(Author)
Una sa lahat maghihintay siya ng lalaking para sa kanya yung bang parang biglaang darating.
Gusto niya unang kita pa lang sa kanya nagandahan at na-inlove na agad sa kanya. Sa madaling salita pilingera, maharot, malandi at aliparot.
Mangyayari nga kaya ang kanyang gusto?
Paano kung nangyari nga pero may problema!
Nahihiya siyang aminin at lalu na may malaking problema talaga!
Nahihiya siya kasi masyado daw syang maganda at perpekto para sa kanya! Tignan mo pilingera talaga sya, kayo na ang humusga sa aliparot na yan!
Pero may problema talaga siya kung bakit ayaw niyang suklian ang pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng magiging Dakilang Kasintahan niya!
Sana nga Dakila talaga!
ORIGIN OF THE STORY
Scotty POV
Sabi nila pagnagka-boyfriend ka daw masaya, nakakakilig pero sa huli masasaktan at pa Duduguin nila ang yong puso. Lalu na ikaw pa ang babae .
Hay naku !! Kailan ba ako magkaka-boyfriend yung tapat sayo yung bang unang kita niya pa lang sayo mahal ka na nya ng sobra yung bang.. Ayieee kinikilig na ko ini-imagine ko pa lang.
Pero sa isip-isip ko lang parang ayoko pa hindi pa ako handa, ayokong masakatan. Mahirap na madami pa namang manlolokong lalaki dyan. Sus ! Ano ba yan wag na nga lang tatanda na lang ako ng walang kasintahan
Sana naman makatagpo ang magandang babae na makikita lang kay Scotty Morryl 18 yrs.old, taga Quezon City at ako yon !
"Aray" - ako. Eksena namn to sa imagination ko ang ganda na nga eh! May batang lalaki kumukurot sa legs ko habang naghihintay ng masasakyan pauwi galing mall, pero ang cute ng bata ang gwapo.
"Paglaki mo bata sa akin ka mag pakasal" - sa isip ko lang.
"Bakit Baby Boy?" - pagtatanong ko, pacute effect pa
"Ang panget mo!" - pagsaad bigla ng bata.
"Abay kaloko to ah!" - pagbulong ko.
Astig yung bata makapag salita sa akin akala mo naman ang gwapo ! Pero gwapo ka naman talaga bata masungit nga lang. Binabawi ko na yung sinasabi ko sayo kanina na sakin ka magpakasal. Wag na! bahala ka sa buhay mo.
"Asan ang mga magulang mo? Bakit mag-isa ka lang?" - ako.
Naku kailangan kong makausap magulang nito, sinabihan ba naman ako ng panget nakuu!!
Sabay may sumigaw ng
"Alexander!" At lumapit saamin nung bata.
"anung ginagawa mo dito?"
pagtatanong ng lalaking nakalalaglag UNDIES ! Ang gwapo grabe Almost Perfect.
(author: basahin niyo din po yan sa kaibigan ko Almost Perfect by PitongAlien. Haha eksena ng author. SORRY!)
Kinalabit ng bata yung lalakeng gwapo "alam mo ba?" - pagtatanong ng bata! At wala talagang galang ang batang ito! Kaloka.
"Anu yon?" - seryosong pagtatanong ng lalaki. Husky voice, nakakakilig naman tong lalaki na to.Kainis
"Ang ganda sana nya kaso Panget pagnaka-Nganga at Naglalaway na nakatitig sayo" - sabay gaya sakin ng bata with Feelings pa! Nakakahiya sobra. Inayos ko ulit sarili ko. Balik normal mukhang pa hard-to-get.
"Sanay nako sa mga ganyan Baby!" - saad ng lalaking gwapo!
"HA ! Malaking Ha! Anak nya yun anong nangyayari sa mundo? Kinamuhian nako!" Pag- aangal ko pero sa isip lang. Hndi ba talaga ako pwedeng ma-inlove ?
Sa susunod na po yung iba! Inaayos ko pa yung mga line ng characters ko! Sana nagustuhan niyo po! Comment lang po! Thanks ! Enjoy!
YOU ARE READING
Boyfriend The Great
Teen FictionGreat ? Dakila ? Saan ? Kailan nagkaroon ? at SINO naman ? Paano kung may Dakilang magmahal at Dakilang mag-aruga sa akin ? Paano ko susuklian ang Pagmamahal na kanyang ibinibigay sa akin, nang dahil lang sa nahihiya akong aminin !? Paano ko Iibig...