Chapter 33: Hawak Kamay

7.6K 222 17
                                    

Chapter 33

Hawak Kamay

Papasok na kami ng napakalaking gate ng DKU at tuloy-tuloy na kami sa main entrance kung saan pinaparada kadalasan ang mga mamahaling kotse ng mga estudyante.

Ano ba naman ito! Parang ayoko talagang lumabas! Siguradong itsura ko ngayon parang asong kalye na hindi napaliguan nang halos buong buhay niya.

Waaaahhhh!!!!

Ayokong pumasooooook!!!!

Paghinto ng kotse sa tapat ng malaking pinto, sa school main building namin, bigla nalang nagsilabasan ang napakaraming tao at halos dumikit na sa kotseng sinasakyan namin.Napakarami ring nagkikislapang mga camera at mga media. Yung iba nakigsiksikan na, makita lang nila kung sino yung nakasakay dito sa loob.

Grabe! Anyare sa mga taong to??

Joke ba to???

"Oy, palaka! Anong ginawa mo? Ba't ang raming tao sa labas?" Buti nalang tainted yung bintana kaya di nila ako nakikita na mukhang taong grasa. Hahaha. . OA na ata masyado ang pagkakadescribe ko sa sarili ko. Basta isipin niyo nalang na ang itsura ko ngayon ay nakapajama pa at lawlaw na t-shirt tapos manipis na tsinelas at parang kagigising pa lang ang mukha.

"I called the Press and told them."

Agad napalaki ang mata ko sa narinig.

"A-anong told them?"

Ngumiti lang siya ng nakakalokong ngiti at saka lumabas na siya ng kotse. Dinumog naman siya ng mga tao kaya buti nalang marami-rami ang guards na dala niya ngayon.

T-teka!!! Kung siya lumabas. .

Pati din ba ako lalabas????

Huwaaaaaaaaaaatttttttt????????

BWESIT KA PALAKA Ka!!!!!!!!!!

Makikita ako ng buong DKU at mga press na ganito itsura ko???

At bago pa ako makapag-isip kung pano ako makakalabas ng kotse, binuksan na ng mga guards niya ang pinto at hinila nila ako papalabas.

Nagsabay namang nagkislapan lahat ng camera at ang lahat ay parang nagulat sa kung ano man ang nakita nila sa itsura ko. Para bang nakakita sila ng multo at kulang nalang ay magtakbuhan sila papalayo.

Ano itsura ko??? Ano itsura ko??? ANO ITSURA KOOOOO???

Bigla namang sumulpot si Palaka sa tabi ko at hinawakan ang bewang ko sabay hatak palapit sa kanya.

"Everyone! This is the one I was talking about." Nanlaki ulit ang mga mata ko. Bulong-bulungan ang lahat ng tao ngayon. Tumingin naman ako kay Zarren at tumingin rin siya sakin. "She is the girl I love. She was the one who caught my heart and made me feel complete."

Complete? Ano ako, vitamins?

Ngumiti naman siya sakin ng isang napakatamis na ngiti. Yung ngiti kung san siya lang ang magaling at kahit sinong babaeng makakakita, malalaglag ang panga.

Isiniksik pa niya ang sarili niya sakin at bigla nalang niyang inilapit ang mukha niya sa bandang pisngi ko.

Oh no!! Hahalikan ba niya ako???

Hala!!!!

"Welcome to my World, Amoy-skwater" biglang bulong niya at nag-iba nalang bigla ang ngiti niya. Mula sa pagiging asukal to bitter and evil smile. Parang kulang nalang lapain niya ako ng buhay.

Napatingin din ako sa mga tao at ganun na din ang mga itsura nila. Yung iba tawa ng tawa na parang nasasapian na ng masamang espirito at yung iba naman napakasama na din kung makatingin na animoy mga maligno. . .

Astig na GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon