CHAPTER 38 [SAVING FOREVER]

Start from the beginning
                                    

“3 words!” pang-aasar ulit ni Nats kaya naman tumawa na lang sila. Hindi din naman napigilan ni Dee na matawa na rin lang dahil sa pagiging silent type nya.

Na-interrupt naman sila noong kumatok at sumilip sa kwarto ni Lira si Yaya Rosie. Nakangiti ito at medyo namumula ang ilong.

“Hmm. Agatha, nag-hihintay na sina Mommy at Daddy mo sa baba. Dumating na rin si Alannah at Christian.” Pagbabalita nito.

Napansin naman ni Lira ang tissue paper na hawak ng Yaya nya. Hindi nya napigilan ang sarili at nilapitan ito at mahigpit na niyakap.

“Yaya naman, para namang ngayon lang ako ikakasal.” Malambing na sabi nya dito. Matagal na panahon din na ito ang itinuring nyang nanay.

“Masaya lang ako. Bukod sa ikakasal ka na ulit, masaya ako dahil makikita ko pa na inihahatid ka ng Mommy at Daddy mo sa altar. At sana, masaksihan ko pa rin ang pagbuo nyo ni Liam ng pamilya.” Paliwanag nito.

“Of course Yaya. Tutulungan mo pa ako mag-alaga ng magiging baby ko eh.” paninigurado ni Lira.

Maya maya lang, lumabas na rin silang lahat sa kwarto ni Lira at syempre pinahuli nila ito para may moment naman daw si Lira sa habang pababa ito ng hagdan suot ang bridal gown. Na kay Lira ang focus ng lahat ng tao sa sala, lahat sila nakangiti at hindi mapigilan na maging teary eyed. Inescort-an sya ng kanyang Daddy noong nasa last step two na sya ng hagdan. Kinuha ang kamay nya at inalalayan na makababa. Niyakap sya at hinalikan sa pisngi.

“Be a good wife, ok? Liam is a good man… I love you Agatha.” bulong sa kanya ng Daddy nya.

“I promise, and thank you for making that ‘find-a-man-and-married-deal’. I love you too Dad” at mahigpit nyang niyakap ang Daddy nya. Sunod naman syang niyakap at hinalikan din sa pisngi ng Mommy nya.

“If you need anything, just call me ok? I love you Agatha, always remember that.” Paalala nito.

“Thank you Mom, I love you too.” Pilit nyang pinipigilan ang luha nya, inaalala nya kasi ang make-up nya nab aka kumalat kapag umiyak sya.

Napatingin naman sya kina Alannah at Christian na magka-hawak kamay at nakangiting nakatingin sa kanya. Nilapitan nya ang dalawa at agad naman syang niyakap ni Alannah.

“Congratulations Agatha, you deserve each other. I’m so happy for the both of you” bati ni Alannah.

“Thank you Lanah, and I’m looking forward on your wedding day! You better get a move Christian, she’s a catch.” Nakangiti nyang tukso sa dalawa.

“SOON. Anyway, congratulations, you look beautiful!” nakangiti namang bati sa kanya ni Christian.

“STUNNING!” sagot ni Cams

“GORGEOUS!” Nats

“LOVELY!” Dori

“WONDERFUL!” Chi

“SHINNING, SHIMMERING, SPLENDID!” Dylan

Marrying Mr. Boring (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now