Prologue

637 40 21
                                    

"It's all in the book. All the crucial information that we need to know about them." Humithit mula sa sigarilyong hawak nito ang isang lalaking nakaupo sa likod ng lamesa. Makikita sa mukha at aura nito ang awtoridad. 

Kasalukuyan nilang pinag-uusapan ang tungkol sa misteryosong libro, o mas kilala sa tawag na Black Book, na hawak-hawak ngayon ng Mafia. Marami ang nagnanais na makakuha nito at isa na siya doon.

"How did you know about this? It could be a hoax information for all we know. Maybe this book is just a replica or even just an ordinary book with a list of who knows what."Uminom mula sa hawak na wine glass ang isa pang lalaki na komportableng nakaupo sa isa sa mga upuan ng mini sala sa loob ng opisinang kinalalagyan nila. Halata ang pag-aalinlangan sa boses nito. Sa isip-isip nito ay hindi niya basta-basta ilalagay ang pera niya sa isang negosasyon na walang kasiguraduhan.

Tumawa ng mahina ang lalaking nasa likod ng lamesa. 

"Trust me. I have a very reliable source." Tumayo at naglakad papunta sa bintanang gawa sa salamin ang lalaking nasa likod ng lamesa, kita rito ang view ng buong siyudad. 

Mistulang maliliit na insekto ang mga taong naglalakad sa mga kalsada, at para namang mga Christmas lights na kumukuti-kutitap ang mga ilaw na nangga-galing sa mga nagdaraang sasakyan.

"Kung totoo man ang sinasabi mo, paano mapupunta sa kamay natin ang libro? Paano natin malalaman na iyon nga ang librong pakay natin?" Nagsalin muli ng alak ang lalaki sa kanyang baso. Prente pa rin itong nakaupo sa may sofa. Humarap sa kanya ang lalaking nakatayo sa may bintana, naglalaro sa labi nito ang isang nakakalokong ngiti.

"At this moment, siguradong nasa kamay na ito ng taong naatasan kong kumuha nito mula sa Secret Keeper nila. I made sure that we will get the book, either by hook or by crook. And as for its authenticity, I've already told you that I have a very, very reliable source." Naglakad ang lalaki pabalik sa lamesa at muling umupo sa likod nito. Hindi na rin mapigilan ng lalaking nakaupo sa sofa ang hindi mapangiti.

"Bakit kailangan pa natin ang libro? We can hunt them one by one without getting our hands dirty. We have a lot of skilled men for the job." Totoo naman ang sinabi nito. Meron silang sapat na armas at mga taong pwedeng gumawa ng trabaho. Kahit gaano man kalalakas ang kung sinumang nasa loob ng libro na 'yun ay siguradong kaya nilang itumba. Pero iba ang naglalaro sa isip ng lalaking nakaupo sa likod ng lamesa, iba ang plano niya para sa libro.

"I've expected that you've already guessed what is on my mind." Umiling ang lalaking nasa likod ng mesa kasabay ang pagtayo nito. Mas matangkad ito kaysa sa lalaking kanina'y nakaupo sa sofa pero hindi ito kakikitaan ng pagka-intimida sa lalaking kausap.

"I'm neither a psychic nor a mind reader. So just spill the beans and let's get this over with," linagok ng lalaki ang natitirang alak mula sa baso nito saka pabagsak na linapag sa lamesa. 

Saglit pang nagtitigan ang dalawa bago ngumiti ng nakakaloko ang lalaking nasa likod ng lamesa.

"We'll use it against them."

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Euphemia🌸 

BLACKLIST (ON HOLD)Where stories live. Discover now