Anong nangyari sa matandang iyon? Bakit ganun itsura nun? Ang sama makatingin ah...

Dala-dala niya iyon hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay. Napakunot pa ang kanyang noo nang makitang maraming usok na lumalabas doon. Agad silang napatakbo sa sobrang pag-alala na baka nagkaroon ng sunog.

"Mama!" tawag ni Misty habang binubugaw ang usok ngunit agad rin siyang napahinto nang maamoy niya iyon. Umikot ang kanyang mga mata saka umupo sa sofa.

"Hoy! Misty. Hindi ka ba tutulong sa pagbugaw ng usok sa bahay niyo?" tanong ni Olivia. Binubugaw nila ni Samara ang usok.

"Via, amoy insenso yung usok" komento ni Samara.

"Hala? Bakit ang daming usok ng insenso sa bahay niyo?"

 

Ngumiti si Misty. "Diba sabi ko sa inyo? May multo nga kasi dito"

"Misty!" Napalingon silang lahat nang marinig ang mama ni Misty na maraming dalang insenso at isang dustpan ng kamanyang na pinapausok.

"Tita, bakit ang dami niyong dalang ganyan?" takang tanong ni Olivia.

"Para good vibes at hindi na ginagambala ng masamang espiritu itong anak ko. Masama kasi ugali kaya nilalapitan ng mga kakaibang nilalang"

 

"May multo talaga dito?" napalingon sila sa tanong ni Samara.

"Wala"

"Meron"

"Siguro"

Sabay sabay nilang sagot sa tanong nito saka nagkatinginan. Bumuntong hininga si Misty saka umakyat sa kanyang kwarto.

Ayokong isiping merong kakaibang nilalang dito sa loob ng bahay. Like duh! Walang multo noh!

Nagbihis siya saka muling lumabas ng kanyang silid. Pagbaba niya'y siya na lamang ang kulang sa hapag kainan. Pagkatapos nilang kumain lahat ay ginawa na nilang kanilang gawain.

"Misty.." Napalingon si Misty sa pagtawag ni Samara.

"Bakit?"

 

"Ano kasi... Hindi na lang kami matutulog dito"

 

Napakunot ang noo niya. Napatingin siya kay Olivia ngunit ganuon rin ang itsura nito. Nakakunot ang noong nakatingin sa kapatid. Saka siya napangiti.

"Naniniwala kang may multo dito?" nakangiting tanong niya.

SAYEHDonde viven las historias. Descúbrelo ahora