Chapter 51: The letter

6.7K 190 4
                                    

Sam's POV

Pumutok na ang baril at isang luha ang nakawala mula saking mata. Dinamdam ko ang sakit ng bala, pero wala akong maramdamang sakit o ano man.

Napadilat agad ako at nakita si papa na nakikipag-agawan pala ng baril kay Mrs. Tiu. Mukhang nakawala sa pagkakatali si papa at agad na hawi ang pagkakabaril sakin. Pumuputok-putok na yung bala pero sa taas ito tumatama.

"Sumuko ka na!" pagsisigaw ni papa at mukhang nanaig na ang lakas niya kontra kay Mrs. Tiu pero bigla na lamang naharap sa direksyon ni lolo ang posisyon ng baril at diretsong pinutok ito ni Mrs. Tiu.

Nakita kong napatingin si Lolo sakin habang sinusubukan niyang ngumiti. Dali-dali akong nakawala mula sa mga kamay ng mga kalaban at napatakbo kay lolo na natamaan sa dibdib.

"Lolo. ." Nanlalaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. Hindi ko alam kung anong uunahin kong pansinin, yung dibdib niyang dumudugo o siya na may sinasabi sakin. "Lolo. ." Pina-higa ko agad siya saking hita.

"Shh. . apo. . Ang. . ganda-ganda mo ngayon." nahihirapan na siyang magsalita. Napakaraming dugo na ang nawawala sa kanya. "Kamukha mo ang anak ko. kamukhang-kamukha." Ngumiti siya ulit na nagpahikbi sakin.

"Lolo. . sorry. Lolo. . . sorry. ." Walang tigil ang pagbuhos ng mga luha ko. Tangina! "Lolo wag ka ng magsalita!"

Dahan-dahan niyang hinaplos ang mukha ko na para bang panghuling beses na niya akong makikita.

"Mahal na mahal kita, apo. Wala akong ibang hiling kundi ang makapiling ka lang. Patawarin mo sana ako sa lahat ng masamang naidanas ko sa pamilya niyo."

"Pinapatawad na kita lolo, basta huminga ka lang diyan. Wag na wag kang bibitaw naiintindihan mo?"

"Geez, what a drama. Huh!" Napatingin ako kay Mrs. Tiu na mukhang nanaig kay papa sa pag-aagawan nila ng baril. Nakasalampak si papa sa sahig habang gulat na gulat na nakatingin kay lolo. Nadakip ulit siya ng mga tauhan ni Mrs. Tiu at agad pinusasan.

"Kunin niyo nga siya. At tapusin niyo na ang paghihirap ng matandang yan." utos ni Mrs Tiu at dali-daling may lumapit sakin at kinaladkad ako palayo kay lolo.

"Waaaaaaaag!!!!" halos maglupasay na ako sa sahig ng makita na walang awang pinagbabaril si lolo.

Apat? Lima? Hindi ko na alam kung ilang bala ang natanggap niya mula sa baril ni Mrs. Tiu!

"Now where are we?" napatingin na ng diretso si Mrs. Tiu sakin.

"Walang hiya ka!!!!" Nanlaban na ako at pinagsisipa ang mga tauhan niya. Pagkatapos ay tumakbo ako para lapitan siya pero agad niya akong tinutukan ng baril. Kaya nahinto ako at galit na napatingin sa kanya.

"Aah. . yes, thank you for that act. Now I remember. Eto pala yung dapat kong gagawin sayo kaso inunahan ka lang ng lolo mo."

"Iputok mo na!!! Sige na! Iputok mo na bwesit! Patayin mo na ako kung yan ang ikakasaya mo!" pagsisigaw ko kaya napangiti nalang siya.

"As you wish!" she's ready to pull the trigger but I never flinch. Tinitigan ko siya ng maigi at buong tapang na tatanggapin ang bala niya.

"Bridget!!!" umalingaw-ngaw ang boses ng isang lalake sa buong silid kasabay ng mabilis na pagpasok ng mga pulis. Hindi na nakapanlaban ang mga tauhan ni Mrs. Tiu dahil sa sobrang bilis kumilos ng mga SWAT Team.

"What the hell??" Tinutukan agad ng maraming pulis si Mrs. Tiu kaya wala na siyang nagawa kundi ang ibaba ang baril niya.

"How dare you, Mike! Akala ko ba nasa states ka?!!" galit na galit na pinagsisigaw ni Mrs. Tiu ang lalakeng kadarating lang.

Astig na GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon