Papansin

27 3 8
                                    

Hoy Gonzales!” sigaw niya sa ‘kin.

“Bakit? ano na namang problema mo ha, Marcellano?” pagtataray ko.

“Baboy!” saka nasundan ito ng malulutong niyang halakhak.

Siya si Patrick James Marcellano. Ang pogi, este saksakan ng pangit at bully dito sa aming eskwelahan.

Talaga namang hindi natatapos ang araw ko nang walang pang-aalaskang natatanggap mula rito. Heto nga’t nag-uumpisa na naman ang ungas. Tawa ito nang tawa. Nakahawak pa sa tiyan ang kumag at para bang mamamatay na sa katatawa.

Lalong naningkit ang singkit kong mga mata. Umuusok ang bumbunan ko sa galit nang mga sandaling iyon.

“Anong sabi mo, Marcellano?”

Ngumisi muna siya bago sumagot.

“Ang sabi ko, ang taba-taba mo. B-A-B-O-Y ka! Hahahaha!”

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko at boom! Sapul siya sa mukha!

“Ulitin mo pa ‘yan, Marcellano, at sa susunod, ‘di lang ‘yan ang aabutin mo!” agad akong nagmartsa paalis. Kasunod sa aking likuran ang bestfriend ko.

“Grabe ka, Ana, ang tapang mo talaga, bes. Pak na pak ganern e. hahahahaha!” sabi ng bestfriend kong si Julia.

“Buti nga sa kanya. Hmp!” nakasimangot kong tugon.

“Hoy Gonzales!” sigaw muli ng kumag mula sa aming likuran. Mga ilang dipa na rin ang layo namin sa kanya. Huminto ako sa paglalakad at ‘di lumilingong hinintay ang sasabihin niya.

“I love you, Ana Gonzales! Napakamanhid mo talaga! Kaya ako laging nagpapapansin sa ‘yo kasi mahal kita! Oo mahal kita! kahit pa ang taba mo, kahit ang dami mong bilbil..”

Aba’t siraulo ‘to ah! at talagang inulit-ulit pa ang panlalait sa akin?

Lumingon ako at naglakad pabalik.

“Kahit mataba ka, maganda ka naman at matalino. Matapang ka pa na siyang sobrang hinahangaan ko sa ‘yo. sabihin mo nang tanga ako, kumag, papansin at kung ano pa man na gusto mong itawag sa akin! Pero mahal kita! Mahal na mahal kita, Ana!” malakas na pahayag ni Patrick James.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PapansinWhere stories live. Discover now