dahil ayaw mo na sa puder namin"-mommy
"Mom naman. College na ako at kailangan ko maging indipendent"-me
"Wag ka mag boboyfriend diyan ah. Oh sino yang lalaking dumaan?"-Daddy

Napalingon naman ako at napatingin sa paligid.

"Pa naman"-me

Tumawa si mommy at daddy at ganun narin ako.

"Oh sige mag pahinga ka muna. Bumili ka ng cellphone yung malakas signal"-mommy
"Oh sige sige"-me
"Kung puwede ay yung may lumalabas na kutsilyo"-daddy
"Ano bang pinag sasabi mo?"-mommy

Nag bangayan silang dalawa sa harap ko.

"Tama na tama na. Bye na mom dad."-me
"Bye anak I love you"-mommy
"Mag iingat ka diyan ah"-daddy
"Sige po.. Love you too mom and dad"-me

Sabay flying kiss ko at end call. Huminga na ako ng malalim at sinara ang laptop ko. Kinuha ko ang paborito kong notebook na tinatawag kong Buhay. Nasa librong yun ang mga gusto kong gawin sa buhay ko. Di siya diary, sa totoo lang ulyanin talaga ako kaya sa tuwing may gagawin ako kinabukasan o dapat alahanin ay dun ko nilalagay at tinatabi sa pag tulog. Para panibagong araw panibagong Buhay.. hihi

Kinabukasan...

Kasalukuyan kaming nag lalakad ni Mikey papuntang school. Di pa pasukan ah nag papasama lang ako. Since Tourism siya ay gusto niyang may ginagala siya at ine-entertain.

"Eto yung pinaka malapit na daan papuntang school at mas safe dito kasi matao dito tuwing 4pm hanggang 8 ng gabi"-mikey

Napatungo naman ako. Kinuha ko ang phone na bagong bili ko. At kinunan ng litrato ang paligid.

"Oh wag ka mag lalabas ng kahit anong gadget baka manakawan ka nanaman"-mikey
"Itatago ko naman agad"-me
"Kailangan alerto ka sa paligid tandaan mo yan"-mikey

To be continued.....

Innocent CriminalsWhere stories live. Discover now