My Valentine (One Shot Story)

16 1 0
                                        

"Bat kasi ang dami pang pakulo ng mga student council nayan? Nahihirapan tuloy akong mamili kung anong kulay ang susuotin ko ngayon." Irita kong saad habang kumakamot sa aking ulo.

Paano ba naman kasi? February 14 lang naman ngayon, at dahil sa maraming alam ang mga student council, nagpakulo sila ng kung anu-ano.

Kapag 'In a relationship' naka red. E, hindi naman ako in a relationship at hindi ko rin alam kung anong estado ng lovelife ko ngayon.

Hindi rin naman pwedeng gray. Oo, single nga ako pero hindi naman ako makuntento. Kung kaya ko lang siyang kuhain... Tss!

Kapag black, bitter. Parang di naman. White? Di rin naman ako study first, puro bulakbol nga ako sa school.

Violet? Nah, sa gwapo kong to? NGSB? No way!

Brown? Mukhang ito yung tamang damit para saakin. Paano, mukhang magiging friendzone pa ata ako ngayong valentines. Kaso nakakahiya naman kapag brown sinuot ko. Baka maliitin ako ng mga tropa kong siraulo, kaya wag nalang.

Napabuntong hininga ako saka malakas na isinampa ang sarili sa aking kama. Itinaas ko ang aking cellphone at pinagmasdan ang litrato kung saan nakalagay ang color coding. Isa-isa ko itong binasa.

Green - it's complicated
Blue - broken hearted
Orange - waiting
Pink - flirting
Yellow - moving on
School uniform - kill joy

"Hindi ba pwedeng halo-halo nalang? Stripes na kulay brown, green, blue, orange, pink na school uniform nalang!?" Ang hirap kayang mamili!

Bahala na nga!

_____

Ito na 'to. Kakayanin ko'to.

Naglakas loob akong pumasok sa loob ng aming campus. Sa labas palang ay malalaman mo na agad kung anong meron ngayon.

Nagdagsaan kasi ang mga nagtitinda ng mga iba't-ibang kulay ng mga rosas, pulang lobo at kung anu-ano na pwedeng iregalo ngayong Valentines.

Sa totoo lang, nung una wala naman talaga akong pake sa mga ganitong bagay, iniisip kong kakornihan lang 'to pero nang magsimulang nakilala ko si Leanne, naging mas corny pa ako sa mais.

"Sana naman may magandang mangyari ngayon."

Tinuloy tuloy ko ang aking paglalakad habang hawak ko ang isang pulang rosas at teddy bear.

"Ay, taken na pala si Zack.."
"Hala! Akala ko wala siyang jowa. Ano ba naman yan!?"
"Zack! Why did you do this to me?"
"Nako, wag kayong maniniwala diyan kay Zack. Loko loko yan e. Dika pa kayo nasanay."

Mahina akong napatawa dahil sa mga naririnig kong sinasabi ng mga ilang babaeng nadadaanan ko.

Wala kasi akong maisip na suotin kaya nagpula ako. Tsaka, magiging girlfriend ko na rin naman si Leanne. Tiwala lang.

Nang makarating ako sa maliit na parke dito sa campus ay nakita ko si Leanne. Hindi ko alam pero kusang naglakad ang aking mga paa para magtago.

Bigla akong kinabahan. Bakit ba sa tuwing nakikita ko siya kahit nasa malayo ako, kinakabahan ako bigla?

Ano bang nangyayari sakin?

Sinubukan kong muli na lumapit. Patindi nang patindi ang pagtibok ng aking puso sa bawat hakbang na aking ginagawa.

"L-leanne..." Utal kong saad.

"Leanne!" Paharap na sana siya saakin kung hindi lang siya tinawag ng bestfriend niyang si Ruth.

"Pinatawag tayo dun kay Sir Martin."

Paalis na sana sila ngunit lumingon siya saakin. Agad kong tinago ang dala-dala ko.

My Valentine (One Shot Story)Stories to obsess over. Discover now