Introduction

165 20 2
                                        

Narito ang aming team upang anyayahan kayo na makilahok sa aming patimpalak. Ang patimpalak na ito ay pinakabago at tiyak ko na mas kakaiba. Bukod pa roon, may mga bagong admin ang team na nais tumulong sa mga kapwa manunulat nila na may potensyal at kakayahan rin.

Ang patimpalak na ito ay para lang sa mga ONESHOT/SHORT STORY/MAIKLING KWENTO.

Paunawa na hindi kami tatanggap ng mga lumang akda. Dapat BAGONG GAWA lang ang ipapasa.  Maaari mo ring isulat ang iyong gawa, ayon sa genre na iyong makikita sa susunod na pahina (UPDATE: Nakapag-usap na ang mga admin at napag-usapan na namin na magiging ISANG GENRE NA LANG PER MONTH ang contest).

Ngayon pa lang sasabihin na namin sa inyo na may mga proseso ang patimpalak na ito at talagang pinag-usapan naming mga admin kung ano ang magaganap sa patimpalak. Layunin ng aming team na bigyang pansin ang mga manunulat na hindi pa nadidiskubre ngunit may potensyal o angking galing sa pagsusulat. Kaya't narito kami upang tulungan kayo.

Tandaan: Bago umaksyon ay dapat basahin niyo muna nang maigi at unawain ang bawat panuto namin upang maging maayos ang patimpalak na 'to.

Kung may tanong pa kayo ay maaari kayong mag-iwan ng tanong inline o sa mga comments. Huwag kayong mag-alala sasagutin namin kayo nang maayos.

Maraming salamat!


~admin 'HAHA' react😂

Undiscovered Writers' Awards 2019 [ O P E N ]Stories to obsess over. Discover now